Lensk

From Wikipedia, the free encyclopedia

Lenskmap
Remove ads

Ang Lensk (Ruso: Ленск; Yakut: Лиэнскэй, Lienskey) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Lensky ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Lena, sa layong humigit-kumulang na 840 kilometro (520 milya) kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 24,966 katao.[2]

Agarang impormasyon Lensk Ленск, Transkripsyong Iba ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang unang pamayanan bilang Mukhtuya (Мухтуя) ng mga Rusong mangangalakal ng balahibo noong 1663, sa sityo ng isang dating pamayanang Evenk na kilala bilang Mukhtuy. Ang pangalan ng naunang pamayanan name ay hango sa isang salitang Evenk na nagngangahulugang "dakilang tubig".

Noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon, isa itong tapunán (place of exile) ng mga ipinatapon dahil sa politika. Nakaranas ito ng panahon ng mabilis na paglago noong ika-20 dantaon bilang bunga ng pagtuklas at pagpapaunlad ng mga deposito ng diyamante sa daluyang limasan ng Ilog Vilyuy. Bilang pinakamalapit na pangunahing pamayanan sa pangunahing mga paghuhukay ng kimberlita sa minahan ng Mir at ang pagtatatag ng bayang kompanya ng Mirny, ang Mukhtuya ay naging pangunahing base ng pagtatayo. Itinayo ang mga daan na nag-uugnay ng Mukhtuya sa Mirny noong 1956, at itinatag ang pantalan. Noong Hulyo 13, 1963, ginawaran ito ng katayuang panlungsod,[1] kasabay ng pagpapalit ng pangalan nito sa Lensk, mula sa ilog na kinatatayuan nito.

Thumb
Lensk kasunod ng pagbaha noong 2001

Bahagyang nakatawag ng pansin sa mundo ang Lensk noong Mayo 2001, nang nabaha ang halos kabuoan ng lungsod at nawasak ang maraming mga gusali. Ang mga pagbaha ay dulot ng yelo sa ilog na sumasagabal sa pagdaloy nito at nakalikha ng isang prinsa. Malakihang itinayo muli ang Lensk pagkaraanng pagbaha.

Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Ekonomiya

Bilang karagdagan sa pagkakaugnay nito sa industriya ng diyamante at konstruksiyon, may malaking sektor ng pagtotroso at paggawa ng tabla ang Lensk at mayroon ding pagawaan ng pabahay na may malalaking mga panel. Tahanan din ang lungsod sa samahang pananaliksik ng agham na Yakutalmaz.

Nakadugtong ang Lensk sa Mirny sa pamamagitan ng isang daan at may itinakdang mga lipad papuntang Mirny, Yakutsk, and Irkutsk mula sa Paliparan ng Lensk. Bilang isang pangunahing panloob na pantalan sa Ilog Lena, napaunlad ang lungsod bilang lugar ng pagpoproseso para sa panrehiyon na industriya ng diyamante.

Klima

Ang Lensk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Napakaginaw at napakahaba ang mga taglamig na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa 34.1 hanggang −25.3 °C (−29.4 hanggang −13.5 °F) sa Enero. Banayad ngunit maiksi ang mga tag-init na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa +10 hanggang +23.9 °C (50.0 hanggang 75.0 °F. Katamtaman ang pag-ulan at mas-mataas sa tag-init kaysa sa ibang bahagi ng taon.

Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Lensk, Buwan ...
Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads