Lysippos
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Lysippos o Lysippus[1] (Griyego: Λύσιππος) ay isang Griyegong iskultor noong kapanahunan ng sinaunang mundo, noong ika-4 na dantaon BC. Sinasabing nakalikha siya ng mahigit sa 1,500 na mga estatwa. Naging dalubhasang manlililok siya ng mga hugis at anyo ng mga diyos at tao na may iba't ibang taas at laki, kabilang ang isang wangis ni Zeus na may taas na 60 piye. Bagaman wala nang nalalabi sa kaniyang mga gawa sa kasalukuyan, may mga estatwa sa Italya at Gresya na nabahiran ng kaniyang impluwensiya at gawi sa paglililok. Nilalarawan ang kaniyang mga gawa sa mga sulatin nina Pliny at iba pang mga manunulat ng kasaysayan. Kasama sina Skopas at Praxiteles, silang tatlo ang mga itinuturing na tatlong magigiting na mga manlililok ng Sinaunang Gresya (Klasikong Gresya).

Remove ads
Sanggunian
Bibliyograpiya
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads