Mahmud II
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Mahmud II (Turkong Ottomano: محمود ثانى Mahmud-ı sānī) (20 Hulyo 1789 – 1 Hulyo 1839) ay ang ika-30 Sultan ng Imperyong Ottomano mula 1808 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1839. Ipinanganak siya sa Palasyo ng Topkapi, Konstantinopla,[2] ang anak na lalaki ni Sultan Abdulhamid I, na ipinanganak pagkaraang mamatay si Sultan Abdulhamid I. Ang pamumuno ni Mahmud II ay karamihang kapansin-pansin dahil sa malawak at masaklaw na mga repormang pampangangasiwa, pangmilitar, at pampag-iingat-yaman na pinasimulan niya, na humantong sa Atas ng Tanzimat (Reorganisasyon o Muling Pagsasaayos) na isinagawa ng kaniyang mga anak na lalaking sina Abdülmecid I at Abdülaziz I.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads