Mambubulo

isang hayop na naghahatid ng bulo sa mga bulaklak From Wikipedia, the free encyclopedia

Mambubulo
Remove ads

Ang isang mambubulo, tagabulo, tagapagbulo, o polinador (Ingles: pollinator) ay isang hayop na nililipat ang polen mula sa lalaking antera ng isang bulaklak tungo sa babaeng karpelo (o supot-suputan ng obulo) ng isang bulaklak.[1] Tinutulugan nito ang pagkakaroon ng pertilisasyon ng mga obulo sa bulaklak sa pamamagitan ng lalaking gameto mula sa mga butil ng polen o bulo. Bagaman napagkakalituhan, ang isang polinador ay kaiba mula sa isang polenisador (binabaybay ding polinisador, o tagapagpolinisa) na isang halaman na pinanggagalingan o napagkukuna ng bulo para sa proseso ng polinisasyon.

Thumb
Mga bubuyog na nambubulo sa isang bulaklak

Kabilang sa mga mambubulong kulisap ang bubuyog, putakting nambubulo (Masarinae), langgam, langaw at lamok. Mambubulo din ng mga halaman ang mga bertebrado, pangunahin ang mga paniki at ibon, subalit mayroon din sa ilang Mga hindi paniking mamalya (mga unggoy, lemur o kago, possum o sarigeya, daga o rodentia) at ilang butiki. Maaring artipisyal na mambubulo din ang mga tao.

Remove ads

Mga sanggunian

Tingnan din

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads