Man of the World (pagtatanghal)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Man of the World ay isang internasyonal na panlalaking timpalak ng kagandahan na nagsimula noong 2017 na kung saan naglalayong magbigay diin sa kahalagahan ng edukasyon at pag-unlad ng karera.

Agarang impormasyon Pagkakabuo, Uri ...

Ang patimpalak na ito ay nagtala ng mahigit sa 80 kalahok na bansa mula nang mabuo, ay nilikha ng Philippine-based multinational conglomerate Prime Events Productions Philippines (PEPPs) Foundation, Inc., na nag-oorganisa rin ng taunang kompetisyon ng Misters of Filipinas, at nagdadalubhasa sa multimedia content production at talent management sa pamamagitan ng entertainment company nito na PEPPs TV, LLC.[1][2]

Ang kasalukuyang Man of the World ay si Sergio Azuaga ng Venezuela, na nakoronahan noong 26 Hulyo 2024.[3]

Remove ads

Korona ng Man of the World

Isang tampok ng kompetisyon at organisasyon ng Man of the World ang korona nito. Bagama't karamihan sa iba pang mga male beauty pageant ay nagbibigay lamang ng mga salakbat at tropeo sa kanilang taunang mga may hawak ng titulo, ang Man of the World Organization ay palaging nagtatampok ng korona para sa nagwagi mula nang simulan ang kompetisyon noong 2017.

Inaugural crown (2017)

Ang inaugural na korona na ginamit noong 2017, ay gawa sa solidong sterling metal na pilak at platinum, na nagtatampok ng fleur-de-lis, sampaguita, at iba pang monarchical heraldry emblems mula sa pitong kontinente. Dinisenyo ng Filipino international jewellery master Manuel Halasan at insured ng Axa International, ang unang korona ng Man of the World, na tinatayang higit sa 3 milyong piso (humigit-kumulang 54,000 US dollars), ay sinadya upang bigyang-pugay ang huwarang kagandahan ng kalalakihan, at bigyang diin ang mga kaakibat na responsibilidad na kasama nito.[4][5][6][7]

Ginto crown (2018)

Ang koronang Ginto na ginamit noong 2018, ay idinisenyo ni Manuel Halasan at insured ng M Lhuillier Group of Companies. Ang Ginto na nagkakahalaga ng mahigit 5 ​​milyong piso ng Pilipinas (humigit-kumulang 90,000 US dollars), may dala pa ring mga palamuti ng fleur-de-lis, sampaguita, chrysanthemum, peony, at iba't ibang bulaklak at simbolo ng imperyal na heraldry mula sa pitong kontinente ng mundo. Ito ay nagsasaad ng kahusayan sa responsableng pamumuno, huwarang panlalaking kagandahan, at pagdiriwang ng modernong lalaki.[8][9]

Current crown (2019—present)

Ang kasalukuyang korona ng Man of the World ay idinisenyo at ginawa ng jeweller na si George Wittels, sa pamamagitan ng inisyatiba ni Richard James White ng Realty World Regency sa Hercules, California sa Estados Unidos. Ginawa sa Venezuela, ang korona ay nagkakahalaga ng higit sa isang milyong dolyar. Ang disenyo ay binubuo ng ginto at platinum na monarchical diadem base, na nakatatak at pinalamutian ng mga mamahaling bato na kinabibilangan ng mga esmeralda, sapiro, rubi, diamante, at golden Philippine south sea pearls, na nagbibigay-pugay sa perpektong panlalaking anyo at kagandahan, nagsasaad ng responsableng pamumuno, at "pagdiwang sa walang katapusang mga posibilidad ng hinaharap".[10][11][12]

Remove ads

Titulado

Karagdagang impormasyon Edisyon, Taon ...
Remove ads

Bansa/Teritoryo bilang ng panalo

Karagdagang impormasyon Bansa, Titulo ...

Mga Tala
a Inalis sa trono, b Kinuha ang titulo

A Si Daniel Georgiev ng Bulgaria na kinoronahan bilang Man of the World 2019 ay pinatalsik sa trono dahil tumanggi siyang pumirma ng eksklusibong kontrata sa Prime Event Productions Philippines (PEPPs), na nag-oorganisa ang pageant. Si Jin Kyu Kim ng South Korea, noon ay First Runner-Up, ay pormal na kinoronahan bilang bagong Man of the World 2019 noong 29 Hulyo 2020, dahil sa mga panuntunan sa pageant na nagsasaad na ang 1st Runner-Up ang papalit kung ang Man of the World ay hindi gampanan ang kanyang mga tungkulin. Bago ang resultang ito, ang bawat runner-up ay lumipat ng isang posisyon kaya ang Brazil ang bagong First Runner-Up, ang Czech Republic ang Second Runner-Up at ang Pilipinas ang bagong Third Runner-Up.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Tingnan

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads