Marilao
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Marilao (pagbigkas: ma•ri•láw) ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 263,507 sa may 62,109 na kabahayan. Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila, ang bayan ay bahagi na ng Greater Manila Area, na umaabot sa bayan ng San Ildefonso ang layo.

Ang Marilao ay Kasapi ng Dalawampu't Isang Munisipalidad, na kung tawagin ay "Liga ng 21", Ito ay ang mga bayan na nakamit na ang mga kinakailangan para maging isang lungsod ayon sa Koda para sa Lokal na Pamahalaan ng Konstitusyon.
Remove ads
Kasaysayan ng Marilao
Bago pa maitatag ang bayan ng Marilao, Ito ay naging baryo ng Meycauayan. Ang mga Franciscanong Pari mula sa Meycauayan ang nagtayo ng bisitang matanda para kay San Miguel Arcanghel.
Noong 21 Abril 1796, Ang baryo ng Marilao ay itinatag bilang Pueblo na inaprubahan naman ng Alcalde Mayor ng Bulacan at ng mga Franciscanong Prayle sa pagapruba naman ng Arsobispo ng Maynila, Ang Bisita na itinayo para kay San Miguel ang nagsilbing Pambayang Parokya na kung saan si Padre Vicente de Talavera ang naging Kura Paroko.
Remove ads
Pambayang Pamahalaan
Katulad ng Pambansang Pamahalaan, ang pamahalaan ng Marilao ay nahahati sa 3, Tagapaganap, Tagapagbatas at Tagapaghukom. Ang Tagapaganap ay ang Alkalde at ang mga Kapitan ng Baranggay. Ang mga Tagapagbatas ay ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Baranggay at ang Sangguniang Kabataan para sa mga Kabataan.
Ang Tagapaghukom ay pinangasisiwaan ng Korte Suprema ng Pilipinas.
Nakaraang mga Alkalde ng Marilao
- Martin Villarica (1913-1919)
- Ceferino Santiago (1919-1922)
- Canuto Santo Tomas (1922-1925)
- Agripino San Miguel (1925-1928)
- Honorio Ramos (1928-1931)
- Miguel Villarica* (1931-1934)
- Ricardo de Vera (1934-1937)
- Andres Roxas (1937-1940)
- Miguel Villarica** (1941-1944)
- Benito Sta. Rosa (1945-1946)
- Justino Cruz (1946-1947)
- Miguel Villarica*** (1948-1951)
- Mario Santiago**** (1956-1971)
- Nicanor Guillermo (1972-1984)
- Mario Villarica (1986-1987)
- Israel Guevarra (1987-1988)
- Abelardo Dalmacio (1988-1992)
- Epifanio Guillermo* (1992-1995)
- Leoncio Duran, Jr.****(1995-2004)
- Epifanio Guillermo** (2004-2013)
- Juanito "Tito" H. Santiago (2013-2018)
- Ricardo Silvestre (2019-2022)
- Henry R. Lutao (2023-Kasalukuyan)
1*Unang Termino<br>
2*Ikalawang Termino<br>
3*Ikatlong Termino<br>
4*Magkakasunod na Termino<br>
Mga Baranggay
Ang Bayan ng Marilao ay nahahati sa 16 na baranggay.
Mga Nahalal na Opisyales (Halalan 2022)
- Mayor Hon. Henry R. Lutao
- Vice Mayor Hon. Jun Bob J. Dela Cruz
- Mga Konsehal:
- Hon. Juanito Santiago
- Hon. Madel Jasa
- Hon. Allane T. Sayo
- Hon. Vanessa Valdez
- Hon. Andrie Santos
- Hon. William Villarica
- Hon. Ariel Amador
- Hon. Luisa Silvestre
Hon. Guillermo Paraoan-ABC President
Hon. Carlo Solis-SK Federation President
Remove ads
Demograpiko
Himig ng Marilao
Ang Himig ng Marilao ay ang opisyal na awit ng Marilao. Kinatha ni Gener Javier, ito ay ginagamit sa mga okasyong pansibiko tulad ng mga flag ceremony at mga inagurasyon ng mga opisyales.
Remove ads
Demograpiko
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads