Maynilang Imperyal
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Maynilang Imperyal (Ingles: Imperial Manila) ay isang peyoratibong salitang pamansag (pejorative epithet) na ginagamit ng mga sektor ng lipunang Pilipino at mga hindi taga-Maynila upang ipahayag ang kaisipang lahat ng mga gawain sa Pilipinas, mapa-politika, ekonomiya at negosyo o kultura, ay tinatakda alinsunod sa nangyayari sa punong rehiyon na Kalakhang Maynila[1] nang walang pag-aalala sa pangangailangan ng ibang mga lugar sa bansa, malakihang dahil sa sentralisadong pamahalaan at pagiging mapangmata ng mga naninirahan sa kalakhang pook.[2] Natuklasan ng pagsasaliksik na empirikal na ang Maynilang Imperyal at ang paggigiit sa loob ng mahabang panahon ay humantong sa patuloy na kahirapan sa mga lalawigan sa Pilipinas.[3]
Minsang ipinahahayag ang paniniwalang ito sa sumusunod na salawikain "Hindi mahuhulog ang isang dahon sa ating bansa nang walang pahintulot ng Malakanyang."[a] Isa pang pagsasaad ng makapangyarihang impluwensiya ng Maynila ay idiniin ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas, na nagsabing "Kapag bumahing ang Maynila, sinisipon ang Pilipinas."[5]
Remove ads
Talababa
- Isang halimbawa ng paggamit ng salawikaing ito ay matatagpuan sa sumusunod na kasabihan mula kay David C. Martínez (sa Ingles):
[W]e've left sacred and untouched, spotless and unsullied, the same centralist authority where near-absolute political power continues to reside: Imperial Manila. My father spoke the truth when he used to lament in Cebuano, "Wa y dahong mahulog sa atong nasud nga di mananghid sa Malacañang"'' (Hindi mahuhulog ang isang dahon sa ating bansa nang walang pahintulot ng Malakanyang;" Ingles: "Not a leaf can fall in our country without Malacañang's permission")[4]
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads