Michelle Dee
Pilipinang aktres From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Michelle Daniela Marquez Dee (ipinanganak noong 24 Abril 1995) ay isang Pilipinong artista, modelo at beauty queen na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2023. Siya ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 sa El Salvador noong 18 Nobyembre 2023, kung saan siya ang nagtapos bilang isa sa sampung mga semi-finalist.[1]
Dati nang nanalo si Dee sa Miss World Philippines 2019.[2] Kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss World 2019 pageant sa Londres, Reyno Unido at nagtapos bilang isa sa labindalawang mga semi-finalist.[3][4]
Remove ads
Buhay at pag-aaral

Ipinanganak si Dee sa Makati, Kalakhang Maynila noong 24 Abril 1995,[5] sa negosyante at dating karakter na aktor na si Frederick "Derek" Dee at sa aktres, may-akda, dating supermodel, at beauty queen na si Melanie Marquez, na nanalo bilang Miss International 1979.[6]
Siya ay may isang kapatid na babae, si Maxine, at apat na mga maternal half-sibling—sina Miguelito, Mazen, Adam Jr., at Abraham. Si Dee ay gumugol ng mahabang panahon ng kanyang pagkabata sa ranso ng kanilang pamilya sa Utah, Estados Unidos tuwing tag-araw at bakasyon ng pamilya. Lumaki siyang mahilig sa mga hayop sa bukid at pagkahilig sa kanayunan, kapwa sa Utah at sa asyenda ng kanyang pamilya sa Mabalacat, Pampanga.
Nag-aral si Dee sa Pamantasang De La Salle sa Maynila at nagtapos ng degree sa sikolohiya. Noong 2021, natapos niya ang kanyang certificate program sa entrepreneurship essentials mula sa Harvard Business School.
Remove ads
Karera
Pagmomodelo
Unang sumabak sa pagmomodelo si Dee noong 2016 para sa Bench.[7] Siya ay pumirma ng kontrata sa modelling agency na Click Model Management sa New York matapos matuklasan sa isang photoshoot para sa Bench.[8] Lumitaw na rin si Dee sa cover ng Vogue Philippines.
Pilmograpiya
Pelikula
Telebisyon
Mga sanggunian
Panlabas na links
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads