Moog ng San Felipe (Kabite)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Moog ng San Felipe (Ingles: Fort San Felipe) ay isang muog panghukbo sa Lungsod ng Cavite, lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Itinayo ito ng hukbo ng mga Kastila noong 1609 sa unang bayang-daungan ng Kabite (Cavite), ang makasaysayang pusod ng kasalukuyang Lungsod ng Cavite, para sa panangalang nito. Matatagpuan ang Moog ng San Felipe sa loob ng 9-ektaryang (22-acre) Naval Base Cavite ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at hindi ito bukas sa publiko.[1]

Sa kasalukuyan, ang pangalang Moog ng San Felipe ay tumutukoy rin sa lugar ng kasalukuyang Lungsod ng Cavite kung saan matatagpuan noon ang makasaysayang bayang-daungan ng Cavite (na kilala rin bilang Cavite Nuevo at Cavite Puerto) at ang Cavite Arsenal (ngayo'y Naval Base Cavite). Kapuwa bahagi ngayon ng distrito ng San Roque ng lungsod.[2]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga ugnay panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads