Neryungri
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Neryungri (Ruso: Нерюнгри; Yakut: Нүөрүҥгүрү, Nüörüñgürü, IPA: [nyøɾyŋgyɾy]) ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Republika ng Sakha, Rusya at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Neryungrinsky. Ayon sa Senso 2010, ang populasyon nito ay 61,747.[2]
Remove ads
Etimolohiya
Nagmumula ang pangalan ng lungsod sa salitang Evenk na nagngangahulugang "grayling" sa Ingles.
Kasaysayan
Itinatag ito sa kasagsagan ng pagpapaunlad ng kalapit na limasan ng batong karbón. Binigyan ito ng katayuang panlungsod noong 1975.[1]
Ekonomiya
Sentro ang lungsod ng isang malaking minahan ng karbón na natuklasan noong mga 1970. Matatagpuan ito sa Pangunahing Linya ng Amur–Yakutsk at Lansangang Lena, 202 kilometro (126 milya) sa hilaga ng Tynda gamit ang riles. Ang kalapit na mga pook, lahat nasa limasan ng karbón, ay Berkakit, 10 kilometro (6.2 mily) sa timog; Serebryany Bor, 8 kilometro (5 milya) sa silangan kasama ang isang planta ng kuryenteng pinatatakbo ng mainit na uling; Chulman, 30 kilometro (19 milya) sa hilaga kasama ang Paliparan ng Chulman Airport; at ang isang malaking bukás na hukay na minahang karbón sa hilagang-kanluran sa kabilang banda ng Ilog Chulman.
Demograpiya
Klima
May klimang subartiko ang Neryungri (Köppen climate classification Dfc) na may banayad na mga tag-init at matinding mga taglamig. Katamtaman ang pag-ulan ngunit mas-mabigat ito sa tag-init kaysa ibang mga bahagi ng taon.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads