Nikolayevsk-na-Amure
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Nikolayevsk-na-Amure (Ruso: Никола́евск-на-Аму́ре, Nikolayevsk-na-Amure) ay isang lungsod sa Khabarovsk Krai, Rusya at matatagpuan sa Ilog Amur malapit sa liman nito sa baybaying-dagat ng Karagatang Pasipiko. Ang populasyon nito ay 22,752 katao noong 2010.[2]
Remove ads
Heograpiya
Matatagpuan ang lungsod sa kaliwang pampang ng Ilog Amur, 80 kilometro (50 milya) mula sa punto kung saang dumadaloy ito papuntang wawa ng Amur, 977 kilometro (607 milya) hilaga ng Khabarovsk at 582 kilometro (362 milya) mula sa estasyong daambakal ng Komsomolsk-na-Amure. Ito ang pinakamalapit na pangunahing pamayanan sa Kipot ng Tartary na naghihiwalay ng Sakhalin sa kalupaan.
Klima
Ang Nikolayevsk-na-Amure ay may borderline na halumigmig na klimang kontinente (Köppen Dfb), na may lamig na napakaginaw para sapat na maituring bilang klimang subartiko (Dfc). Hindi mababa ang pag-ulan sa taglamig kompara sa maraming bahagi ng Siberia spagakat nasa impluwensiya ng Aleutian Low ang baybaying-dagat. Ang halos-pandagat na kinaroroonan na marihinal lamang—pagsapit ng 5 °C (9.0 °F)—ay nagbibigay ng katamtamang mga taglamig kung ihahambing sa looban ng Siberia, ngunit nagbibigay rin ito ng malamig na mga tag-init (lalo na kapag Mayo at Hunyo) bagamat hindi kasing-talamak ng sa Sakhalin ang mga ulop ng Oyashio, kaya mas-matagal ang mga oras ng sikat ng araw.
Remove ads
Demograpiya
Ekonomiya
Pangunahing mga industriya ng lungsod ang pangingisda at pagpoproseso ng isda, gayon din ang pagpapanatili ng barko at kaunting produksiyon ng pagsasaka sa nakapaligid na lugar.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads