Nof HaGalil
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Nof HaGalil[1] (Hebreo: נוֹף הַגָּלִיל, lit. Tanaw ng Galilea; Arabo: نوف هچليل) ay isang lungsod sa Hilagang Distrito ng Israel na may populasyon na 41,169 noong 2018.[2] Naitatag noong 1957 bilang Nazareth Illit (נָצְרַת עִלִּית), binalak ito bilang isang bayang Hudyo na tinatanaw ang Arabeng lungsod ng Nazaret at ang Lambak ng Jezreel.[3] Noong 2017, 23% ng populasyon ng lungsod ay Arabe.[4] Napalitan ang pangalan nito noong 2019 sa "Nof HaGalil" pagkatapos ng isang plebesito na kung saan ang 80% ng mga botante ay sinang-ayunan ang pagpalit ng pangalan.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads