Wikang Hebreo
Wikang Aproasyatiko From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Hebreo o Ebreo (Hebreo: עברית, ’Ivrit Bigkas sa wikang Hebreo: [ivˈʁit] o [ʕivˈɾit] ( pakinggan)) ay isang wika Hilangang-kanlurang Semitikong na katutubo sa Israel na muling binuhay noong ika-19 na siglo CE at naging opisyal na wika ng Estado ng Israel noong 1948 sa pagkakatatag nito. Noong 2013, higit sa siyam na milyong katao ang nagsalita ng Modernong Ebreo.[7] Sa kasaysayan, itinuring ito bilang wika ng mga Sinaunang Israelita at ang kanilang ninuno, ngunit hindi ito tinutukoy gamit ang pangalang "Hebreo" sa Tanakh mismo.[note 1]Ang pinakamaagang rekord ng Alpabetong Paleo-Hebreo ay lumitaw noong ca. 1000 BCE.[8] Nabibilang ang Hebreo sa Wikang Kanlurang Semitikong sangay ng mga wikang Apro-asyatikong. Ang wikang Hebreo ay tumigil sa pagiging sinasalitang wika sa pagitan ng 200 CE at 400 CE at muling binuhay noong ika-19 na siglo CE sa pagtatag ng Zionismo. Ito ay naging opisyal na wika ng Palestinang pinangasiwaan ng mga British noong 1921 kasama ng Ingles at Arabe. Ito ay naging opisyal na wika Estado ng Israel noong 1948 sa pagkakatatag nito. Ang Hebreo ay ang natatanging wikang Wikang Cananeo na sinasalita pa rin, at ang tanging tunay na matagumpay na halimbawa ng muling ibinuhay na wikang patay.[9][10]
Remove ads
Tumigil ang paggamit ng Ebreo bilang pang-araw-araw ng sinasalitang wika sa pagitan ng 200 at 400 PK, na nagsimulang humina mula ng bunga ng himagsikang Bar Kokhba.[2][11][note 2] Noong panahong iyon, ginagamit na angArameo at, sa mas maliit na lawak, Griyego bilang wikang internasyonal, lalo na sa mga matataas at imigrante.[13] Nabuhay ang Ebreo sa panahong medyebal bilang wika ng liturhikang Hudyo, panitikang rabiniko, intra-Jewish commerce and panulaan. Sa pagsulong ng Zionismo sa ika-19 na siglo, nabuhay ito muli bilang pangunahing wika ng Yishuv, at sa kalaunan ang Estado ng Israel. Ayon sa Ethnologue, noong 1998, ang Ebreo ay ang wika ng limang milyong katao sa buong mundo.[5] Pagkatapos ng Israel, ang Estados Unidos ay may ikalawang pinakamalaking populasyon na nagsasalita ng Ebreo, ng mga 220,000 matatas na nagsasalita,[14] karamihan mula sa Israel.
Remove ads
Alpabetong Hebreo
Ang Alpabetong Hebreo ang sistemang panulat ng Wikang Hebreo at Yidis. Nagtataglay ito ng 22 titik, at ang lima sa mga titik na ito ay may ibang anyo kapag nasasahulihang-dulo ng isang salita. Sinusulat ang Alpabetong Hebreo mula kanan pakaliwa.
Puna: Pakaliwa ang pagbasa nito.
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads