Nora Aunor
Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula (1953-2025) From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor (21 Mayo 1953 – 16 Abril 2025)[1] o lalong kilala bilang Nora Aunor, ay isang mang-aawit na Pilipino, aktres, prodyuser, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula na tinaguriang Superstar. Tinagurian siya ng The Hollywood Reporter bilang "The Grand Dame of Philippine Cinema" para sa kaniyang pagganap sa mga pelikulang Taklub at Hustisya at para sa kaniyang mga ambag sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.[2][3]
![]() | Nangangailangan po ng karagdagang sanggunian ang talambuhay na ito para masiguro po ang katotohanan nito. (Mayo 2019)
Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito. Binigay na dahilan: wala |
Nagsimula ang karera ni Aunor bilang isang mang-aawit matapos magwagi sa isang lokal na patimpalak.[4] Nagpatuloy ang kaniyang pagsikat sa mga sumunod na taon bilang parehong mang-aawit, at aktres. Pagkatapos ng kaniyang pasinayà sa pelikula na All Over the World (1967), siya ay lumipat sa mga mabibigat na drama na may lubos na kinikilalang mga pagtatanghal sa mga pelikula tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Minsa'y Isang Gamu-gamo (1976), Ina Ka ng Anak Mo (1979), Bona (1980) Himala (1982), at Bulaklak sa City Jail (1984). Sa mga sumunod na dekada, ang kaniyang mga pagtatanghal sa The Flor Contemplacion Story (1995), Bakit May Kahapon Pa? (1996), Thy Womb (2012), at Dementia (2014) ay nagbigay sa kaniya ng karagdagang internasyonal na pagkilala at maraming internasyonal na mga parangal at pagpili.[5][6]
Para sa kaniyang mga pagganap, nakatanggap si Aunor ng 17 pagpili para sa Gawad FAMAS at naging "Hall of Fame" inductee, na nanalo ng limang mga Best Actress Award. Siya ang aktres na may pinakamaraming nominasyon sa kasaysayan ng Gawad Urian na may 21 pagpili, kung saan pito ay kaniyang ipinanalo, at ang tanging tagapagganap na napili bilang isa sa mga Pinakamahusay na Aktor at Aktres ng Dekada sa tatlong magkakaibang dekada (1980s, 1990s, at 2010s) ng parehong tagapaggawad-parangal. Siya ang tanging Pilipino na nanalo ng Asian Film Award para sa Best Actress. Nanalo siya ng siyam na parangal mula sa PMPC Star Awards para sa kaniyang trabaho sa pelikula at telebisyon, gayundin ang walong Metro Manila Film Festival Awards, apat na Luna Awards, limang Young Critics Circle Awards, isang Cairo International Film Festival award, isang Asia Pacific Screen Award, isang Asian Film Award, at iba pa.[7]
Remove ads
Maagang buhay
Ipinanganak si Nora Aunor bilang si Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor sa Barrio San Francisco, Iriga, Camarines Sur kay Eustacio Villamayor at Antonia Cabaltera. Siya ay may siyam na kapatid, kabilang si Eddie Villamayor, isang dating artista.[8] Noong siya ay lumalaki, tinuruan siyang kumanta ng kaniyang Lola Theresa; ang unang awit na natutunan niya ay "The Way of a Clown." Itinuro ng kaniyang tiyahin na si Belen Aunor ang kaniyang pagbigkas, interpretasyon, at pagpapahayag habang umaawit, at siya rin ang nagbigay sa kanya ng kaniyang palayaw.[9][10]
Bago ang kaniyang katanyagan, nabuhay si Aunor sa kahirapan mula pagkabata at nagtitinda ng mani sa mga bus at malamig na tubig sa harap ng Bicol Express Train Station upang mabuhay.[11] Siya ay nakapagtapos lamang hanggang sa ikalawang baitang sa elementarya.[12] Naging kampeon siya sa paligsahan sa pag-awit sa radyo na Darigold Jamboree, kung saan ang piyesang inawit upang magwagi ay ang awiting "You and the Night and the Music".[13] Pagkatapos nito, nanalo siya sa isa pang paligsahan sa pag-awit sa radyo na The Liberty Big Show.[14]
Sumali si Aunor sa pambansang paligsahan sa pag-awit na ang Tawag ng Tanghalan sa unang pagkakataon noong 1966 kung saan siya ay nabigo sa kaniyang unang audition ngunit pumasa na sa kanyang ikalawang subok at itinanghal bilang Mang-aawit ng Linggo. Gayunpaman, siya ay napaalis sa pinaglagakan[a] ng dating kampeon na si Jose Yap.[14] Muling bumalik si Aunor sa patimpalak noong 1967 at nagwagi sa kanyang piyesa na Moonlight Becomes You.[14][15] Ito ang naglunsad ng kaniyang karera bilang isang recording artist bago siya lumipat sa pelikula sa All Over the World (1967).[4]
Remove ads
Karera
1960s
Matapos magwagi sa Tawag ng Tanghalan, una siyang naging panauhin sa pagtatanghal ng Amerikanong mang-aawit na si Timi Yuro sa Araneta Coliseum.[16] Ginawa niya ang kaniyang unang paglitaw sa telebisyon bilang panauhin sa An Evening with Pilita na pinangungunahan ni Pilita Corrales at Carmen on Camera na pinangungunahan ni Carmen Soriano.
Noong 2 Oktubre 1967, pumirma si Aunor ng isang eight-picture non-exclusive contract sa Sampaguita Pictures, na may katiyakang bibigyan siya ng isang parte kung saan siya aawit. Ilang mga pelikula na nakatuon sa kabataan ang ginawa ni Aunor tulad ng All Over The World (1967) at Way Out of the Country (1967).[17][18][19] Gumawa rin siya ng ilang mga single tulad ng "Moonlight Becomes You," at "There's Just Forever" para sa Citation Records, at "No Return, No Exchange," at "You Are My First Love" para sa Jasper Recording.
Sa simula ng taong 1969, lumabas siya sa mga pelikula tulad ng 9 Teeners, at Young Girl kung saan siya tinambal sa unang pagkakataon kay Tirso Cruz III.[20][21][22] Sa taong din iyon ay umalis si Aunor sa Sampaguita Pictures at nagsimulang gumawa ng mga pelikula sa iba pang mga studio, kabilang ang Banda 24 at Drakulita for Barangay, Oh Delilah, Karate Showdown, Pabandying-Bandying at Adriana.[23] Binigay ng Tower Records ang unang pelikula na pinagbibidahan ni Aunor kasama si Tirso Cruz III na D' Musical Teenage Idols sa direksyon ni Artemio Marquez, na siyang tumabo ng husto sa takilya at naging dahilan upang magsimula ang tinaguriang "Noramania".[24][25] Inilabas din ng Sampagutia Pictures ang Fiesta Extravaganza na pinagbibidahan din ng dalawa.
1970s
Noong 2 Abril 1970, pumirma ang noo'y 17-taong gulang na si Aunor ng isang eksklusibong kontrata sa Tower Records na siyang naging dahilan ng paghabla sakaniya ng Sampaguita Pictures para sa paglabag sa kontrata.[26] Nagpatuloy si Aunor sa paggawa ng mga pelikulang teeny-bopper kasama si Tirso Cruz III kung saan nabuo ang kanilang love team na pinangalang Guy at Pip ng kanilang mga tagahanga.[27] Ang kanilang pinakamatagumpay na pelikula, na Guy and Pip, ay nanatili sa mga sinehan noong 1971 sa loob ng anim na buwan at napanood ng mahigit 4 na milyong Pilipino.[28]
Remove ads
Pilmograpiya
Mga pelikula
1960s-1970s
1980s-1990s
Remove ads
Diskograpiya
Mga album na istudiyo
- My Song of Love (1968)
- Nora Aunor Sings (1968)
- More, More, More of Nora Aunor (1968)
- Among My Favorites (1970)
- The Golden Voice (1970)
- The Phenomenal Nora Aunor (1970)
- Portrait (1971)
- The Song of My Life (1971)
- Superstar (1971)
- Blue Hawaii (1971)
- Mga Awiting Pilipino (1972)
- Queen of Songs (1972)
- Mga Awitin ng Puso (1972)
- Be Gentle (1972)
- Ang Tindera (1973)
- Nora Today (1974)
- At Home with Nora (1974)
- Let Me Try Again (1975)
- Lady Guy (1975)
- Noon at Ngayon (1975)
- Iniibig Kita (1976)
- Handog (1979)
- The Power of Love (1991)
- Habang Panahon (2009)
Mga extended play
- Nora (1972)
Mga album na soundtrack
- Annie Batungbakal (1979)
- Bongga Ka, Day! (1980)
- Till We Meet Again (1985)
- Muling Umawit ng Puso (1995)
Mga kompilasyon
- The Golden Hits of Nora Aunor (1971)
- Superstar ng Buhay Ko (1994)[29]
- Thank You for Being a Friend (1999)
Mga album na holiday
- Christmas with Nora Aunor (1970)
- Christmas Songs (1971)
- Season's Greetings (1974)
Mga album na live
- Handog ni Guy Live (1991)
Mga album na kolaborasyon
- Pledging My Love (kasama si Manny De Leon) (1970)
- Dream Come True (kasama si Tirso Cruz III) (1971)
- In Love (kasama si Christopher de Leon) (1975)
- Ms. Nora Aunor (kasama si Rico J. Puno) (1977)
- Mahal (kasama si Tirso Cruz III) (1978)
- Langit Pala ang Umibig (kasama si Freddie Aguilar) (1994)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads