Ogie Alcasid

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ogie Alcasid
Remove ads

Si Herminio Alcasid, Jr., na mas tanyag bilang Ogie Alcasid (ipinanganak 27 Agosto 1967), ay isang Pilipinong aktor, mang-aawit, kompositor, parodist, at komedyante.[1] Siya ang kasalukuyang Presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit).

Agarang impormasyon Kapanganakan, Edukasyon ...
Remove ads

Karera sa Recording

Thumb
Si Ogie Alcasid noong 2010.

Nagsimula si Alcasid bilang isang mang-aawit noong 1989 nang ilabas niya ang kanyang sariling pangalang album na Ogie Alcasid na umabot sa antas na gold record status, samantalang ang kanyang unang single na "Nandito Ako" ay pinarangalang bilang "Awit ng Taon" ng lokal na estasyong pang-radyo na Magic 89.9. Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama ang album pangpasko na Larawan ng Pasko noong 1994, isang live album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album.

Siya ay nakatanggap ng kabuuang labindalawang Ginto, tatlong Platinum at tatlong Doble Platinum na records[2]

Remove ads

Karera sa Telebisyon

Nagsimula ang karera ni Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Lumabas din siya sa ibang mga programang pangkomedya ng ABS-CBN gaya ng Mana Mana (mula 1991 hanggang 1992), sa programang Tropang Trumpo sa ABC mula (1994 hanggang 1995), sa programang Bubble Gang ng GMA Network (mula 1995 hanggang kasalukuyan), at sa programang Ay, Robot! ng QTV (mula 2005-2007).

Remove ads

Diskograpiya

Mga album

Karagdagang impormasyon Taon Inilabas, Pamagat ...

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads