Regine Velasquez
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid[1] ( /rɪˈdʒiːn vɛˈlæskɛz/ rij-EEN-_-vel-ASK; ipinanganak Abril 22, 1970), isang Pilipinang mang-aawit at aktres. Siya ay itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang figure sa popular na kultura ng Pilipinas at kilala sa kanyang vocal range at belting technique.[2][3] Nagkaroon siya ng hindi pangkaraniwang pagsasanay sa boses noong kanyang pagkabata, kung saan siya ay nakalubog sa dagat hanggang sa leeg. Sumikat si Velasquez matapos manalo sa talent show sa telebisyon na Ang Bagong Kampeon noong 1984 at sa Asia Pacific Singing Contest noong 1989.[4] Sa ilalim ng pangalang Chona, pumirma siya ng kontrata sa pag-record sa OctoArts International at nag-release ng single na "Love Me Again" noong 1986, hindi na nagtagumpay. Nang sumunod na taon, pinagtibay niya ang pangalan ng entablado na Regine Velasquez para sa kanyang debut studio album, Regine (1987), sa ilalim ng gabay ng Viva Records executive Ricky del Rosario at prodyuser Ronnie Henares. Ginalugad niya na mga genre ang Manila sound at kundiman sa kanyang ikalawa at pangatlong studio album, Nineteen '90 (1989) at Tagala Talaga (1991).
Matapos lagdaan ang isang internasyonal na record deal sa PolyGram Records, nakamit ni Velasquez ang komersyal na tagumpay sa ilang teritoryo sa Asya sa pamamagitan ng kanyang ikalimang album na Listen Without Prejudice (1994), na nakapagbenta ng higit sa 700,000 sipi na album na may pinakamataas na album na pinaka-date, tinulungan nito ang lead single ng "In Love with You".[5] Nag-eksperimento pa siya sa mga genre ng jazz at adult contemporary sa My Love Emotion (1995), habang nag-record siya ng covers sa Retro (1996). Pagkatapos niyang umalis sa PolyGram upang pumirma sa Mark J. Feist's MJF Company noong 1998, inilabas niya ang R&B-influenced album na Drawn. Ang follow-up record ni Velasquez, R2K (1999), ay sinuportahan ng mga remake ng "On the Wings of Love", "I'll Never Love This Way Again", at "I Don't Wanna Miss a Thing", at pagkatapos ay naging certified labing-dalawang beses na Platinum ng Kapisanan ng Industriya ng Plaka ng Pilipinas (Philippine Association of the Record Industry; PARI).
Ginampanan ni Velasquez ang mga nangungunang papel sa mga romantikong komedya na Kailangan Ko'y Ikaw (2000) at Pangako Ikaw Lang (2001), at tumanggap ng Box Office Entertainment Award para sa Box Office Queen (Box Office Entertainment Award for Box Office Queen) para sa huli. Ang kanyang pagganap bilang isang babaeng may kapansanan sa intelektwal sa isang episode ng serye ng antolohiya na Maalaala Mo Kaya (2001) ay nakakuha sa kanya ng Star Award para sa Pinakamahusay na Aktres (Star Award for Best Actress). Kalaunan ay nagbida siya sa prime time na serye sa telebisyon Forever in My Heart (2004), Ako si Kim Samsoon (2008), Totoy Bato (2009), Diva (2010), I Heart You, Pare! (2011), and Poor Señorita (2016). Nanalo rin si Velasquez ng Golden Screen Award para sa Pinakamahusay na Aktres (Golden Screen Award for Best Actress) para sa ginampanan ng isang pamemeke ng dokumento sa pelikulang komedya na Of All the Things (2012). Pinalawak niya ang kanyang karera sa reality television talent shows bilang presenter sa Star for a Night (2002), Pinoy Pop Superstar (2004), at The Clash (2018), at bilang isang judge sa StarStruck (2015) at Idol Philippines (2019).
Napagbentahan ng higit sa pitong milyong record sa loob ng bansa at 1.5 milyon sa Asya, si Velasquez ang isang pinakamabentang mang-aawit ng musikang Pilipino sa lahat ng panahon. Ang kanyang parangal ay kinabibilangan ng dalawang Asian Television Awards, dalawang MTV Asia Awards, dalawampu't dalawang Awit Awards, labing pitong Aliw Awards (kabilang ang tatlong Tagapaglibang ng Taon (Entertainer of the Year) na panalo), dalawampu't dalawang Box Office Entertainment Awards at labing pitong Star Awards para sa Musika (Star Awards for Music). Tinukoy bilang "Asia's Songbird", palagi siyang kinikilala bilang nagbibigay inspirasyon sa isang henerasyon ng mga mang-aawit na Pilipino.
Remove ads
Talambuhay
1970–1985: Pagkabata at pagkakatuklas
"Masyado kaming mahirap pero masaya kami. Sinigurado ng mga magulang ko na kumain kami sa oras at sapat na iyon para sa akin. [Naaawa ako sa tatay ko] ay nagkaroon ng scoliosis at siya ay nagtatrabaho sa isang construction site; hindi sapat ang kinikita niya. Magaling sa pera ang nanay ko. Kaya niyang i-stretch ang kahit anong maliit na pera namin [We were very poor but we were happy. My parents made sure that we ate on time and that was enough for me. [My father] had scoliosis and he was working at a construction site; he wasn't earning enough. My mom was good with money. She was able to stretch whatever little money we had]."
— Si Velasquez sa kanyang pagkabata[6]
Panganay na anak si Velasquez nina Teresita at Gerardo Velasquez, ipinanganak sa Tondo, Maynila, Pilipinas noong Abril 22, 1970. Lumipat ang kanyang pamilya sa Hinundayan, Southern Leyte, kung saan nag-aral si Velasquez sa Hinundayan Central School.
Maagang namulat sa musika si Velasquez; ang kanyang ama ay madalas umawit ng mga awitin ni Frank Sinatra sa kanyang mga anak at ang kanilang ina naman ang nag-gigitara. Labis ang pagkahilig ni Velasquez sa musika at bago pa man siya matutong magbasa, umaawit na siya kasama ang kanyang pamilya. Isinali siya ng kanyang ama sa isang patimpalak sa pag-awit sa kanilang lugar. Tinulungan niya ang kanyang anak na paghusayan ang tinig nito sa pamamagitan ng pagpapa-awit nito sa dagat sa lalim na hanggang leeg. Tinuruan din siya ng kanyang ina na kung papaano kumilos sa entablado at paano bigyan-pakahulugan ang mga awit. Sa gulang na anim, lumahok si Velasquez sa pambansang timpalak sa pag-awit sa telebisyon para sa mga baguhan, ang Tita Betty's Children's Show. Ang kanyang inawit, ang "Buhat Nang Kita'y Makilala", ay nanalo bilang ikatlong pinakamahusay. Nagpatuloy si Velasquez sa pagsali sa mga patimpalak sa pag-awit sa mga bayan sa buong bansa. Nang siya ay siyam na taong gulang, lumipat ang kanilang pamilya sa Balagtas, Bulacan, kung saan nag-aral siya sa Balagtas Central School. Nag-aral din siya sa St. Lawrence Academy, kung saan nanalo siya ng mga gantimpala para sa Vocal Solo at Vocal Duet para sa taunang patimpalak ng BULPRISA (Bulacan Private School Association).
Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sumali si Velasquez sa senior division ng Ang Bagong Kampeon. Isang pambansang patimpalak sa pag-awit na isinahihimpapawid sa telebisyon.[7] Iminungkahi ng kanyang ama na itampok niya ang awiting "Saan Ako Nagkamali". Nanalo siya ng walong sunod-sunod na linggo at naging kauna-unahang kampeon ng palabas. Ang direktor ng musika ng palabas na si Dominic Salustiano, ay iminungkahi na awitin niya ang "In Your Eyes" ni George Benson bilang awiting pangwagi. Napanalunan niya ang isang kontrata sa ilalim ng OctoArts, at inirekord ang single na "Love Me Again" bilang Chona Velasquez, ang kaniyang palayaw noong panahong iyon. Sumali rin siya sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit, isang samahan ng mga Pilipinong mang-aawit na nagtatanghal sa mga lounge sa Kalakhang Maynila. Binibigyan siya ng tulong ng OPM sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo at pagpapahiram ng mga kasuotan para sa kanyang mga pagtatanghal.
1986–1987: Simula ng karera
Sa utos ng isang kaibigan at kasamang mang-aawit sa OctoArts na si Pops Fernandez, naging panauhin si Velasquez sa palabas pantelebisyon na The Penthouse Live! ng GMA Radio-Television Arts noong ika-16 ng Pebrero, 1986. Iminungkahi ni Martin Nievera, asawa at co-host ni Fernandez sa palabas, na huwag nang gamitin ang "Chona" at gamitin ang pangalang Regine bilang kaniyang screen name. Noong taon din na iyon, ang kanyang ama ay umalis sa trabaho nito upang buong oras na maasikaso ang papayabong na karera ng kanyang anak.[8]
Lumagda ng isang kontrata si Velasquez sa Viva Records noong 1987, at inilabas ang kanyang kauna-unahang album, ang Regine. Naglalaman ang album ng mga awit na "Kung Maibabalik Ko Lang," "Isang Lahi", at "Urong Sulong".
1988–1991: Pagsikat
Noong 1988, pinaiklian ni Velasquez ang kanyang buhok bilang protesta dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon upang itanghal ang kanyang unang konsiyerto na pinamagatang True Colors dahil magtatanghal ang bandang The Jets sa kaparehong araw ng kanyang ika-18 kaarawan.
Noong 1989, napili si Velasquez na katawanin ang Pilipinas sa Asia Pacific Singing Contest na ginanap sa Hong Kong. Noong 23 Disyembre 1989, napanalunan ni Velasquez ang pinakamataas na gantimpala ng patimpalak sa pag-awit ng "You'll Never Walk Alone" mula sa Carousel at "And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa Dreamgirls. Pagkatapos ng patimpalak, sinimulan siyang tawagin ng media bilang "Asia's Songbird".[9]
Pinili ni Jose Mari Chan si Velasquez upang gumawa ng duet para sa kanyang album na pinamagatang Constant Change. Nagkamit ang album ng Certified Diamond Record Award mula sa PRIMA.
Lumagda si Velasquez sa Vicor at naglabas ng ilang mga album, na inumpisahan ng Nineteen '90. Nakapaloob sa album ang mga awiting "Narito Ako", "I Have to Say Goodbye", at "Promdi". Ang kanyang unang konsiyerto para sa album na Narito Ako!, ay napuno at ginanap sa Folk Arts Theater, at kasama si Gary Valenciano bilang panauning manananghal.
Ang unang solong konsiyerto ni Velasquez sa Estados Unidos, na pinamagatang Narito Ako sa New York, ay ginanap sa Pangunahing Bulwagan ng Carnegie Hall noong ika-11 Oktubre, 1991.
Sunod niyang inilabas ang album na pinamagatang Tagala Talaga. Naglalaman ito ng mga awiting klasikong Filipino na isinulat nina Nonong Pedero, Willy Cruz, George Canseco, Louie Ocampo, Freddie Aguilar, at awitin ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa Musika na sina Ryan Cayabyab, Lucio D. San Pedro at Levi Celerio.
1992–1998: Tagumpay sa Asya

Noong 1992, patuloy ang pagguest ni Velasquez sa mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas. Noong Hulyo 1993, natuklasan siya nina Alex Chan at Norman Cheng, ang Regional Marketing Manager ng Polygram Far East at Pangulo ng Polygram Far East habang pinapanood si Velasquez sa konsiyerto nitong Music and Me. Pagkatapos nito, nilapitan nila si Velasquez at sinabing nais nilang pangasiwaan ang karera nito sa Asya.
Una, itinampok nila si Velasquez sa isang duet kasama si Paul Anka na pinamagatang "It's Hard to Say Goodbye"[10] na kasama sa kanyang ika-apat na album, ang Reason Enough, na inilabas noong 1993 at nakakuha ng estadong platuinum album.
Noong ika-4 Nobyembre, 1994, nagtanghal si Velasquez kasama si Janno Gibbs at Ariel Rivera sa Universal Amphitheatre sa Los Angeles. May 6,100 ang nanonood. Sinundan ito noong ika-12 ng Nobyembre, 1994 ng pagtatanghal nila sa Cow Palace Auditorium in San Francisco.[11]
Remove ads
Personal na buhay
Inihiyag nila Velasquez at Ogie Alcasid ang kanilang tipanan sa Party Pilipinas noong Agosto 8, 2010 sa pagkatapos ng pitong taon.[12] Nang Disyembre 22 ng katulad na taon, pinakasalan ni Velasquez ang kanyang matagal ng kasintahan na si Alcasid sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas.[13]
Kulay pulang damit pang-kasal anag suot ni Velasquez sa tinaguriang "Kasal ng Dekada" (Wedding of the Decade). Bukod tanging dinesenyo ni Monique Lhuillier ang kanyang damit na napabalitang may halagang $8,000 (subalit sinasabi ng iba na higit pa dito ang tunay na halaga nito), na iniregalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo na tumayo bilang isa sa dalawampu pangunahing mga ninong at ninang na kinabibilangan din sila Matriarch na ina ng Regal Lily Monteverde, GMA big boss Felipe L. Gozon, GMA exec Wilma V. Galvante, TV5 boss Manny V. Pangilinan, Sharon Cuneta, Jose Mari Chan, Viva boss Vic del Rosario Jr., Tony Tuviera, German Moreno, Ida Henares, Nanette Inventor, Orlando Ilacad, Anastacia Puno, Dr. Crisanta Villanueva, US-based concert producer Ma. Rosario Legarda, Ronnie Henares, Freddie Santos at Michel Lhuillier at asawa Amparito Llamas-Lhuillier (magulang ni Monique).[14]
Noong Abril 2011, kinumpirma niya at ng kanyang asawa ang balitang siya ay nagdadalang tao sa palabas ding Party Pilipinas.[15]
Isinilang ni Velasquez ang kanilang unang anak ni Alcasid noong Nobyembre 8, 2011 sa Makati Medical Center at pinangalanang Nathaniel James Velasquez-Alcasid.[16]
Remove ads
Diskograpiya
- Regine (1987)
- Nineteen '90 (1990)
- Tagala Talaga (1991)
- Reason Enough (1993)
- Listen Without Prejudice (1994)
- My Love Emotion (1995)
- Retro (1996)
- Love Was Born on Christmas Day (1996)
- Drawn (1998)
- R2K (1999)
- Reigne (2001)
- Covers Volume 1 (2004)
- Covers Volume 2 (2006)
- Low Key (2008)
- Fantasy (2010)
- Hulog Ka ng Langit (2013)
- R3.0 (2017)
- Reginified (2024)
Teatro
Mga palabas
Pelikuka
Telebisyon
Remove ads
Mga Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads