Oldowan

Arkeolohikal na kultura From Wikipedia, the free encyclopedia

Oldowan
Remove ads

Ang Oldowan, Olduwan o Oldawan ang katagang arkeolohikal na tumutukoy sa pinakamaagang industriyang kasangkapang bato sa panahong bago ang kasaysayan na ginamit noong Mababang Paleolitiko noong mga 2.6 milyong taong nakakaraan hanggang noong 1.7 milyong nakakaraan ng mga Hominine. Ito ay sinundan ng mas sopistikadong industriyang Acheulean. Ang katagang Oldowan ay mula sa lugar ng Olduvai Gorge sa Tanzania kung saan ang mga unang kasangkapang Oldowan ay natuklasan ng arkeologong si Louis Leakey noong mga 1930. Hindi pa masiguro kung aling species na hominin ang aktuwal na lumikha at gumamit ng mga kasangkapang Oldowan. Ang paglitaw nito ay kadalasang nauugnay sa species na Australopithecus garhi at yumabong sa mga maagang species ng Homo na H. habilis at H. ergaster. Ang maagang Homo erectus ay lumilitaw na nagmana ng teknolohiyang Oldowan at pinaunlad ito sa industriyang Acheulean noong mga 1.7 milyong taong nakakaraan.[1]

Agarang impormasyon
Thumb
Oldowan Chopper to 1.7 million years BP - Melka Kunture
Thumb
Unretouched biface.
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads