Organismo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Organismo
Remove ads

Ang organismo, tataghay, o nilalang ay isang bagay na may buhay. Kabilang sa mga ito ang mga hayop at mga halaman. Ang mga nilalang ay isang buhay na bahagi ng kapaligiran. Ang mga bato at sinag ng araw ay isang walang buhay na bahagi ng kapaligiran. Mayroong limang payak na pangangailangan ang mga nilalang: kabilang dito ang pangangailangan nila ng hangin, tubig, mga sustansiya o pagkain, lakas at isang pook na matutuluyan. Ilan sa mga nilalang ay binubuo ng milyun-milyong mga sihay o hibla (selula), kaya't tinatawag silang mga nilalang na mahibla. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga aso, mga puno, at mga tao. Karamihan sa mga nilalang na mahibla (nilalang na maraming mga hibla) ay maaring makita na hindi kailangang gumamit ng kamuntiang malas. Ilan sa mga nilalang ay napakaliit kung kaya't hindi sila nakikita ng bastang mga mata lamang. Kailangan ang paggamit ng kamuntiang malas upang makita sila. Tinatawag ang mga ito bilang mga mikhay. Ang mga nilalang ay maaring binubuo lamang ng iisang hibla, na tinatawag namang mga nilalang na may isang hibla o nilalang na sanghibla. Ilang halimbawa ng mga ito ang bakterya, amoeba, at protosoa na katulad ng paremecium. Ang mga tao ay isang nilalang na binubuo ng maraming mga hibla. Sa katunayan, ang katawan ng tao ay mayroong maraming trilyun-trilyong mga hibla na ipinangkat upang maging natatangi o espesyal na mga himaymay at mga organo.

Thumb
Ang Escherichia coli ay isang prokaryote.

Sa haynayan, ang isang nilalang ay isang sistema ng mga nabubuhay na bagay na may kaugnayan sa isa't isa katulad ng hayop, halamang-singaw o fungus, mikhay, o halaman. Lahat ng mga nilalang ay may kakayahang tumugon sa estimulo (o istimulo), reproduksiyon, paglaki at pag-unlad, at pagpapanatili ng homoeostasis (o homeostasis, ang kabalansehang pangpisyolohiya ng katawan) bilang isang matatag na kabuuan.

Ang katagang "organismo" ay may kaugnayan sa Griyegong ὀργανισμός – organismos, na nagmula naman sa Sinaunang Gresyang ὄργανον - organon na may ibig sabihing "organo, instrumento, kagamitan, o kasangkaapan". Tuwiran itong may kaugnayan sa salitang "organisasyon". Mayroon isang matagal na kaugalian ng pagbibigay ng kahulugan sa mga organismo bilang mga nilalang na nagsasaayos o nag-aayos ng sarili, sa madaling sabi ay mga nilalang na nag-oorganisa ng sarili o organisado ang sarili.[1]

Nagkaroon ng isang mahalagang pagtatalo kamakailan lamang hinggil sa pinakamainam na paraan sa pagbibigay ng kahulugan sa organismo[2] at talaga nga ang tungkol sa kung kailangan nga bang talaga ang ganyang kahulugan (depinisyon) o hindi naman.[3] Ang ilan sa mga ambag o kontribusyon[4] ay ang mga tugon o sagot sa mga mungkahi na ang kategorya ng "organismo" ay maaaring hindi sapat sa biyolohiya.[5]

Ang klasipikasyong siyentipiko (kauriang pang-agham) sa biyolohiya ay tumuturing sa mga tataghay bilang kasingkahulugan (sinonimo) sa "buhay sa daigdig" o "buhay sa mundo". Batay sa uri ng selula, ang mga tataghay ay maaaring hatiin sa mga pangkat na prokaryotiko at eukaryotiko. Ang mga prokaryota (mga prokaryote sa Ingles) ay kumakatawan sa dalawang magkahiwalay na mga dominyo, ang Bakterya at Archaea. Ang mga tataghay na eukaryotiko, na may isang nukleyo ng selula na nababalutan ng membrano (bamban), ay naglalaman din ng mga organel (mga organelle), na kinasasamahan ng mitokondriya at ang panghalaman na mga plastid, na pangkalahatang itinuturing na hinango mula sa bakteryang endosimbiyotiko.[6] Halimbawa ng mga uring (espesye) eukaryota ay ang fungi, mga hayop, at mga halaman.

Kamakailan lamang ay iminungkahi ni Thomas Cavalier-Smith ang isang clade, ang Neomura, na nagpapangkat na magkasama ang Archaea at ang Eukarya. Iniisip na ang Neomura ay umunlad (sumailalim sa proseso ng ebolusyon) mula sa Bacteria, mas tiyakang nagbuhat sa Aktinobakterya (Actinobacteria).[7]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads