Kasariang sariling pagpapakilanlan
pansariling pakiramdam ng indibiduwal sa kanyang kasarian na maaaring di-tugma sa kanyang biyolohikal na kasarian From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pagpapakilanlan sa kasarian o kasariang sariling pagpapakipanlan na orihinal na tinutukoy na gender identity sa wikang Ingles ay ang pansariling pakiramdam ng isang tao ukol sa kanyang kasarian—maaaring lalaki, babae, pareho, wala, o iba pa—na madalas ginagamit upang itangi sa aktuwal na kasarian o seks batay sa biyolohiya. Ang terminong gender identity ay likha ng propesor ng saykiyatriya na si Robert J. Stoller noong 1964 at pinalaganap ng sikolohistang si John Money.[1][2] Sa empirikal na biyolohiya, ang tunay na kasarian ng tao bilang anisogamo/gonokorikong espesye (Homo sapiens) ay binaryo (lalaki o babae) at nanatili ito sa buong buhay, batay sa magkakatugmang katangiang henetiko, gonadal (testes o obaryo), at anatomikal.[3][4][5][6] Sa karamihan ng populasyon (>99.98%), ang mga katangiang ito ay magkakatugma at tumutugma rin sa sariling kinikilalang kasarian. Ang natitirang <0.02% ay may Disorders/Differences of Sex Development (DSD) o Interseks, na hindi nangangahulugang "third sex" o "ikatlong kasarian" kundi bihirang kondisyong medikal. Ito ay natural na baryasyon sa pagitan ng binaryong kasarian. [7][8][9][10]
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Gayunpaman, ang gender identity ay hindi biyolohikal na katangian na deterministik kundi panlipunan at sikolohikal na konstruksyon. Kadalasang sumasalamin ang ekspresyong pangkasarian (gender expression) sa pagpapakilanlan ng kasarian ng tao, ngunit hindi ito palaging ganito. Halimbawa; ang isang lalaking indibidwal (46,XY, may testes), na kinikilala ang sarili bilang babae ay maaring ang ekspresyong pangkasarian ay higit na nauugnay sa panlalaki. [11][12] Ang ilang indibidwal na ang kinikilalang kasarian ay hindi tumutugma sa kanilang biyolohikal na kasarian ay kinabibilangan ng transgender, non-binary, genderqueer, bigender o agender.[13]
Sa karamihan ng lipunan, may pangunahing pagkakahati sa mga katangiang pangkasarian na inuugnay sa mga lalaki at babae–binaryong kasarian na sinusunod ng karamihan at may kasamang mga inaasahan sa pagkalalaki at pagkababae sa lahat ng aspeto ng kasarian at sekswalidad: biyolohikal na kasarian, pagpapakilanlan sa kasarian, pagpapahayag ng kasarian, at sekswal na oryentasyon.[14][15][16]
Ayon sa aklat noong 2012 na Introduction to Behavioral Science in Medicine, maliban sa ilang pagbubukod, "Ang pagpapakilanlan sa kasarian ay nabubuo nang mabilis sa mga unang taon ng pagkabata, at sa karamihan ng pagkakataon ay tila nagiging bahagyang hindi na mababago pagsapit ng edad na 3 o 4". Ayon sa Endocrine Society, "May malakihang ebidensiyang pang-agham na nagpapakita ng matatag na biyolohikal na elemento sa likod ng pagpapakilanlan sa kasarian. Maaaring gumawa ng mga pagpili ang indibidwal dahil sa ibang salik sa kanilang buhay, ngunit tila walang panlabas na puwersa na tunay na nagdudulot ng pagbabago sa pagpapakilanlan sa kasarian."[17] Ipinapahayag ng mga panlipunang konstruktibista na ang pagpapakilanlan sa kasarian, o kung paano ito ipinapahayag, ay isang konseptong panlipunan na tinutukoy ng impluwensyang kultural at panlipunan. Hindi kinakailangang salungat ang ganitong uri ng konstruktibismo sa pagkakaroon ng likas na pagpapakilanlan sa kasarian, dahil maaaring ang paraan lamang ng pagpapahayag ng kasarian ang nag-iiba depende sa kultura.[17][11][12][18]
Remove ads
Pinagmulan ng salita
Ang salitang gender identity ay isang bagong likhang salita o neolohismo sa wikang Ingles. Unang ginamit ito noong dekada 1960, at mas lumaganap noong dekada 1970 at mga sumunod na taon. Ito ay likhang salita ng propesor ng saykayatrya na si Robert J. Stoller noong 1964, at lalo itong pinasikat ng sikolohistang si John Money.[19][20][21]
Robert J. Stoller (1964) , ang unang gumamit ng termino. Sinasabing ang terminong "gender identity" ay unang inimbento ni Robert J. Stoller, isang sikayatrista mula sa UCLA, noong 1964. Siya ang nagpasimuno sa paggamit ng konsepto bilang bahagi ng usaping sikolohikal ukol sa pagkakakilanlan ng kasarian. [22] Si John Money ang nagpasikat ng konsepto. Habang hindi siya ang unang lumikha ng salita, si John Money, isang sikolohista at sexolohista sa Johns Hopkins, ang nagbigay-lakas at nagpatanyag sa konsepto sa pamamagitan ng kanyang trabaho noong mga 1960s. Si Money ang nagtatag ng Gender Identity Clinic noong 1965 at ginamit ang termino sa press release noong Nobyembre 21, 1966 para ipahayag ang pagbubukas ng klinika para sa mga transsexual. [23] Unang lumitaw ang salitang gender identity noong 1963 sa mga papel na ipinakita nina Robert Stoller at Ralph Greenson sa 23rd International Psycho-Analytic Congress sa Stockholm. Sa kanilang pananaliksik, inilalarawan nila ang gender identity bilang ang kamalayan ng isang tao sa kanyang kasarian—kung siya man ay lalaki o babae.[24]
Remove ads
Kasaysayan at mga Kahulugan
Mga Kahulugan
Ang mga terminong gender identity at core gender identity ay unang ginamit sa kanilang kasalukuyang kahulugan—ang personal na karanasan ng isang tao hinggil sa kaniyang sariling kasarian noong mga dekada 1960.[25][26] Hanggang sa kasalukuyan, karaniwan pa ring ginagamit ang mga ito sa ganitong kahulugan,[14] bagaman ilang iskolar ang gumagamit din ng termino upang tumukoy sa mga kategorya ng sexual orientation at sexual identity na gay, lesbian at bisexual.[27] Naiiba ang gender expression sa gender identity sapagkat ang gender expression ay kung paano pinipiling ipakita ng isang tao ang kanilang kasarian sa pamamagitan ng "pangalan, panghalip, pananamit, ayos ng buhok, kilos, tinig o mga katangian ng katawan."[28] Kaya’t ito ay naiiba sa gender identity sapagkat ito ay panlabas na pagpapahayag ng kasarian ngunit maaaring hindi laging sumasalamin sa kasarian ng isang tao at maaaring magbago "ayon sa pinagmulan ng lahi/etnisidad, katayuang sosyo-ekonomiko, at lugar ng paninirahan."[29]
Maagang Panitikan Medikal
Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, sa mga akdang medikal, ang mga babaeng tumatangging sumunod sa nakatalagang tungkulin ng kasarian ay tinatawag na "inverts", at inilalarawan silang may interes sa kaalaman at pag-aaral, at may "pagkamuhi at kung minsan ay kawalan ng kakayahan sa pananahi".[30] Noong kalagitnaan ng dekada 1900, itinataguyod ng mga doktor ang corrective therapy para sa mga ganitong kababaihan at mga bata, na nangangahulugang ang mga asal na hindi naaayon sa pamantayan ng kasarian ay paparusahan at babaguhin.[31][32] Layunin ng terapiyang ito na ibalik ang mga bata sa kanilang "tamang" tungkulin ng kasarian at sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga batang magiging transgender.[30]
Mga Pananaw nina Freud at Jung
Noong 1905, ipinakita ni Sigmund Freud ang kaniyang teorya ng psychosexual development sa Three Essays on the Theory of Sexuality, na nagpapakita ng ebidensiya na sa pregenital na yugto, hindi pinag-iiba ng mga bata ang kasarian, at ipinapalagay na parehong may parehong genitalya at kakayahang magparami ang dalawang magulang. Batay dito, kaniyang ipinahayag na ang pagiging bisexual ang orihinal na oryentasyong sekswal at na ang pagiging heterosexual ay resulta ng pagpigil sa yugto ng phallic stage, kung saan nagiging malinaw ang gender identity.[33] Ayon kay Freud, sa yugtong ito, umuunlad ang mga bata ng Oedipus complex kung saan mayroon silang pantasyang sekswal para sa magulang na may kabaligtarang kasarian at pagkamuhi sa magulang na may parehong kasarian; ang pagkamuhi ay nagiging (hindi malay) na paglilipat at (may malay) na pagkakakilanlan sa kinamumuhiang magulang, na parehong nagsisilbing modelo upang mapawi ang pagnanasa at banta na putulin ang kapangyarihan ng bata na matugunan ito.[34] Noong 1913, iminungkahi ni Carl Jung ang Electra complex sapagkat naniniwala siya na ang pagiging bisexual ay hindi ugat ng sikolohikal na buhay, at na hindi sapat ang paglalarawan ni Freud sa batang babae (tinanggihan ni Freud ang mungkahing ito).[35]
Remove ads
Dekada 1950 at 1960
Noong dekada 1950 at 1960, nagsimulang pag-aralan ng mga sikologo ang pag-unlad ng kasarian sa mga batang paslit, bahagyang upang maunawaan ang pinagmulan ng homosexuality (na itinuturing noon bilang isang mental disorder). Noong 1958, itinatag ang Gender Identity Research Project sa UCLA Medical Center para sa pag-aaral ng mga intersex at transsexual. Pinagsama-sama ni Robert Stoller, isang psychoanalyst, ang maraming natuklasan ng proyekto sa kaniyang aklat na Sex and Gender: On the Development of Masculinity and Femininity (1968). Siya rin ang kinikilalang nagpakilala ng terminong gender identity sa International Psychoanalytic Congress sa Stockholm, Sweden, noong 1963.[36] Malaki rin ang naging ambag ni John Money, isang behavioral psychologist, sa pag-unlad ng mga unang teorya ng gender identity. Ang kaniyang gawain sa Gender Identity Clinic ng Johns Hopkins University (itinatag noong 1965) ay nagpasikat sa isang interactionist na teorya ng gender identity, na nagsasabing hanggang sa isang tiyak na edad, ang gender identity ay medyo nababago at patuloy na napag-uusapan. Ang kaniyang aklat na Man and Woman, Boy and Girl (1972) ay naging malawakang gamit na college textbook, bagaman maraming ideya ni Money ang kalaunan ay hinamon.[37][38]
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads