Binaryong kasarian

ang binaryong kalikasan ng kasarian From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang binaryo ng kasarian [1](Ingles: sex binary o gender binary)[2] ay isang biyolohikal na balangkas na nag-uuri sa kasarian ng mga organismo na nagpaparami sa pamamagitan ng gampaning reproduktibo sa dalawang kategorya: lalaki at babae. Ang pangunahing batayan nito ay ang anisogamiya — ang pagkakaroon ng dalawang uri lamang ng gameto (selulang reproduktibo): ang maliit at maraming sperm o tamod (lalaki) at ang malaki at kaunting ovum o itlog (babae). Walang ikatlong uri ng gameto, kaya’t binaryo ang kasarian sa antas ng reproduksyon.[3]

Ang mga kondisyon ng intersex o disorders of sex development (DSD) ay bihirang pagkakaiba-iba sa loob ng binaryong sistema, hindi ebidensya ng “ikatlong kasarian” o third sex. [4][5]

Remove ads

Ebolusyon ng anisogamiya

Ang anisogamiya ang pundasyon ng binaryong kasarian. Mula sa mas simpleng isogamy (parehong laki ng gameto), nag-ebolb ang dalawang magkaibang gameto dahil sa dalawang pangunahing puwersa:

  • Kompetisyon ng gameto – pabor sa maliliit at maraming gameto (isperma).
  • Kakulangan ng gameto – pabor sa malalaki at may maraming sustansya (ova).[6][7]

Ang ebolusyon na ito ay matatag at naobserba sa halos lahat ng sekswal na nagpaparaming organismo mula lumot hanggang mamalya.[8]

Remove ads

Biyolohikal na saligan

Sa mga mamalya kabilang ang tao, ang kasarian ay pangunahing tinutukoy ng mga kromosomang kasarian:

Ang SRY hene ang nagsisilbing pangunahing tagapag-udyok na nagpapasimula sa pagbuo ng bayag; kapag wala ito, ang embriyo ay magkakaroon ng obaryo at babaeng anatomiya.[10]

Mga kondisyong Intersex o Differences of Sex Development (DSD)

Ang mga differences/disorders of sex development (DSD) o intersex ay mga bihirang medikal na kondisyon (tinatayang 0.018% ng populasyon) kung saan atipikal ang pag-unlad ng kromosoma, gonad, o genitalia. Gayunman, hindi ito lumilikha ng panibagong kasarian; kadalasan, malinaw pa rin kung alin sa dalawang landas ng pag-unlad (lalaki o babae) ang sinusundan. [11] Halimbawa, sa Klinefelter syndrome (XXY), ang indibidwal ay lalaki pa rin dahil sa presensya ng SRY.

Mga iba't ibang kritika at maling pakahulugan

Mga alternatibong palagay

May ilang mananaliksik na nagsasabing ang kasarian (sex/gender) ay "spectrum" batay sa baryasyon sa kromosoma, hormona, o pangalwang katangian ng katawan.[12] Gayunpaman, itinuturing ito ng maraming biologong ebolusyonaryo at pangkaunlaran bilang category error dahil ang kahulugan ng kasarian sa biyolohiya ay nakabatay sa uri ng gameto, hindi sa continuum ng ibang katangian.[13]

Mga kritika sa di-binaryong palagay

Ang mga tulad nina Wright at Hilton (2020) ay nagsasabi na ang pagtanggi sa likas na dalawang anyo ng kasarian (sex denialism) ay mapanganib. Ayon sa kanila maaari itong makaapekto sa karapatan at proteksyon ng kababaihan, bata at pamayanan ng lalaki/babaeng homosekswal – lalo na sa mga lalaking peminino/mga babaeng maskulino. [14]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads