Pagkit
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pagkit, sera o waks[1] (Aleman: Wachs, Ingles: wax, Kastila, Portuges: cera) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman. May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga waks na sintetiko o gawang-tao.[2]

May kaugnayan ang mga pagkit sa mga taba. Bagaman matigas, mas madaling masira ang mga ito kung ikukumpara mula sa mga taba. Hindi tumatagos ang tubig sa kapatagan ng mga pagkit, ngunit madali silang matunaw, kung kaya't nabibigyan ng hugis. Ginagamit ang mga pagkit sa paglikha ng mga pampaganda at pamahid na kosmetiko at panggagamot, waks papel[3], plorwax (floorwax), kandila, mga plaka pang-musika, barnis, papel na karbon (carbon paper), krayola, mga artipisyal na halaman, at mga sabon.[2]
Remove ads
Mga uri ng pagkit
- Mula sa mga halaman:
- Mula sa mga hayop:
- Mula sa mga mineral:
- pagkit mula sa ozocerite
- pagkit na Montan, mula sa mga lignite
- Mula sa mga petrolyo:
- ang paraffin
- gulamang petrolyo (petroleum jelly)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads