Pinabacdao

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Samar From Wikipedia, the free encyclopedia

Pinabacdao
Remove ads

Pinabacdao, opisyal na kilala bilang Municipality of Pinabacdao, ay isang ika class bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, mayroon itong populasyon na 18,639 katao.

Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...

Ito ay nasa gitnang bahagi ng timog-kanlurang baybay-dagat ng pulo ng Samar at dinaraanan ng Pan-Philippine Highway. Hinahangganan ito ng bayan ng Calbiga sa hilaga, lungsod ng Borongan sa silangan na kabisera ng lalawigan ng Silangang Samar, bayan ng Villareal at Look ng Villareal sa kanluran, at mga bayan ng Santa Rita at Basey sa timog.

Itinuturing ito na sentro ng produksiyon ng bigas sa lalawigan ng Samar. Ito ay tahanan din ng pista ng Mayaw-Mayaw, isang pistang etniko at sayawan na taunang idinaraos tuwing Mayo 10.[4] Nakamit ng Pista ng Mayaw-Mayaw ang ikalawang runner-up sa paligsahan ng sayaw ng kapistahan, at nanguna ito sa paligsahan ng disenyo ng float sa Pistang Aliwan ng 2015 na ginanap sa mga lungsod ng Maynila at Pasay noong Abril 23–25.[5]

Remove ads

Kasaysayan

Unang itinatag ang Pinabacdao noong 1749, ngunit naging baryo ng Calbiga noong 1902. Naging isang ganap na bayan ito noong ika-16 ng Hulyo, taong 1946 sa bisa ng Kautusang Ehekutibo Blg. 2, seryeng 1946, na nilagdaan ni dating Pangulong Manuel A. Roxas noong ika-8 ng Hulyo sa taong iyon.[6]

Klima

Ini-uri ang klima ng Pinabacdao bilang tropiko. May maraming pag-ulan ang bayan, kahit sa pinakatuyong buwan nito. Itinalaga ang Pinabacdao sa pag-uuring Köppen and Geiger bilang Af. Ang karaniwang taunang temperatura ay 27.1 °C. Ang katamtamang dami ng pag-ulan taun-taon ay 2739 milimetro.[7]

Mga barangay

Nahahati ang Pinabacdao sa 24 na mga barangay.

Para sa mga layuning administratibo at estadistika, nakapangkat sa dalawang mga distrito ang mga barangay - ang mga upland barangay at mga pilot barangay. Ang Upland district ay binubuo ng mga barangay na nasa malalayong lugar at karamihan ay nasa silangang bahagi ng bayan. Ang mga barangay na nasa kahabaan ng Pan-Philippine Highway/Daang Maharlika ay bumubo sa Pilot district na karamihan ay nasa mga baybaying-dagat at kapatagang pook sa kanlurang bahagi ng bayan. Walang anumang uri ng lokal na pamahalaan ang mga distritong ito.

Karagdagang impormasyon Barangay[A], Distrito ...

Calampong

Thumb
Barangay Calampong noong 2008.

Ang Calampong ay isa sa dalawang mga baybaying-dagat na barangay ng Pinabacdao. Hinahangganan ito ng Calbiga, sa hilaga at kanluran at Look ng Maqueda sa kanluran at timog. Karamihan sa mga mamamayan nito ay kumukuha ng kabuhayan sa pangingisda at pagsasaka.

Remove ads

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga Paaralan

Mababang Paaralan

  • Mababang Paaralan ng Bangon
  • Mababang Paaralan ng Botoc
  • Mababang Paaralan ng Calampong
  • Mababang Paaralan ng Lale
  • Mababang Paaralan ng Laygayon
  • Mababang Paaralan ng Madalunot
  • Mababang Paaralan ng Mambog
  • Mababang Paaralan ng Nabong
  • Mababang Paaralan ng Obayan
  • Mababang Paaralan ng Pahug
  • Mababang Paaralan ng Parasanon
  • Mababang Paaralan Sentral ng Pinabacdao

Mataas na Paaralan

  • Paaralang Agrikultural ng Quintin Quijano, Sr. (dating Mataas na Paaralang Agrikultural ng West Coast)
  • Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Punong Paaralan
  • Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Paaralang Parasanon

Sentro ng Pagsasanay/Kolehiyo/Pamantasan

  • Pinabacdao One-Stop Training Center
  • Pamantasan ng Silangang Pilipinas-Kolehiyo ng Pinabacdao
Remove ads

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads