Pritong manok

mga piraso ng manok na binabad sa tinimplahang harina o sa batido at ipinrito From Wikipedia, the free encyclopedia

Pritong manok
Remove ads

Ang pritong manok (Ingles: fried chicken o Southern fried chicken) ay isang ulam na binubuo ng mga piraso ng manok na inilubog sa tinimplahang batido o harina at ipinritong-kawali, ipinritong-lubog, ipinritong-diin, o ipinritong-hangin. Malutong ang balat ng ulam na ito, at nakakatulong ito sa pagpapanatili ng katas sa laman. Pinakaginagamit ang lahing broiler para rito.

Agarang impormasyon Kurso, Lugar ...

Ang unang ulam na kilalang ipinritong-lubog ay mga pritura, na naging tanyag noong Gitnang Kapanahunan sa Europa. Subalit, ang mga Eskoses ang naging unang taga-Europa na nagprito ng manok sa taba na may migaha at panimpla. Isang ebidensiya nito ang resipi sa aklat-panluto ni Hannah Glasse noong 1747,[1] pati na rin ang isang entrada sa talaarawan noong 1773 na naglalarawan ng pritong manok sa Pulo ng Skye.[2] Wala sa unang kilalang resipi sa Estados Unidos ang mga panimplang matatagpuan sa naunang resiping Eskoses.[2] May isang Ingles na aklat-panluto noong 1736, ang Dictionarium Domesticum ni Nathan Bailey, kung saan binanggit ang pritong manok at tinawag itong "marinada ng mga manok".[3] Samantala, sa mga sumunod na taon, maraming Kanlurang Aprikano ang nagpaunlad ng mga tradisyon ng timpladong pritong manok, kabilang ang pagbabatido at pagluluto ng manok sa mantika ng palma.

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Karaage, Hapones na pritong manok

Unang naitala ang ekspresyong fried chicken (pritong manok) noong d. 1830,[4] at madalas itong lumitaw sa mga Amerikanong aklat-panluto noong d. 1860 at d. 1870.[5] Ang pinagmulan ng pritong manok sa mga katimugang estado ng Amerika ay matutunton sa mga naunang pagkain sa lutuing Eskoses[6][7][8] at Kanlurang Aprikano.[9][10][11] Ibinalot sa tinimplahang batido at ipinritong-lubog sa taba ang pritong manok ng mga Eskoses, samantalang ang pritong manok ng mga Kanlurang Aprikano ay may naiibang pampalasa,[12][13] ibinababad sa batido,[10][14] at iniluluto sa mantika ng palma.[9] Ginamit ng mga inaliping Aprikano sa Timog Estados Unidos ang mga Aprikanong teknika sa pagtitimpla.[6][7][8][12][13]

Naging paraan ang pritong manok upang magkaroon ng sariling kabuhayan ang mga inalipin at hiwalay na Aprikanang-Amerikana, na nakilala bilang mga nagtitinda ng manok (buhay o luto) noon pang d. 1730, bagaman kadalasang niluluto ito sa gridel.[15][9] Dahil sa mataas na halaga ng mga sangkap nito, ang ulam na ito—sa kabila ng karaniwang paniniwala—ay bihira sa komunidad ng mga Aprikanong Amerikano at inihahanda lamang para sa mga espesyal na okasyon para lamang sa mga espesyal na okasyon.[9][14][11][12]

Paglipas ng panahon, ang pritong manok sa istilong Amerikano ay naging pang-araw-araw na pagkain sa Timog, lalo na pagkatapos ng pagpawi ng pang-aalipin, at lalo pang sumikat. Dahil madaling dalhin ang pritong manok kahit sa mainit na panahon bago naging karaniwan ang repriherasyon, at dahil din sa pagbaba ng gastos dulot ng paglago ng industriya, lalo itong naging paborito sa Timog. Ang pritong manok ay nananatiling isa sa mga pinakapinipiling pagkain para sa "hapunan tuwing Linggo" sa rehiyong ito. Pinagsama ng mga Hudyo sa Timog ang mga kaugalian sa pagkain ng mga taga-Timog at ng mga Hudyo upang gawing pangunahing bahagi ng hapunang Shabbat ang pritong manok, kasama ng charoset at mga nakatrintas na tinapay na challah.[16][17]

Kadalasang itinatampok ang ulam na ito sa mga pista tulad ng Araw ng Kalayaan at iba pang pagtitipon.[18] Noong ika-20 siglo, nagsimulang lumago ang mga kadenang restorang nakatuon sa pritong manok kasabay ng pag-usbong ng industriya ng paspudan. Kumalat ang mga tatak tulad ng Kentucky Fried Chicken (KFC) and Popeyes sa Estados Unidos at sa buong mundo.

Remove ads

Paglalarawan

Thumb
Pritong manok na may kasamang pamutat, pritong okra at makaroni't keso

Nailarawan ang pritong manok bilang "malutong" at "makatas".[19][20] Bukod pa rito, sinasabing "maanghang" at "maalat" ang ulam na ito.[21] Paminsan-minsan, nilalagyan ito ng sili tulad ng paprika, o maanghang na sarsa para umanghang ang lasa nito.[22] Lalo nang karaniwan ito sa mga kadena ng paspudan tulad ng KFC.[23] Tradisyonal na inihahain itong ulam kasama ng minasang patatas, grebi, makaroni't keso, coleslaw, mais o biskuwit.[24]

Kilala ang ulam na ito sa pagiging mamantika, lalo na kapag galing sa mga paspudan.[19] Sa katunayan, iniulat na may ilang taong nasisiyahan sa pagkain nito ngunit nililimitahan ang kanilang sarili sa iilang beses lang sa isang taon upang mapanatiling mababa ang kanilang kinakaing taba.[25] Sa lahat ng mga bahagi ng hayop na ginagamit sa pritong manok, kadalasang pinakamarami ang taba sa mga pakpak, na halos 40 gramo (1.4 oz) ng taba sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[26] Gayunman, ang karaniwang buong pritong manok ay naglalaman lamang ng halos 12% taba, o 12 gramo (0.42 oz) sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[27] Karaniwan, naglalaman ang 100 gramo (3.5 oz) ng pritong manok ng halos 240 kaloriya ng enerhiya.[27]

Remove ads

Talaan

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads