Bulkang Kanlaon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bulkang Kanlaon (Hiligaynon: Bulkan sang Kanlaon; Cebuano: Bulkan sa Kanlaon; Ingles: Kanlaon Volcano; Espanyol: Volcán de Canlaon, Malaspina), na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Hulyo 2025) |

Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong 8 Agosto 1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.
Remove ads
Mitolohiya at alamat ng Bulkang Kanlaon
Si Laon (na ang ibig sabihin ay “ang sinauna”), kilala rin bilang Kanlaon o ang demonyong Lalahon, ay isang makapangyarihang diwata mula sa Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros. Minsan siyang kinikilalang diyos ng apoy at ani, ngunit sa ibang kwento, isa siyang mapanirang demonyo. Maari siyang magbigay ng masaganang ani o magdulot ng kapinsalaan, gaya ng salot ng balang o pagputok ng bulkan. Sa mga alamat, si Laon ay minsang inilalarawan bilang lalaki, minsan naman bilang babae. [3] [4] [5][6]
Remove ads
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads