Rehiyon ng Pulo ng Negros

Pampangasiwaang rehiyon sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Rehiyon ng Pulo ng Negros
Remove ads


Ang Rehiyon ng Pulo ng Negros (Ingles: Negros Island Region) ay isang pampangasiwaang rehiyon sa Pilipinas na kinapapalooban ng mga lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, at ng lubos na urbanisadong lungsod ng Bacolod.

Agarang impormasyon Rehiyon ng Pulo ng Negros, Bansa ...

Noong ika-29 ng Marso 2015, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183 si Pangulong Benigno Aquino III na pormal na nagtatatag sa rehiyon.[1] Itinatag muli ang rehiyon noong Hunyo 12, 2024 sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Republic Act No. 12000 na ipinirma ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, Bongbong Marcos Jr.[2]

Remove ads

Sangay Pampulitika

Karagdagang impormasyon Lalawigan o HUC, Kabisera ...

Ang Negros Occidental ay nahahatì sa 19 bayan at 13 lungsod. Ito ay ang may pinakamaraming lungsod sa lahat ng mga lalawigan sa Pilipinas. Bagama't ang Bacolod ay ang ulunlungsod, ito ay pinamamahalaan na hiwalay sa lalawigan bílang lubos na urbanisadong lungsod.

Ang Negros Oriental ay nahahati sa 19 bayan at 6 na lungsod, na nahahatì rin sa 557 na barangay.

Samantalang ang Siquijor ay isang pulong lalawigan na nahahati sa 6 na bayan, na nahahati rin sa 134 na barangay.

Mga nakapaloob na lungsod

Negros Occidental
Negros Oriental
Wikang Sinasalita, 2000[4][5][6]
Wika Nagsasalita '000
Hiligaynon
 
2,107
Cebuano
 
1,513
Remove ads

Kasaysayan

Mga unang kurukuro

Ang pagtutulak na magkaroon ng iisang islang rehiyon ay sinimulan sa usapan ng dáting Gobernador Bitay Lacson at ang yumaong dáting Gobernador Emilio Macias pagkatapos ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o Rebolusyong EDSA. Naganap ang usapan sa pagitan nang mga taóng 1986 at hulihan ng kanilang mga panunungkulan ng 1992. Ang sumunod sa kanilang sina dáting Gobernador Rafael Coscoluella at dáting Gobernador ngayo'y Kinatawang George Arnaiz ay nagtulak ng hakbang at tinukoy na ang Lungsod Kabankalan sa Negros Occidental at ang kalapit nitong bayan ng Mabinay sa Negros Orriental ang ang maging kambal-lunsuran ng rehiyon.

Pagkatatag

Noong ika-29 ng Marso 2015, ang Pangulong Benigno Aquino III ang naglagda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183, na pagsamahin ang dalawang lalawigan ng Negros sa iisang rehiyon. Hinihiwalay nito ang Negros Occidental sa Rehiyon VI at ang Negros Oriental sa Rehiyon VII. Kayâ naging 18 ang bílang ng mga rehiyon sa Pilipinas.

Pagpawalang-bisa

Ipinapawalang-bisa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183 ni Benigno Aquino III, sa pamamagitan ng paglagda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 38 sa kadahilanan ng dating kalihim ng Kagawaran ng Badyet at Pamahala na si Benjamin Diokno ng pagpanatili ng rehiyon na umaabot ng higit ₱19 bilyon. Ikinadismaya at ikinalulungkot ito ng mga opisyal ng Negros dahil sa pagpawalang-bisa ng rehiyon.

Muling pagkatatag

Noong Hunyo 11, 2024, ang Senate Bill No. 2507 ng senador na si JV Ejercito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Republic Act No. 12000. Ang muling itinatag na rehiyon, sa pagkakataong ito, ay kasama ang kalapit na isla ng Siquijor, sa kahilingan ng mga awtoridad ng probinsiya; Ang Siquijor, na dating bahagi ng Rehiyon VII kasama ang Negros Oriental, ay bahagi ng Negros Oriental hanggang sa naging malayang lalawigan ito noong 1971. Labing-anim na tanggapan ng pamahalaang panrehiyon ang itatayo sa Dumaguete, habang labing-apat ang itatayo sa Bacolod. Nagsusumamo si Wilfredo Capundag Jr., ang alkalde ng San Juan, Siquijor, na palitan ang pangalan ng rehiyon sa Negros Island-Siquijor Administrative Region (NISAR) upang kilalanin ang pagsasama ng kanyang lalawigan.

Remove ads

Ekonomiya

Nakasalalay sa produksiyon ng asukal ang ekonomiya ng rehiyon.

Transportasyon

Thumb
Paliparan ng Bacolod-Silay

Ang Paliparang Pandaigdig ng Bacolod–Silay at Paliparan ng Sibulan sa Dumaguete ang dalawang paliparan ng rehiyon. Konektado ang mga ito ng mga regular na komersiyal na lipad mula Maynila at Cebu, habang ang Bacolod–Silay ay may regular na koneksiyon sa Davao.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads