Puto maya

panghimagas mula sa Timog at Timog-silangang Asya From Wikipedia, the free encyclopedia

Puto maya
Remove ads

Ang puto maya o mangga't suman ay tradisyonal na panghimagas mula sa Timog-silangang Asya at Timog Asya na gawa sa malagkit na bigas, sariwang mangga at gata, at kinukutsara o kinakamay.[1]

Agarang impormasyon Kurso, Rehiyon o bansa ...
Remove ads

Paghahanda

Karaniwang pinapatamis ang mga panghimagas na may malagkit na bigas ng asukal sa palma o panutsa na hinalo sa gata at taliptip na niyog, na binalot sa dahon ng saging, at pinasingaw o ipinasok sa kawayan at inihaw sa siga kagaya ng binungey.[2] Kabilang sa mga kailangang sangkap ang malagkit na bigas, dinelatang o sariwang gata, asin, asukal sa palma at mangga.

Sa paghahanda nito, ibinababad ang kanin sa tubig at niluluto sa pagpasingaw o pagsaing. Samanatala, hinahalo ang gata sa asin at asukal at pinapainit nang hindi pinapakulo. Kapag luto na ang kanin, hinahalo ang tinimplang gata at kanin nang pantay-pantay at itinatabi para masipsip ng kanin ang gata. Binabalatan at hinihiwa ang mga mangga. Sa paghain nitong pagkain, sinasandok ang kanin sa plato, pinapatungan o tinatabihan ng mga mangga, at ibinubuhos ang natitirang gata sa ibabaw. Minsan, binubudburan ang malakit ng malutong na munggong-dilaw.[3]

Kadalasang ginagamit ang dilaw na mangga na mas matamis kaysa sa berdeng mangga. Ang mga tradisyonal na ginagamit na baryante ng mangga ay Nam Dok Mai at ok-rong.[4] Ginagamit ang malagkit, na mas matamis kumpara sa normal na kanin para sa pinakamainam na tekstura.[3]

Remove ads

Mga baryasyon

Ito ang mga baryasyon sa klasikong puto maya, kagaya ng pagpapalit ng malagkit ng pirurutong na nagbibigay ng lila na kulay.[5]

Thumb
Mangga't suman na inihain sa isang kainan sa Gitnang Pattaya sa Pattaya, Taylandiya

Sa Taylandiya

Ang khao niao mamuang (Thai: ข้าวเหนียวมะม่วง), na may salinwika na mangga at malagkit o mango sticky rice, ay tradisyonal na panghimagas Taylandes na binubuo ng malagkit na niluto sa gata at inihahain kasama ng mga bagong-hiwa na mangga sa ibabaw.[6] Kabilang sa mga opsiyonal na sahog ang binusang munggo at tinostang linga na maaaring ibudbod bilang pandagdag ng lutong at lasa.[7] Sa Gitnang Taylandiya, pangunahing sangkap ang gata dahil marami ang mga punong niyog sa rehiyon.[8][9] Subalit sa mas malamig na hilaga, kung saan mas mahirap makakuha ng sariwang niyog, mas bihira ang paggamit ng gata.[8] Sa Gitnang Taylandiya, karaniwang ginagamit ang khao niao moon,[10] malagkit na bigas na hinalo sa gata, sa mga panghimagas kagaya ng puto maya, habang sa Hilaga at Hilagang-silangang Taylandiya, mas karaniwang isteypol ang "medyo malagkit" na kinakamay, nang hindi pinapares sa niyog.[11][12]

Pinaniniwalaan na noong pahuli ng panahong Ayutthaya ang eksaktong pinagmulan ng khao niao mamuang sa Taylandiya. Inilalarawan ng isang taludtod mula sa panahong iyon ang pagkamahilig sa mga matatamis na pagkain, at nabanggit ang Manggang Ok Rong, isang kultibar na katutubo sa Taylandiya.[13] Noong paghahari ni Hari Chulalongkorn, kinakain ang khao niao moon na may kasamang mangga.[14] Bagama't sinasabing nagmula ang mangga't suman sa Taylandiya,[15][16] kumalat na ito sa mararaming bansa sa Timog-silangan at Timog Asya.[16]

Karaniwang pagkaing-kalye ang mangga't suman sa Taylandiya at kinokonsiderang kaakit-akit ng mga banyagang turistang bumabiyahe sa Taylandiya.[17] Kadalasan itong kinakain tuwing Abril at Mayo, sukdulan ng anihang mangga.[18] Pinagsasamahan ang mga karaniwang matatamis na mangga, kagaya ng Nam Dok Mai o Ok rong sa malagkit na pinatamis ng gata, at inihahain nang mainit-init.[18]

Sa Laos

Karaniwang panghimagas ang puto maya sa mga Lao kung saan naitanim ang malagkit sa kasaysayan ng pagkain at alamat.[19][20] Isang pambansang pagkain sa Laos ang malagkit na konektado sa kultura at mga tradisyon sa relihiyon.[21][22][23] Tuwing paghihinog ng mga mangga, inihahain ang malagkit na nilagyan ng pinatamis na gata at binusang linga kasama ng mga hiniwang mangga. Maaaring ihain ang malagkit kasama ng mangga lamang.[24]

Thumb
Puto maya at sikwate mula sa Cabadbaran, Agusan del Norte

Sa Pilipinas

Isang paborito ng mga Bisaya ang puto maya, isang pangmeryendang malagkit na niluto sa gata, at minsan, luya. Inihahain ito kasama ng mga hinog na mangga (kung napapanahon) at sikwate.[25][26] Sa Cagayan de Oro, ginagamit ang lilang baryante ng malagkit.[27]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads