Ramen
Pagkain mula sa bansang Hapón From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang ramen (拉麺, ラーメン rāmen) ay isang masabaw na nudels lutuing nanggaling sa bansang Hapón. Naglalaman ito ng miswa na sinabawan ng sabaw ng karne o (kung paminsan-minsan) isda, at madalas na nilalagyan ng toyo o miso bilang pampalasa. Sinasahugan rin ito madalas ng hiniwang karne ng baboy, pinatuyong halamang-dagat (o nori), menma, at sibuyas. Halos lahat ng mga rehiyon sa bansang Hapón ay may sariling bersyon ng ramen, tulad ng tonkotsu (sinabawang buto ng karne ng baboy) ng Kyuushuu at ang miso ramen ng Hokkaido. Samantala, hindi sinasabawan ang mazemen, kundi ay nilalagyan ito ng sarsa (tulad ng tare), kahawig sa mga nudels na inihahain sa sarsang tamis-asim.



Remove ads
Mga sanggunian
Ugnay Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads