Himagsikang Pang-agham

mga pangyayari na nagmarka ng pagsilang ng makabagong agham sa maagang makabagong panahon From Wikipedia, the free encyclopedia

Himagsikang Pang-agham
Remove ads

Ang Himagsikang Pang-agham o Siyentipikong Rebolusyon (Ingles: Scientific Revolution) ay serye ng mga pangyayari na nagmarka sa pag-usbong ng makabagong agham noong maagang makabagong panahon. Sa panahong ito, umunlad ang kaalaman sa larangan ng matematika, pisika, astronomiya, biyolohiya (kasama ang anatomiya ng tao), at kimika, kaya't nagbago ang pananaw ng lipunan tungkol sa kalikasan.[1][2][3][4][5][6] Ang Siyentipikong Rebolusyon ay naganap sa Europa sa ikalawang kalahati ng panahon ng Renasimiyento, na nagsimula noong 1543 sa paglalathala ni Nicolaus Copernicus ng De revolutionibus orbium coelestium (Sa Pag-inog ng mga Masalangit na Espero), na madalas itinuturing na simula nito. Ang Siyentipikong Rebolusyon ay tinawag na "ang pinakamahalagang pagbabago sa kasaysayan ng tao" mula noong Neolitikong Rebolusyon.[7][8]

Agarang impormasyon Petsa, Lugar ...

Ang panahon ng Siyentipikong Renasimyento ay naging mahalaga dahil dito muling nabuhay ang interes ng mga tao sa pag-aaral ng siyensiya at kalikasan. Isa sa pinakamahalagang pangyayari dito ay noong inilathala ni Isaac Newton noong 1687 ang Principia, isang aklat na naglalaman ng mga batas ng galaw at unibersal na grabitasyon. Dahil dito, nabuo ang bagong pananaw tungkol sa kalawakan, na tinatawag na kosmolohiya. [9] Ang sumunod na Panahon ng Kalinawagan ay nagpakita ng konsepto ng siyentipikong rebolusyon noong ika-18 siglo. Isinulat ni Jean Sylvain Bailly na may dalawang yugto ang prosesong ito: una ay ang pag-alis sa lumang paniniwala, at pangalawa ay ang pagtatatag ng bago. [10] Patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga iskolar ang mga hangganan at saklaw ng Siyentipikong Rebolusiyon at ang panahon nito.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads