Sahonya-Anhalt
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Sahonya-Anhalt o Saxony-Anhalt (Aleman: Sachsen-Anhalt [ˌzaksn̩ ˈʔanhalt] ( pakinggan); Padron:Lang-nds) ay isang estado ng Alemanya, na nasa hangganan ng mga estado ng Brandeburgo, Sahonya, Thuringia, at Mababang Sahonya. Sinasaklaw nito ang isang lugar na 20,447.7 metro kkilouwadrado (7,894.9 sq mi)[3] at may populasyong 2.19 milyong mga naninirahan,[4] na ginagawa itong ika-8 pinakamalaking estado sa Alemanya ayon sa lugar at ika-11 na pinakamalaki ayon sa populasyon. Ang kabesera nito ay Magdeburgo at ang pinakamalaking lungsod nito ay Halle (Saale).
Ang estado ng Saxony-Anhalt ay nabuo noong Hulyo 1945 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang binuo ito ng administrasyong hukbong Sobyetiko sa Alyadong-okupadong Alemanya mula sa dating Prusong Lalawigan ng Sahonya at Malayang Estado ng Anhalt. Ang Sahonya-Anhalt ay naging bahagi ng Demokratikong Republikang Aleman noong 1949, ngunit binuwag noong 1952 sa panahon ng mga repormang pampangasiwaan at ang teritoryo nito ay nahahati sa mga distrito ng Halle at Magdeburg, kasama ang lungsod ng Torgau na sumali sa distrito ng Leipzig. Kasunod ng muling pag-iisang Aleman ang estado ng Sahonya-Anhalt ay muling itinatag noong 1990 at naging isa sa mga bagong estado ng Federal na Repulika ng Alemanya.
Ang Saxony-Anhalt ay kilala sa mayamang pamana nitong kultura at nagtataglay ng pinakamataas na konsentrasyon ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa Alemanya.
Remove ads
Heograpiya
Ang Saxony-Anhalt ay isa sa 16 na kinabibilangang estado ng Alemanya. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng silangang Alemanya. Sa laki, ito ang ika-8 pinakamalaking estado sa Alemanya at ayon sa populasyon, ito ang ika-11 na pinakamalaki.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads