Magdeburgo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Magdeburgo (Aleman: [ˈmakdəbʊʁk] ( pakinggan); Mababang Sahon: [ˈmaˑɪdebɔɐ̯x]) ay ang kabesera ng estadong Aleman naSahonya-Anhalt. Ang lungsod ay matatagpuan sa ilog Elbe.[2]
Si Otto I, ang unang Banal na Emperador Romano at tagapagtatag ng Arkidiyosesis of Magdeburgo, ay inilibing sa katedral ng lungsod pagkatapos ng kaniyang kamatayan.[3] Ang bersyon ng Magdeburg ng batas sa bayan ng Alemanya, na kilala bilang mga karapatan ng Magdeburgo, ay kumalat sa buong Gitna at Silangang Europa. Sa Huling Gitnang Kapanahunan, ang Magdeburgo ay isa sa pinakamalaki at pinakamaunlad na Aleman na lungsod at isang kilalang miyembro ng Ligang Hanseatico. Isa sa mga pinakakilalang tao mula sa lungsod ay si Otto von Guericke, sikat sa kanyang mga eksperimento sa mga emisperong Magdeburgo.
Ang Magdeburg ay nakaranas ng tatlong malalaking pinsala sa kasaysayan nito. Noong 1207 ang unang sakuna ay tumama sa lungsod, na may apoy na sumunog sa malalaking bahagi ng lungsod, kabilang ang Otonianong katedral.[4] Dinambong ng Ligang Katoliko ang Magdeburgo noong 1631,[5] na nagbunga sa pagkamatay ng 25,000 di-armado, ang pinakamalaking pagkawala ng Digmaan ng Tatlumpung Taon. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng mga Alyado ang lungsod noong 1945 at sinira ang karamihan sa sentro ng lungsod.
- Mapa ng Magdeburgo, 1900
- "Breiter Weg", bandang 1900
- "Hasselbachplatz", bandang 1900
- Selyong panselyo (1850–1923)
- Sentro ng lungsod pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Ang sentro ng Magdeburgo ay may ilang mga Stalinistang gusali mula noong dekada 1950.
Remove ads
Kakambal na bayan – kinakapatid na lungsod
Ang Magdeburg ay kakambal sa:[6]
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads