Saranggola

From Wikipedia, the free encyclopedia

Saranggola
Remove ads

Ang saranggola[1] ay isang laruan na pinalilipad na karaniwang gawa sa maninipis na patpat na kawayan bilang balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela. Tinatawag din itong bulador[1][2] o burador. Isang nakataling kasangkapang panglipad ang saranggola na mas mabigat kaysa sa hangin na may mga pakpak na nakikipag-ugnayan sa hangin upang makalikha ng mga puwersang pampalipad at paghila. Binubuo ito ng mga pakpak, tali, at mga pang-angkla. Madalas may tali at buntot ang saranggola upang maituro ang harapan nito at maitaas ng hangin.[3] May ilang disenyo ng saranggola na hindi nangangailangan ng tali, gaya ng saranggolang kahon na maaaring may isang punto lamang ng pagkakabit. Maaaring nakapirmi o gumagalaw ang mga pang-angkla na nagbibigay-balanse sa saranggola. Sa Ingles, tinatawag itong kite na mula ang pangalan sa ibong mandaragit na tinatawag ding kite, na kilala sa paglipad at paglutang sa himpapawid.[4] May iba’t ibang hugis ng mga saranggola.

Thumb
Isang saranggolang Tsino.
Thumb
Mga iba't ibang saranggola
Thumb
Saranggolang hugis-bituin

Ang puwersang pampalipad na nagpapatuloy sa saranggola sa ere ay nalilikha kapag dumadaloy ang hangin sa paligid ng ibabaw nito, na nagbubunga ng mababang presyon sa itaas at mataas na presyon sa ibaba ng mga pakpak.[5] Ang interaksyon nito sa hangin ay lumilikha rin ng pahalang na paghila kasabay ng direksiyon ng hangin. Ang pinagsamang puwersa mula sa pampalipad at paghila ay binabalanse ng tensyon mula sa isa o higit pang mga tali o lubid na nakakabit sa saranggola.[6] Ang punto ng pagkakabit ng tali ay maaaring nakapirmi o gumagalaw (halimbawa, kapag hinihila ng tumatakbong tao, bangka, bumabagsak na pang-angkla gaya ng sa mga paraglider at parakite,[7][8] o sasakyan).[9][10]

Ang parehong prinsipyo ng pagdaloy ng likido ay naaangkop din sa tubig, kaya maaaring gamitin ang mga saranggola sa ilalim ng dagat.[11][12] Gumagana ang mga paravane at otter board sa ilalim ng tubig sa parehong paraan.

Ginamit noon ang mga saranggolang kayang magbuhat ng tao para sa pagmamanman, libangan, at sa pag-unlad ng mga unang sasakyang panghimpapawid tulad ng biplano.

May mahaba at makulay na kasaysayan ang mga saranggola, at iba't ibang uri nito ang pinalilipad sa iba't ibang panig ng mundo, maging sa mga pista ng saranggola. Maaaring paliparin ang mga ito para sa libangan, sining, o praktikal na gamit. Ang mga saranggolang pampalakasan ay ginagamit sa mga palabas sa ere o kompetisyon, samantalang ang mga power kite (saranggolang may lakas) naman ay mga saranggolang may maraming tali na maaaring kontrolin upang makalikha ng malalakas na puwersa para sa mga aktibidad tulad ng kite surfing (pag-surf ng saranggola), kite landboarding (pag-skate gamit ang saranggola), kite buggying (pagmamaneho ng karitong pinapatakbo ng saranggola), at snow kiting (pag-surf sa niyebe gamit ang saranggola).

Remove ads

Mga uri ng saranggola

Ilan lamang ito sa mga uri ng saranggola:

  1. boka-boka
  2. guryon[1][13]
  3. tsapi-tsapi o sapi-sapi[1]
  4. de-kahon
  5. bandera
  6. portagis
  7. de-baso
  8. papagayo - saranggolang kahugis ng ibon.[1]
  9. fighter

Sa Pilipinas, isang awit na may sa saranggola sa pamagat ang Saranggola ni Pepe na kinanta at pinasikat ni Celeste Legaspi na sinulat ng kanyang asawang si Nonoy Gallardo. Bagaman, ang awitin ay hindi partikular na tungkol sa saranggola, sa halip, ito ay isang sinkroniko na pinapakita ang pangarap ng mga mamamayan.[14] Ang "Pepe" ay palayaw ni Jose Rizal na sumisimbolo sa kabataan na tinuturing ni Rizal na pag-asa ng bayan. Samantala, tumutukoy ang "Saranggola" sa bansang Pilipinas. Ang "matandang bingi" na binabanggit sa awit ay tumutukoy umano kay noo'y Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.[14] Sang-ayon kay Celeste, sinulat ng asawa niya ang awitin para ihayag ang nararamdaman niya sa nangyayari[15][16] noong panahon ng batas militar sa Pilipinas sa ilalim ni Marcos. May bersyong rock ito na inawit ng bandang Shampoo ni Lola noong dekada 1990.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads