Eskandinabya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Eskandinabya[6][7][8] ay isang subrehiyon ng hilagang Europa, na may matibay na ugnayang pangkasaysayan, kalinangan, at wika sa pagitan ng mga bumubuo nito. Ang Eskandinabya ay kadalasang tumutukoy sa Dinamarka, Noruwega, at Suwesya. Maaari din itong tumukoy minsan sa Tangway ng Eskaninabya (na hindi kasama ang Dinamarka subalit kabilang ang isang bahagi ng hilagang Pinlandya). Tinatawag ang Eskandinabya sa wikang Ingles bilang Scandinavia na minsan ginagamit bilang kasingkahulugan para sa mga bansang Nordiko.[9] Minsan kasama ang Islandiya at Kapuluang Peroe sa Eskandinabya para sa kanilang etnolingguwistika na relasyon sa Suwesya, Noruwega at Dinamarka. Bagama't naiiba ang Pinlandya sa ibang mga bansa sa Nordiko sa bagay na ito, tinawag ito ng ilang mga may-akda na Eskandinabo dahil sa pagkakatulad nito sa ekonomiya at kultura.[4]
Iba-iba ang heograpiya ng rehiyon, mula sa mga fjord o piyordong Noruwego sa kanluran at mga bundok ng Eskandinabo na sumasaklaw sa mga bahagi ng Noruwega at Suwesya, hanggang sa mababa at patag na lugar ng Dinamarka sa timog, gayundin sa mga kapuluan at lawa sa silangan. Karamihan sa populasyon sa rehiyon ay naninirahan sa mas katamtamang klima na mga rehiyon sa timog, na ang hilagang bahagi ay may mahaba at malamig na taglamig.
Noong Panahon ng mga Vikingo, lumahok ang mga mamamayang Eskandinabya sa malawakang pagsalakay, pananakop, kolonisasyon at pangangalakal na karamihan sa buong Europa. Ginamit din nila ang kanilang mga drakkar (isang sasakyang pandagat) para sa paggalugad, na naging unang mga Europeo na nakarating sa Hilagang Amerika. Nakita ng mga pagsasamantalang ito ang pagtatatag ng Imperyo ng Hilagang Dagat na binubuo ng malalaking bahagi ng Eskandinbya at Gran Britanya, kahit na ito ay medyo maikli ang buhay. Naging mga Kristiyano ang Eskandinabya sa kalaunan, at nakita sa mga darating na dantaon ang iba't ibang mga unyon ng mga bansang Eskandinabya, lalo na ang Unyong Kalmar ng Dinamarka, Noruwega at Suwesya, na tumagal ng mahigit 100 taon hanggang sa pinamunuan ng hari ng Suweko na si Gustav I ang Suwesya palabas ng unyon. Ang Dinamarka at Noruwega, gayundin ang Schleswig-Holstein, ay pinagsama noon hanggang 1814 bilang Dinamarka–Noruwega. Maraming digmaan sa pagitan ng mga bansa ang sumunod, na humubog sa modernong mga hangganan at humantong sa pagtatatag ng Imperyong Suweko noong ika-17 at unang bahagi ng ika-18 dantaon. Ang pinakahuling unyong Eskandinabo ay ang unyon sa pagitan ng Suwesya at Noruwega, na natapos noong 1905.
Sa modernong panahon, umunlad ang rehiyon, kasama ang mga ekonomiya ng mga bansa na kabilang sa pinakamalakas sa Europa. Pinapanatili ng Suwesya, Dinamarka, Noruwega, Islandiya, at Pinlandya ang lahat ng mga sistema ng kapakanan na itinuturing na mapagbigay, na ang mga patakarang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga bansa ay tinatawag na "modelong Nordiko".
Remove ads
Heograpiya

Ang heograpiya ng Eskandinabya ay lubhang iba-iba. Kapansin-pansin ang mga fjord o piyordong Noruwego, ang Bulubunduking Eskandinabya na sumasaklaw sa halos lahat ng Noruwega at bahagi ng Suwesya, ang patag at mababang lugar sa Dinamarka at ang mga kapuluan ng Pinlandya, Noruwega at Suwesya. Ang Pinlandya at Suwesya ay may maraming lawa at moraine o morrena, mga pamana ng panahon ng yelo, na natapos mga sampung milenyo na ang nakalipas.
Ang katimugang mga rehiyon ng Eskandinabya, na kung saan ang pinakamataong rehiyon din, ay may katamtamang klima.[10] Umaabot ang Eskandinabya sa hilaga ng Bilog ng Artiko, subalit may medyo banayad na panahon para sa latitud nito dahil sa Daloy ng Golpo. Marami sa mga bundok ng Eskandinabya ay may klimang tundrang alpino.
Remove ads
Mga wika
Dalawang pangkat ng wika ang magkasamang umiiral sa Tangway ng Eskandinabya mula noong sinaunang panahon—ang mga wikang Hilagang Alemanya (mga wikang Eskandinabo) at ang mga wikang Uraliko, Sámi at Pinlandes.[11]
Ekonomiya
Sinusukat sa bawat kapita GDP, ang mga bansang Nordiko ay kabilang sa pinakamayaman sa mundo.[12] Mayroong mapagbigay na sistema ng kapakanan sa Dinamarka, Pinlandya, Islandya, Noruwega at Suwesya.[13]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads