Sodium bicarbonate
kompuwestong kimikal From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang sodium bicarbonate (Espanyol: bicarbonato de sodio), na kilala rin bilang sodang panghurno (Ingles: baking soda), ay isang kompuwestong kimikal na may pormulang NaHCO3. Isa itong asin na binubuo ng sodyong kasyon (Na+) at bikarbonatong anyon (HCO3−). Isang puting solido ang sodium bicarbonate na malakristal, ngunit pinong pulbos ang kadalasang itsura nito. Mayroon itong bahagyang maalat, alkalinang lasa ng kahawig sa sodium carbonate. Nahcolite ang tawag sa anyong likas na mineral nito. Isa itong bahagi ng mineral na natron at masusumpungan ito na nakatunaw sa maraming bukal.[9]

Remove ads
Paggamit
Pagluluto
Pampaalsa
Sa pagluluto, pangunahing ginagamit ang sodang panghurno sa paghuhurno bilang pampaalsa. Kapag may reaksiyon ito sa asido, lumalabas ang carbon dioxide, kaya umaalsa ang batter at nabubuo ang kilalang tekstura at ligasgas sa mga cake, tinapay, at iba pang pagkaing inihuhurno at ipiniprito. Maaaring katawanin ang reaksiyong asido–base ng sumusunod:[10]
- NaHCO3 + H+ → Na+ + CO2 + H2O
Kabilang sa mga asidong materyales na nag-uudyok ng ganitong reaksiyon ang mga hydrogen phosphate, krema ng tartar, katas ng limon, yogurt, buttermilk, cocoa, at suka. Maaaring gamitin ang sodang panghurno sa maasidong sourdough, para gumaan ito at mabawasan ang maasidong lasa nito.[11]
Maaari ring pakilusin ng init mismo ang sodium bicarbonate bilang pampaalsa sa paghuhurno dahil sa dekomposisyong termal, at lumalabas ang carbon dioxide sa mga temperaturang higit sa 80 °C (180 °F), gaya ng sumusunod:[12]
- 2 NaHCO3 → Na2CO3 + H2O + CO2
Kapag ginamit sa ganitong paraan na mag-isa, nang walang maasidong sangkap (sa batter man o sa paggamit ng pulbos panghurno na may nilalamang asido), kahalati lamang ng CO2 ang lumalabas (isang molekula ng CO2 ang nabubuo sa bawat dalawang katumbas na NaHCO3). Bukod pa rito, sa kawalan ng asido, ang dekomposisyong termal ng sodium bicarbonate ay nagluluwal din ng sodium carbonate, na napakaalkalina at nagbibigay ng mapait at masabon na lasa at dilaw na kulay sa inihurnong produkto. Dahil mabagal ang reaksiyon sa temperatura ng silid, maaaring ipatayo ang mga halo (cake batter, atbp.) nang hindi umaalsa hanggang pinainit sa hurno.[kailangan ng sanggunian]
Pulbos panghurno
Naglalaman ang pulbos panghurno, na ibinebenta rin sa pagluluto, ng halos 30% ng bikarbonato, at iba't ibang maasidong sangkap na naaaktiba sa pagdagdag ng tubig nang hindi kailangan ng karagdagang asido sa pinaglulutuan.[13][14][15] Maraming anyo ng pulbos panghurno ang naglalaman ng sodium bicarbonate na pinagsama sa calcium acid phosphate, sodium aluminum phosphate, o krema ng tartar.[16] Alkalina ang sodang panghurno; hindi nagkakaroon ng lasang metal ang asido na ginagamit sa pulbos panghurno kapag naglilikha ng sodium carbonate ang kemikal na pagbabago sa paghuhurno.[17]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads