Super Bagyong Odette

From Wikipedia, the free encyclopedia

Super Bagyong Odette
Remove ads

Ang Super Bagyong Odette o (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Rai), ay isang malakas na bagyong dumaan sa gitna at timog Pilipinas, at ika-16 Disyembre ay umakyat sa kategoryang 5 at signal 4 ang unang bagyo sa buwan ng Disyembre at huling bagyo sa Pilipinas taong 2021, Ito ay namataan sa malayong bahaging direksyon sa silangan ng Mindanao sa layong 1,945 kilometro, na dumaan sa mga rehiyon ng Caraga, Kabisayaan at Palawan sa ikatlong linggo ng Disyembre, ayon sa ilang ahensya ng weather forecast na ito ay may tiyansang lumakas at maging isang ganap na typhoon category, At sakaling pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng PAGASA ito ay bibigyang pangalan na #OdettePH ang ika 15 na bagyong pumasok sa Pilipinas sa buwan ng Disyembre. [1][2][3]Disyembre 15 ng gabi ay pumasok sa PAR ang bagyong Odette na nasa layong 100 kilometro, kanluran-hilagang kanluran sa Palau, Ito ay kumikilos sa direksyon pa kanluran na tinahak ang mga isla ng Siargao, Dinagat at Grande sa lalawigan ng Surigao.[4][5]

Agarang impormasyon Matinding bagyo (JMA), Nabuo ...
Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Ang galaw ng Bagyong Odette (Rai)

ika Disyembre 10 kasalukuyan ay binabantayan ng PAGASA at ilang ahensya katuwang ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na ang sama ng panahon (LPA) ay inaasahang daraan sa Kabisayaan pagitang ng Hilagang Mindanao. Disyembre 12 isa ng Tropikal Depresyon ang sama ng panahon na binabantayan na may milyang layong 407 (754 km; 468 mi) timog silangan ng Estado ng Yap na may lakas ng hangin, 30 knots (10 minuto) at may bugso na 45 knots (85 km/h; 50 mph), ang sistema ay gumagalaw ng mabagal sa direksyon pa-kanluran.[6][7][8]

Thumb
Ang radar ng PAGASA na unang landfall sa isla ng Siargao

Mahigit 9 na beses nag landfall ang bagyong Odette, ng ika Disyembre 16-17 na nakaantas sa kategoryang 4 at nakataas sa signal 3 at 4, Naglandfall ang bagyo sa mga bayan ng Siargao Island, Surigao del Norte – 1:30 pm, Cagdianao, Dinagat Islands – 3:10 pm sa Caraga, Liloan, Southern Leyte – 4:50 pm, Padre Burgos, Southern Leyte – 5:40 pm, President Carlos P. Garcia, Bohol – 6:30 pm, Bien Unido, Bohol – 7:30 pm, Carcar, Cebu – 10 pm at sa La Libertad, Negros Oriental – 12 am sa Kabisayaan at Roxas, Palawan sa Mimaropa, Nagparamdam rin ang malalakas na ulan sa mga kalapit rehiyon ng Rehiyon ng Bicol, Calabarzon at Kalakhang Maynila.[9]

Remove ads

Banta

Itinaas ang Public Storm Warning Signal ng 3 at 4 sa buong Kabisayaan at Hilagang Mindanao dahil sa pagdaan ng bagyo, kinansela ang bawat pantalan na mula at galing sa Pantalan ng Batangas at Pantalan ng Maynila maging ang mga sasakyang paliparan sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila sa Pasay dahil sa sama ng panahon, Naggayak ang mga rehiyong susunod na tatamaan sa Kanlurang Kabisayaan, Negros Island Region at Palawan.[10]

Remove ads

Paghahanda

Pilipinas

Thumb
Ang bagyong Odette papasok sa Pilipinas.

Nagsasagawa ng agarang paghahanda, katuwang ang NDRRMC sa parating na bagyong Odette sa Rehiyon ng Caraga at ilang mga lalawigan sa Leyte sa Silangang Kabisayaan sa susunod na ikalawang linggo ng Disyembre ay inaasahang makakatanggap ng malakas na buhos ng ulan at malalakas bugso ng hangin, habang tatawirin nito ang buong Kabisayaan.[11][12][13]

Siyam na beses nag-landfall ang Super Bagyong Rai (Odette) sa mga bayan/lungsod sa Siargao, Gaggiano, Liloan, Padre Burgos, Pres. Carlos P. Garcia, Bien Unido, Carcar, Cebu, La Libertad, Negros Oriental at sa Roxas, Palawan.

Pinsala

Pilipinas

Thumb
Ang bagyong Rai (Odette) papasok sa Surigao del Norte at Dinagat Islands

.

Nagiwan ng malawakang pagkasira ang bagyo na nagdulot ng kawalan ng suplay ng ilaw (kuryente), tubig, pagkaputol ng komunikasyon (signal), sirang kabahayan, pagkatumba ng linya ng kuryente, nabuwal na mga puno, mataas at malawakang pagbaha at matataas na alon at daluyong unang naramdaman sa Surigao at Timog Leyte.

Binayo ng mahigit isang 1 araw ang Gitnang Pilipinas dahil sa banta ng bagyong Odette na nagbunga ng malawakang pinsala sa mga ari-arian at istraktura.

Remove ads

Pagbago ng pangalan

Ang Bagyong Nyatoh noong Disyembre 1 ay isang bagyo na naudlot bilang sa pagpangalan ng Odette, ito humapyaw sa bahaging PAR linya ng Pilipinas sa Karagatang Pasipiko at hindi tuluyang pumasok, ito ay kumilos sa direksyong hilagang silangan.

Typhoon Storm Warning Signal

Remove ads

Resulta

Thumb
Ang SARS-CoV-2 birus, Omicron variant

Nagsagawa ng force preemptive evacuations sa mga courts at plaza ukol sa bagyo at sa banta rin ng Omicron variant na sabay pumasok sa bansa; upang maiwasan ang hawaan ng birus paalala; pag-iingat at social distancing, nagbigay rin ng mga relief goods para mamamayan.[14]

Tingnan rin

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads