Tayabasing Tagalog
mga anyo ng Tagalog na pangunahing salitain ng mga katutubo sa Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Tayabas Tagalog (ᜆᜌᜊ ᜆᜄᜎᜓ), na kilala rin bilang Tayabasin (ᜆᜌᜊᜐᜒ), ay anyo ng Tagalog na pangunahing sinasalita ng mga Tagalog na katutubo sa Lalawigan ng Quezon (matandang Lalawigang Tayabas). Ang diyalektong ito ay luminang sa paglipas ng panahon at mayroong maraming natatanging mga salita at katangian na nahubog ng kasaysayan at pamanang kultura ng lalawigan.[1][2][3] Hindi tulad ng mas karaniwang Tagalog na sinasalita sa Maynila, ang Tayabasin ay nagtataglay pa rin ng maraming tradisyunal na elemento ng wika.[4] Gayundin, ang mga bayan sa loob ng lalawigan ay may kani-kaniyang mga baryasyon ng lokal na mga salita, na nagdadagdag sa wikaing pagkasari ng lugar. [5]
Remove ads
Pagpapangalan
Ang Tayabas Tagalog ay ipinangalan mula sa lumang pangalan ng Quezon, "Tayabas," at ang pangunahing wika na ginagamit sa lugar, "Tagalog." Si E. Arsenio Manuel, ang Dekano ng Antropologong Filipino, ay nagsagawa ng isang lexicograpikong pag-aaral sa diyalektong ito at tinawag itong Tayabas Tagalog. Bago pa man ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang terminong "Tayabasin" ay karaniwan nang ginagamit upang tukuyin ang diyalekto o ang mga tao ng lalawigan.[6][7][8]
Remove ads
Mga bokabularyong diyalektal
Ang Tayabas Tagalog ay nagtatampok ng libu-libong katutubong salita na wala sa Bulacan-Manila Tagalog, ayon sa dokumentasyon ng lexicograpikong pag-aaral ni Dr. E. Arsenio Manuel. [9] Karamihan sa bokabularyong diyalekto ng Tayabasin ay matatagpuan sa Vocabulario De Lengua Tagala, ang unang diksyunaryong Espanyol-Tagalog na isinulat noong 1613. Ibig sabihin nito, ang mga salitang napanatili sa Tayabas Tagalog ay ginagamit na bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas. Maraming lokal na manggagawang pangkultural (cultural workers) ang may koleksyon din ng mga salita mula sa kanilang mga bayan sa Quezon, na nagpapakita ng wikaing pagkasari sa lalawigan.[10]
Mga piling salitang Quezonin o Tayabasing Tagalog (Nakatuon sa salitang Lucenahin)[11][12][13]
Remove ads
Anyo ng panitikan
Ang salitang “awit” sa Tagalog ay pangunahing nangangahulugang “kanta.” Ito ay ginagamit bilang pangkalahatang termino para sa iba't ibang uri ng mga kanta. Sa Lalawigan ng Quezon, ang Tayabas "awit" ay natatangi dahil sa labindalawang pantig na mga berso at ang kaugnayan nito sa sayaw. Ito ay karaniwang ipinapakita sa mga pagtitipong panlipunan at mga selebrasyon, tulad ng kasalan at binyagan.[14]
Mga halimbawa ng sipi mula sa Tayabas Tagalog Awit Fragments 'Awit sa Pagpapatulog ng Bata.' Ang hele o oyayi na ito ay tradisyunal na inaawit upang patulugin ang mga bata sa pamamagitan ng banayad at nakakapagpakalma na himig nito.[15]
Naito na naman ang bangkang may kangkong,
Kasama si Neneng sa pagbabakasyon
Saya ay maskota, tapis at patadyong,
Baro, bitubito, panyong layronlayron.
Ikaw pala Neneng ay maraming damit
Purongpurong sutla habing kamarines;
Sino ang magdadala, sino ang magbibitbit?
Si Donya Mariya, anak ni Don Felis.
Pasilip na sipi mula sa "KAPAG NAIBIG at Iba pang mga Tula" ni Abel Cribe ng Mulanay, Quezon.[16]
Inayakap kami
ng maalinsangang hangin
habang inaawitan
ng nagambingang tubig-dagat
at buhangin sa aplayang
panakanakang inasabayan
ng mga ugong
ng sasakyang nagadinaan
sa aming likuran.
Mga kaugnay na pahina
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads