Tempeh

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tempeh
Remove ads

Ang tempeh ( /ˈtɛmp/; Javae: témpé, IPA: [tempe]) ay isang kinaugaliang produktong utaw (soy) na nagmumula sa Indonesya. Ginagawa ito sa pamamagitan ng isang likas na paglinang at kontroladong proseso ng pagbuburo na nagbibigkis ng mga balatong sa anyong keyk.[1] Bukod-tangi ang tempeh sa mga pangunahing kinaugaliang pagkaing balatong sa kadahilanang ito lamang ang hindi nangaling sa putaheng Gran Tsino.

Agarang impormasyon Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz), Enerhiya ...
Thumb
Sariwang tempeh sa pamilihan sa Jakarta. Sa kinaugalian, ang tempeh ay ibinabalot sa mga dahon ng saging.

Nagmula ito sa ngayo'y Indonesia, at sikat ito sa pulo ng Java, kung saan ito ay pangunahing pinagkukunan ng protina. Tulad ng tokwa, gawa ang tempeh sa mga balatong, subalit ito ay buong produktong balatong na may mga iba't-ibang katangiang nutrisyon at kalidad ng tekstura. Ang proseso ng pagbuburo nito at pagpapanatili buong butil ay nagbibigay ito ng mas-mataas na laman ng protina, hiblang diyetaryo, at mga bitamina. Mayroon itong matatag na tekstura at mala-lupang (earthy) lasa na nagiging mas-kapansin-pansin pagkatanda nito.[2][3] Dahil sa kahalagahang nutrisyon nito, ginagamit ang tempeh sa buong mundo sa putaheng behetaryano o putaheng makagulay, kung saan ginagamit ito bilang kapalit sa karne.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads