Templo Central

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Templo Central[2] (Ingles: Central Temple) ay ang pangunahing templo ng sektang Kristiyano na nakabase sa Pilipinas, ang Iglesia ni Cristo. Ito ay matatagpuan sa tabi ng Abenida Commonwealth sa Lungsod Quezon. Ito ay natapos maigawa noong ika-27 ng Hulyo 1984 at ito ang pinakamalaking lugar na pangpananampalataya sa bansa na may kapasidad ng mga 7,000 na katao.[3][4]

Agarang impormasyon Lokasyon, Bansa ...

Ito ay ipinagawa sa loob ng lupain ng Central Office ng INC, at ang templo ay napagawa pagkatapos ng labinlimang taon pagkatapos napagawa ang naturang tanggapan. Ito ay idinisenyo para ito ay makahawak ng 7,000 na mananamba, 3,000 katao ang makakpuno ng pangunahing bulwagan, at 1,900 sa bawat isa sa dalawang kapilya sa gilid. Ang unang palapag ay may sanktuwaryo na may pool na pang-binyag para sa 600 katao.[5]

Noong 2014, isang 20-toneladang pipe organ na may 3,162 na mga tubo na ipinadisenyo sa Amerikanong kompanya na A.E. Schlueter Pipe Organ Company, at ito ay naipainstalahan sa loob ng 14 na buwan para sa ika-30 anibersaryo ng Templo Central noong Hulyo 27. Ang organ ay unang naipatugtog para sa pagsambang ginanap noong ika-5 ng Hulyo 2014.[4]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads