Teresa ng Lisieux

From Wikipedia, the free encyclopedia

Teresa ng Lisieux
Remove ads

Si Santa Teresita ng Lisieux (2 Enero 1873 – 30 Setyembre 1897) (Pranses: Saint Thérèse de Lisieux) o mas nararapat bilang Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus at ng Banal na Mukha (Pranses:Sainte Thérèse de l'Enfant-Jésus et de la Sainte Face; Ingles: Saint Thérèse of the Child Jesus and of the Holy Face), ipinanganak bilang Marie-Françoise-Thérèse Martin, ay isang madreng Romano Katoliko ng mga Karmelita na nagdaan sa kanonisasyon ng pagka-santa, at kinikilala bilang isang Doktor ng Simbahan, isa lamang sa tatlong mga kababaihang nakatanggap ng ganitong karangalan. Tinatagurian din siya ng karamihan bilang Ang Munting Bulaklak ni Hesus.[2]

Agarang impormasyon Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, Birhen at Doktor ng Simbahan ...
Remove ads

Talambuhay

Isinilang si Santa Teresa ng Lisieux sa Alençon, Pransiya, babaeng anak nina Louis Martin, isang magrerelo, at Zélie-Marie Guérin isang taga-tahi ng mga puntas o tiras (lacemaker). Kapwa makapananampalataya ang kaniyang mga magulang. Tinangka ni Louis Martin na maging isang monghe, ngunit tinanggihan sapagkat hindi siya maalam sa wikang Latin. Tinanggihan naman si Zélie-Marie Guérin sa pagkamadre dahil itinuring siyang walang bokasyon; sa halip, hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng maraming mga anak at bayaan silang maging mga tanging-alay para sa Diyos. Nagkita sina Louis at Zélie noong 1858 at nagkaisang-dibdib tatlong buwan lamang pagkaraan. Nagkaroon sila ng siyam na mga anak, lima ang mga kababaihan rito - sina Marie, Pauline, Léonie, Céline at Thérèse — at lahat umaabot sa pagiging taong nasa hustong edad. Si Thérèse - o Teresa - ang kanilang pinakabunso. Namatay siya noong Setyembre 1897, sa gulang na 24.[3]

Remove ads

Bilang madre

Sa edad na 15, pumasok sa kumbento ng mga Karmelita si Teresa at naging isang kasaping madre, sa Lisieux, Pransiya. Sa pagtanggap ng relihiyosang pangalang Madre Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha (Ingles: Sister Therese of the Child Jesus and the Holy Face), namuhay siya sa nakakubling buhay ng pagdarasal. Nabiyayaan siya ng marangal na pagkakalapit sa Diyos. Bagaman dumaan sa pagkakaroon ng karamdaman at kadiliman sa buhay, nanatili siyang may pananalig na naka-ugat sa makapangyarihang pagmamahal ng Diyos.[3]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads