Ultrasonic Broadcasting System
Istasyon ng radyo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Ultrasonic Broadcasting System, Inc. (UBSI) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pag-aari ng SYSU Group of Companies ng pamilya Sy. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan sa buong bansa bilang Energy FM.
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ng pamilya Sy ang Ultrasonic Broadcasting System noong 1988 sa pagbili ng DWCJ mula sa Radio Inc.[1]
Noong 1996, kinuha ng UBSI ang konsultor sa radyo Manuelito "Manny" F. Luzon bilang pangkalahatang tagapamahala. Sa ilalim ng pamamahala ng Luzon, itinatag niya ang isang FM network na Energy FM. Una itong inilunsad sa Davao (88.3 FM), na sinundan ng isa pang istasyon sa Cebu (90.7 FM) at sa Naga (106.3 FM).
Noong 2003, inupa ng UBSI ang DWKY (91.5 FM) na nakabase sa Maynila at pagmamay-ari ng Mabuhay Broadcasting System, kung saan konsultor si Luzon ng nasabing kumpanya, at naging bahagi ito ng Energy FM.[2] Makalipas ang isang taon, noong 2004, ibinenta ng UBSI ang DWSS sa FBS Radio Network, kapalit ng mga himpilan nito sa Dagupan (90.3 FM) at Cebu (94.7 FM). [3]
Noong 2009, nanalo ang mga himpilan ng Energy FM sa 18th KBP Golden Dove Awards bilang Best FM Station of the year.
Noong 2011, isang taon pagkatapos noong umalis si Luzon sa kumpanya para maging bahagi ng PBC, lumipat ang Energy FM Manila sa 106.7 FM na dating bahagi ng Dream FM Network ni Tonyboy Cojuangco. Makalipas ng ilang buwan, binili ng UBSI ang himpilan.[4]
Mga Himpilan
Pinagmulan:[5]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads