Voltes V
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Chōdenji Machine Voltes V (Hapones: 超電磁マシーン ボルテスV Hepburn: Chōdenji Mashīn Borutesu Faibu, lit. sa Ingles bilang "Super Electromagnetic Machine Voltes V"), mas kilala bilang Voltes V (ang V ay binigbikas sa bilang Romano sa Ingles: Voltes Five), ay isang seryeng pantelebisyon na anime mula sa bansang Hapon na ginawa ng Toei Animation at Nippon Sunrise. Ito ang ikalawang serye ng Robot Romance Trilogy, na kinabibilangan din ng Chōdenji Robo Combattler V at Tōshō Daimos. Dinirehe ito ni Tadao Nagahama at si Yoshiyuki Tomino ang prodyuser. Unere ito sa TV Asahi mula Hunyo 4, 1977 hanggang Marso 25, 1978. Umiinog ang tema ng Voltes V sa rebelyon, partikular na katulad sa Rebolusyong Pranses at gayon din sa mga usaping panlipunan tulad ng pag-uuring panlipunan at diskriminasyon ng lahi.
Sa kabila ng katamtamang tagumpay, nakatanggap ang serye ng kahalagahang pangkalinangan dulot ng labis na kasikatan nito sa Pilipinas, Cuba at Indonesia. Sa Estados Unidos, ang super robot na ito kasama ang dalawa pang super robot ng trilogy ay lumabas noong dekada 1970 bilang bahagi ng mga linya ng laruan ng Mattel na Shogun Warriors.
Ang paparating na adaptasyong live-action na seryeng pantelebisyon mula sa Pilipinas ay lalabas sa 2020 na pinamagatang Voltes V: Legacy. Kasalukuyan itong nasa produksyon sa ilalim ng GMA Network at nasa direksyon ni Mark A. Reyes.[1]
Remove ads
Balangkas ng kuwento
Sa isang panahon sa hinaharap, sinakop ang Daigdig ng isang hukbo ng mga mukhang-taong may-sungay na dayuhang mula sa kalawakan na kilala bilang mga Boazanian na pangunahing kinakalaban ang bansang Hapon. Kung hindi dahil sa nataong paggawa sa huling pang-depensang robot, ang Voltes-V, nawasak sana ng tuluyan ang bansang Hapon. Sang-ayon sa kuwento, nilikha si Voltes V ng isang koponan na kabilang sina Dr. Ned Armstrong, Dr. Marianne Collins-Armstrong at dalawang katiwalang kasama, Dr. Richard Smith, at Dr. Hook. Magkakahiwalay na mga sasakyang ang robot ng Voltes V na nabubuo sa isang robot at pinipiloto nina Steve Armstong, Big Bert Armstrong, Little John Armstrong, Jaime Robinson, at Mark Gordon. Ama nina Steve, Big Bert at Little John si Dr. Ned Armstrong. Ama naman ni Jamie si Commander Robinson, ang Supreme Commander-General ng UN, samantalang isang cowboy na may talento si Mark na napasama sa serbisyo.
Ang Camp Big Falcon ang home base ng Voltes V, isang fortress na matatagpuan sa hugis-ibon na pulo na malapit sa pampang ng bansang Hapon. Ang mga kalaban ni Voltes V ay mga Boazanian na pinamumunuan ni Prince Zardoz at kanyang mga tagapayo na sina, Zandra, Draco, at Zuhl. Nakatuon ang kuwento sa paghahanap ng mga magkakapatid na Armstrong sa kanilang amang si Dr. Ned Armstrong. Habang sumusulong ang kuwento, dalawang pangunahing mga tauhan ang namatay, sina Dr. Smith at Zuhl. Napalitan sila ng dalawang bagong tauhan sina Dr. Hook at si Belgan. Nang matatapos na ang serye, napag-alaman ng mga magkakapatid ang kanilang naiibang pinanggalingan, na mga may lahing tao at lahing Boazanian sila. Naramdaman nila na dapat nilang bigyan pansin ito kung paano makakaapekto ito sa kanilang buhay sa gitna ng kanilang malalapit na kaibigan at mga kasama. Nalaman din nila na kapatid nila ang Boaznian na si Prince Zardoz sa unang asawa ni Dr. Ned Armstrong.
Remove ads
Mga tauhan
Remove ads
Awiting tema ng Voltes V (テーマ曲)
- Pagbungad na awit
- (オープニング テーマ)
- ボルテスVのうた」(Voltes V no Uta)
- Mitsuko Horie (堀江美都子), Koorogi '73 (こおろぎ'73) at Colombia Yurikago Kai (コロムビアゆりかご会)
- Pangwakas na awit
- (エンディング テーマ)
- 父をもとめて」(Chi Chi Wo Motomete/Tagalog; Ang Paghahanap Sa Ama/Ilokano; Ti Panagsapul Iti Ama/Sebwano; Ang Nasayran Sa Amahan/Hiligaynon; Ang Pangitaon Sa Amay; El Quiere Yo Tata/Chabacano)
- Ichiro Mizuki (水木一郎) at Koorogi 73 (こおろぎ'73)
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads