Wikang Yue

From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Yue
Remove ads

Ang Wikang Yue o Yueh (Ingles na pagbigkas: /ˈjuː/ or /juːˈ/)[2] ay isang pangunahing sangay ng Tsino na ginagamit sa Timog Tsina, lalo na sa mga lalawigan ng Guangdong at Guangxi.

Agarang impormasyon Yue, Katutubo sa ...
Agarang impormasyon Yue / Kantones ...

Ang pangalang Kantones karalasang ginagamit para sa buong sangay, ngunit pinili ng mga dalubwika na ilaan ang pangalang iyon para sa mga baryante ng Guangzhou (Kanton) at Hong Kong, na siyang wikaing prestihiyo.

Ginagamit ang Kantones at Taishanes ng marami-raming populasyon ng mga Tsinong nasa ibayong-dagat sa Timog-Silangang Asya, Awstralya at Hilagang Amerika, lalo na rin sa naging bunga ng maramihang pag-iibayong-dagat mula sa Hong Kong.

Hindi mutuwal na intelihible ang mga wikaing Yue sa ibang baryante ng Tsino.[3] Sila ang ilan sa mga konserbatibong baryante na mayroong pagpapanatili ng panghuling katinig mga mga kategoryang pangtono ng Gitnang Tsino, ngunit nawalan ng maraming pagkakatangi ng pang-unahan at pang-gitnang mga katinig na napanatili ng ibang baryante ng Tsino.

Remove ads

Pangalan

Ang prototipikal na paggamit ng pangalang Kantones (Cantonese sa Ingles) ay para sa wikaing Guangzhou (Kanton) ng Yue,[4] ngunit karaniwan iyon na ginagamit para sa Yue sa kabuuan. Upang maiwasan ang pagkalito, maaaring ipangtawag sa mga tekstong akademiko ang pangunahing sangay ng Tsino na "Yue",[5][6] kasunod ng baybaying Pinyin ng Mandarin, at maaaring bigyang-restriksyon ang "Kantones" sa pangkaraniwang paggamit bilang diyalekto ng Guangzhou, o iwasan naman ang katagang "Kantones" sa kabuuan at bigyang-kilanlan ang Yue mula sa diyalektong Kanton o Guangzhou.

Remove ads

Tingnan din

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads