Wikang walang kasarian
wika na walang gramatikal na kasarian From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang wikang walang kasarian (Ingles: genderless language) ay uri ng wika na walang gramatikal na kasarian. Nangangahulugan ito na walang kinakailangang pag-aayon sa kasarian sa pagitan ng mga pangngalan at mga kaugnay na panghalip, pang-uri, artikulo, o pandiwa. Halimbawa, hindi kailangang tukuyin kung ang isang bagay ay panlalaki o pambabae sa paggamit ng wika, na nagpapagaan sa usapin ng neutralidad sa kasarian.[1]
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Ang wikang walang kasarian at wikang neutral sa kasarian ay dalawang magkaibang konsepto sa pag-aaral ng wika. Ang wikang walang kasarian ay tumutukoy sa mga wika na likas na walang kasarian ang mga salita, tulad ng Tagalog na parehong ginagamit ang "siya" para sa lalaki at babae. Samantalang ang wikang neutral sa kasarian ay sadyang binabago o pinipiling paraan ng paggamit ng wika upang maiwasan ang pagtukoy sa kasarian, halimbawa sa Ingles, imbes na gumamit ng "policeman" ay mas pinipili ang "police officer" upang hindi ito limitado sa lalaki o babae. Ang talakayan sa isang wikang walang kasarian ay hindi kailangang maging neutral sa kasarian (bagamat ang mga wikang walang kasarian ay naglilimita sa mga posibilidad na mapalakas ang mga estereotipo na may kaugnayan sa kasarian); gayundin, ang isang talakayang neutral sa kasarian ay hindi kailangang maganap sa isang wikang walang kasarian.
Ang mga wikang walang kasarian ay may iba't ibang paraan upang makilala ang natural na kasarian. Kabilang dito ang mga salitang partikular sa kasarian, tulad sa Ingles na mother, son, at iba pa; mga natatanging panghalip, gaya ng she at he sa ilang pagkakataon; gayundin ang konteksto na nauugnay sa kasarian, maaaring biyolohikal o kultural.
Kasama sa mga wikang walang kasarian ang lahat ng mga wikang Kartvelian (kabilang ang Heorhiyano), ilang wikang Indo-Europeo (gaya ng Ingles - kahit na pinapanatili ang mga panghalip na may kasarian, Bengali, Persiano, Sorani Kurdish at Armenyo), lahat ng wikang Uralic (gaya ng Hungarian, Filandes at Estonyo), lahat ng modernong wikang Turkic (gaya ng, Koreano, Turko at Ka, Tatar), Japanese, karamihan sa mga wikang Austronesio (tulad ng mga wikang Polynesio), ilang wikang katutubo ng Americas (gaya ng Cherokee), at Vietnamese.
Remove ads
Sa wikang Tagalog
Ang Tagalog ay isang wikang walang gramatikal na kasarian, at ang katangiang ito ay likas sa wika at hindi resulta ng sadyang pagbabago o pagtatakda upang maging neutral sa kasarian. Sa kasaysayan, ang kawalan ng kasarian ay karaniwan sa mga wikang Austronesyan, na kinabibilangan ng Tagalog.
Sa estruktura ng Tagalog, hindi kinakailangang tukuyin ang kasarian ng mga pangngalan, panghalip, pang-uri, o pandiwa. Ang mga kasariang panlalaki, pambabae, at walang kasarian sa Ingles ay walang katumbas sa wikang Tagalog. Lahat ng pangngalan sa Tagalog ay walang gramatikal na kasarian. Makikita ito paggamit ng ikatlong panauhang panghalip, kagaya ng "siya" na ginagamit para sa parehong "he" at "she" sa Ingles, at maging sa "it" sa ilang pagkakataon na tumutukoy sa pangngalan na walang kasarian.[2]
Halimbawa:
Tagalog: Siya ay maganda. (Maaaring tumukoy sa lalaki/babae)
Ingles: He is handsome. / She is beautiful. (May partikular na kasarian sa panghalip.)
Espanyol: Ella es bonita. / Él es bonito. (May gramatikal na kasarian sa panghalip at pang-uri.)
Likas na Kasarian
Ang likas na kasarian (natural gender) ay hindi tinutukoy ng anumang partikular na anyo o marka ng salita sa Tagalog.
Mga Halimbawa:
- Laláki ang amá
- Espanyol: El padre es hombre.
- Babáe ang iná
- Espanyol: La madre es mujer.
- Magandang dalaga
- Espanyol: Bonita/guapa muchacha.
- Magandang binata
- Espanyol: Bonito/guapo muchacho.
- Magandang diwa
- Espanyol: Bonita idea.
Ipinapakita dito na ang kasarian ay likas na ipinapahiwatig ng kahulugan ng salita, at hindi ng anyo nito. Kagaya ng pang-uri na "maganda" na hindi nagbabago kahit ano pa ang kasarian ng tinutukoy-pareho ito para sa dalaga, binata, at diwa. Sa Espanyol, ang pang-uri ay nagbabago depende sa kasarian ng pangngalan: "bonita" para sa pambabae (muchacha, idea), "guapo"o "bonito" para sa panlalaki (muchacho, padre). Ipinapakita nito na may gramatikal na kasarian ang Espanyol, samantalang likas o natural lamang ang kasarian sa Tagalog at hindi nakikita sa anyo ng salita.
Pagsasatukoy ng Kasarian
Upang matukoy ang kasarian, nilalagay ang salitang “laláki” o “babáe” pagkatapos o bago ang pangngalan, na may kasamang pang-ugnay (katulad ng “na” o “-ng”) sa pagitan.
Halimbawa:
- "Kapatid na babae"/"Kapatid na lalaki"
- "Batang babae"/"Batang lalaki"
- "Babaeng kalabaw"/ "Lalaking kalabaw"
- "Halamang babae"/"Halamang lalaki"
Ginagamit ito upang maging tiyak kung ang tinutukoy ay lalaki o babae, lalo na sa mga salitang walang tiyak na kasarian sa orihinal na anyo.
Konteksto
Dahil ang Tagalog ay isang "wikang walang kasarian," hindi awtomatiko o kusang nalalaman kung lalaki o babae ang tinutukoy ng isang salita, maliban na lang kung malinaw sa konteksto o may karagdagang salita na nagsasaad ng kasarian.
Halimbawa
- Gatas ng kalabaw
- Sa Tagalog, kapag sinabing "gatas ng kalabaw," nangangahulugan itong gatas ng babaeng kalabaw, dahil babaeng kalabaw lang ang nagkakagatas.
- Itlog ng manok
- Sa Tagalog, ang "itlog ng manok" ay nangangahulugang itlog ng inahing manok (babae), dahil ang lalaking manok (tandang) ay hindi nangingitlog.
- Binuntisan ako ng asawa ko
- Sa ganitong pahayag sa Tagalog, kusang nauunawaan na babae ang nagsasalita at lalaki ang tinutukoy na asawa dahil ang salitang "binuntisan" ay nangangahulugang nabuntis, na tanging sa babae lamang maaaring mangyari.
Remove ads
Ugnayang pangwika
Sa pamamagitan ng ugnayang pangwika, ang ilang salita na orihinal na bahagi ng wikang walang kasarian ay nagkakaroon ng gramatikal na kasarian.
May dalawang pangunahing paraan kung paano inuri ng mga lingguwista ang prosesong ito: Una, ang ugnayang pangwika ay direktang nakaapekto sa isang wika kahit walang hiniram na salita. At pangalwa, ang proseso ay nagaganap sa konteksto ng mga hiniram o inangkat na salita mula sa ibang wika.
Ayon sa isang pag-aaral sa 256 na wika sa buong mundo, 44% sa mga ito ay may gramatikal na kasarian, habang 56% ay walang kasarian.[3] Dahil magkakalapit ang mga pinag-aralang wika, malaki ang posibilidad na naimpluwensiyahan ng isang wika ang iba pa. Halimbawa, ang wikang Basque na itinuturing na walang kasarian ay naapektuhan ng sistemang pangkasarian na pambabae at panlalaki ng wikang Espanyol.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads