Yu Aoi

From Wikipedia, the free encyclopedia

Yu Aoi
Remove ads

Si Yu Aoi (Hapon: 蒼井 優, Hepburn: Aoi Yū, ipinanganak noong 17 Agosto 1985) ay isang Aktres at modelo sa Hapon. Nag-debut siya sa sining larangan pang pelikula bilang si Shiori Tsuda sa 2001 na pelikula ni Shunji Iwai na All About Lily Chou-Chou, at muli bilang si Tetsuko Arisugawa sa Hana and Alice (2004), sa direksyon din ni Iwai, at bilang si Kimiko Tanigawa sa hula dancing film na Hula Girls at bilang si Hagumi Hanamoto sa 2006 live-action adaptasyon ng Honey and Clover na manga series.

Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Aoi.
Agarang impormasyon Yū Aoi, Kapanganakan ...

Nanalo siya ng maraming parangal para sa kanyang mga pagtatanghal pelikula, kabilang ang Japan Academy Prize at Kinema Junpo Awards para sa pinakamahusay na sumusuporta na aktres noong 2007 para sa Hula Girls at Rookie of the Year para sa patuloy na pagtatanghal sa larangan ng mga Pelikula sa Medya at fine arts ng Ministri ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at teknolohiya ng bansang Hapon noong 2009.[2]

Remove ads

Talambuhay

Si Yu Aoi ay ipinanganak noong Agosto 17, 1985 sa Prepektura ng Fukuoka, Hapon. Lumipat siya sa Tokyo noong junior haiskul at nanirahan sa Kasai, Edogawa ward.[3]

Karera

Simula ng karera

Nag-debute si Yu Aoi sa intablado (sa Teatro) bilang si Polly, isang pagsasalin ng 1999 na pelikulang Annie, na sinundan ng kanyang paglabas bilang regular sa TV Tokyo Oha Suta (The Super Kids Station) noong 2000. Makalipas nang isang taon, nag-debut siya sa All About Lily Chou-Chou ni Direktor Shunji Iwai, bilang si Shiori Tsuda kasama sina Hayato Ichihara, Shugo Oshinari, Miwako Ichikawa, at Ayumi Ito. Si Aoi ay kalaunan naka pagtatrabaho sa Ao kina Shiro de Mizuiro at Gaichu kasama ang kaibigan na si Aoi Miyazaki. Sa kanyang mga unang tungkulin sa maliit at malaking screen ay dumating ang mga patalastas sa telebisyon at pag-endorso para sa Sony, Yamaha, DoCoMo, Toshiba at Coca-Cola.

Noong 2003, bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng Kit Kat sa Japan, nag-shoot si Shunji Iwai ng isang serye ng mga maiikling pelikula na pinagbibidahan nina Yu Aoi at Anne Suzuki, na kalaunan ay pinalawak sa tampok na pelikulang tinatawag na Hana & Alice, na nakakuha kay Aoi ng Best Actress award sa Japanese Professional Movie Award.[4]

2005–2007

Noong 2005, ginampanan ni Aoi ang pangunahing papel sa pelikulang Letters from Kanai Nirai, na ibinebenta sa Timog Korea na may kahaliling pamagat na Aoi Yu's Letter dahil sa kanyang kasikatan doon. Nagkaroon din siya ng mga pansuportang papel sa pelikula ni Satoshi Miki na Turtles Swim Faster than Expected na pinagbibidahan ni Juri Ueno, at Yamato kasama sina Shido Nakamura at Kenichi Matsuyama, ang pansuportang papel sa ikalawang nabanggit na pelikula ay makakakuha sa kanya ng isa sa kanyang double-nomination bilang Mahusay na Sumusuportang Aktres sa 2007 Japanese Academy Award.[5] Nanalo siya laban sa kanyang sarili para sa kanyang pagganap bilang si Kimiko Tanikawa sa Japanese hit na Hula Girls, na ipinadala sa Academy Awards bilang ang opisyal Japanese selection noong taong iyon.

Hanggang ngayon, ang kanyang tungkulin bilang hula dancing girl mula sa maliit na bayan ng Iwaki ay nananatiling pinakamatagumpay niyang tungkulin, na nakakuha sa kanya ng isang dosenang mga parangal bilang Best Actress at Best Supporting Actress,[6] kasama ng iba pa niyang mas maliliit na tungkulin noong taong iyon bilang Hagu sa Honey & Clover, at Kana Sato sa produksyon ni Shunji Iwai at idinerkta ni Nirai-Kanai na direktor ng Rainbow Song. Ipinahiramam din ni Aoi ang kanyang boses upang gumanap bilang Shiro sa animated na pelikulang Tekkon Kinkreet, ang adaptasyon sa Taiyō Matsumoto na manga, Black and White, sa direksyon ni Michael Arias.

Sa mga taong iyon, gumawa siya ng mga komersyal para sa Nintendo, Canon, Shiseido Cosmetics [en], Shueisha Publishing [en], Kirin Beverage [en] at patuloy na nag-endorso sa DoCoMo. Naglabas din si Aoi ng dalawang photobook kasama si Yoko Takahashi bilang potograpo, at ipinamahagi ng Rockin'on: Travel Sand noong 2005 at Dandelion noong 2007.

Noong 2007, lumahok siya sa live-action na adaptasyon ng manga series na Mushishi kasama si Joe Odagiri, pati na rin ang WOWOW's Don't Laugh at My Romance, Welcome to the Quiet Room kasama si Yuki Uchida, at bumalik sa entablado (Teatro) para gumanap bilang Desdemona sa pagsasalin ng drama na Othello ni Shakespeare. Para sa dalawang panghuli na pelikula, nagbawas ng timbang si Aoi ng 7 kg para sa kanyang tungkulin bilang si Miki, isang may eating disorder na pasyente.

2008–kasalukuyan

Thumb
Yu Aoi sa LG exhibition fair noong 2009

Nagsimula si Aoi noong 2008 sa pagpapalabas ng Don't Laugh at My Romance, na nakakuha sa kanya ng nominasyon bilang Best Supporting Actress sa Asian Film Awards noong 2009. Lumabas siya sa eksperimental na drama na Camouflage (aka. Aoi Yu x 4 Lies), kung saan nakipagtulungan siya sa apat na magkakaibang direktor na magsalikisik sa tema ng kasinungalingan. Ang serye ay tumagal ng 12 na kabanata, at kasama ang ibang aktor na sina Ryō Kase, Yoichi Nukumizu, Shoko Ikezu, Nobuhiro Yamashita, at Yuki Tanada.

Makalipas ang ilang buwan, nilagdaan ng NTV si Aoi upang gumanap bilang bida na si Handa Sen sa live-action na adaptasyon ng manga series ni Shota Kikuchi na Osen, ito ang kanyang unang pang telebisyon na serye, na ipinalabas hanggang sa katapusan ng Hunyo na may sampung kabanata.

Sumunod, bumida si Aoi sa One Million Yen Girl na isinulat at idinirek ni Yuki Tanada (direktor din ng Camouflage), na inilabas din ng WOWOW. Ito ang kanyang pinakabagong nangungunang papel sa pelikula mula noong Nirai Kanai noong 2005. Saglit siyang lumahok sa Japanese World-War-II-jury-themed film na Best Wishes for Tomorrow, gayundin ang internasyonal na Tokyo! - isang koleksyon ng tatlong maikling pelikula nina Michel Gondry, Leos Carax, at Bong Joon Ho.

Thumb
Si Aoi tumanggap ng Minister's award na Newcomer Award sa kategoryang Drama

Noong 2009, pinangalanan ng Ministri ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at Teknolohiya ng bansang Hapon si Yū Aoi bilang Rookie of the Year sa larangan ng Films in Media and Fine Arts, na binanggit ang kanyang trabaho sa kanyang debute sa pelikula na All About Lily Chou Chou, hanggang ang kanyang trabaho sa One Million Yen Girl. Sa huling bahagi ng taong iyon, ibinigay ni Aoi ang boses ni Ikechan sa pelikulang Ikechan and Me, isang live-action adaptation ng larawan na libro may parehong pangalan ni Rieko Saibara, pati na rin ang pagganap ng mga sumusuportang papel sa Honokaa Boy at Ototo ni Yoji Yamada. Nang sumunod na taon, gumanap si Aoi sa pelikula ni Ryūichi Hiroki noong 2010 na The Lightning Tree.[7] Nang maglaon ay lumabas siya sa Vampire,[8] Rurouni Kenshin,[9] at ang 2012 telebisyon na drama Penance ni Kiyoshi Kurosawa.[10]

Remove ads

Pansariling buhay

Ikinasal si Aoi sa komedyante na si Ryota Yamasato noong Hunyo 3, 2019.[11] Noong Pebrero 10, 2022, inanunsyo nila na siya ay buntis sa kanilang unang anak.[12] Noong Agosto 10, 2022, inihayag ni Yamasato na ipinanganak ni Aoi ang kanilang unang anak, isang babae.[13]

Pilmograpiya

Pelikula

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...

Telebisyon

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...

Stage

  • Zipang Punk: Goemon Rock III (2014), Silver Cat Eyes
Remove ads

Mga Parangal

Karagdagang impormasyon Taon, Award ...
Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads