Zeya, Rusya

From Wikipedia, the free encyclopedia

Zeya, Rusyamap
Remove ads

Ang Zeya (Ruso: Зе́я) ay isang lungsod sa Amur Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Zeya River (isang sangang-ilog ng Amur) sa layong 230 kilometro (140 milya) timog-silangan ng Tynda at 532 kilometro (331 milya) hilaga ng Blagoveshchensk. Ang populasyon nito ay 24,986 na katao noong 2010.[2]

Agarang impormasyon Zeya Зея, Bansa ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ito noong 1879 bilang pamayanan ng Zeysky Sklad (Зе́йский Склад, literal na bodega ng Zeya), bilang sentro ng panustós at administratibo para sa bagong-tuklas na mga deposito ng ginto sa limasan ng Ilog Zeya. Pagsapit ng 1906, lumago ang pamayanan na may higit sa 5,000 katao, at ginawaran ito ng katayuang panlungsod sa ilalim ng pangalang Zeya-Pristan (Зе́я-При́стань, literal na Pantalan ng Zeya). Noong 1913, pinaikli ang pangalan sa Zeya.

Nanatiling isa sa pinakamahalagang mga sentro ng pagmimina ng ginto sa Rusya ang Zeya, hanggang sa pagbubukas ng rehiyong Kolyma noong dekada-1930.

Ang pagtatyo ng Saplad ng Zeya, simula noong 1964, ay nagbunsod sa panibagong paglago ng lungsod.

Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Ekonomiya

Pangunahing sektor ng ekonomiya sa lungsod ang Saplad ng Zeya. Ginagawa rin sa lugar ang panggugubat, pagmimina ng ginto, at pagsasaka.

Klima

Nakararanas ang Zeya ng mahalumigmig na klimang pangkontinente (Köppen climate classification Dwb) na naiimpluwensiyahan ng balaklaot, kalakip ng napakaginaw at tigang na mga taglamig at mainit ngunit maigsing mga tag-init.

Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Zeya, Buwan ...
Remove ads

Mga kapatid na lungsod

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads