From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng New York (Ingles: New York University o NYU) ay isang pribado, nonprofit, at nonsectarian na unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa Lungsod ng New York.[1][2][3] Itinatag noong 1831, ang NYU ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensya sa mundo at nangungunang unibersidad sa pananaliksik.[4][5] Ang mga pagraranggo ng unibersidad tulad ng U.S. News & World Report, Times Higher Education, at Academic Ranking of World Universities ay nagtala sa NYU bilang isa sa mga 32 nangungunang unibersidad sa mundo.[6][7][8] Ang NYU ay organisado sa higit 20 paaralan, kolehiyo, at instituto,[9] na matatagpuan sa anim na mga sentro sa buong Manhattan at Downtown Brooklyn. Ang NYU main campus ay matatagpuan sa Greenwich Village sa Lower Manhattan na may mga instituto at sentro sa Upper East Side, pang-akademikong mga gusali at dormitoryo sa Wall Street, at sa Brooklyn campus naman ay matatagpuan sa MetroTech Center sa Downtown Brooklyn.[10] Ang unibersidad ay nagtatag din ng mga sangay na kampus: ang NYU Abu Dhabi, NYU Shanghai at nagpapanatili ng 11 iba pang mga Pandaigdigang Akademikong Sentro sa Accra, Berlin, Buenos Aires, Florence, London, Madrid, Paris, Prague, Sydney, Tel Aviv; at Washington, D.C.[11] Ang NYU ay may humigit-kumulang 25,500 undergraduate at 24,000 post-graduate na mga mag-aaral mula sa malawak na baryedad ng relihiyon, etnisidad, at pinanggalingang heograpiko, kabilang ang 183 banyagang bansa.[12]
Ang NYU ay inihalal sa Association of American Universities noong 1950.[13] Ang NYU ang tahanan ng 35 Nobel Prize winners, 4 Turing Award winners, 4 Fields Medal winners, higit sa 30 National Medals for Science, Technology and Innovation, Arts and Humanities recipients, higit sa 30 Pulitzer Prize winners, higit sa 30 Academy Award winners, ilang nagwagi ng Russ Prize, Gordon Prize, Draper Prize, at Wolf Prize, at maraming nagwagi ng Emmy, Grammy, Lasker at Tony Award, maraming MacArthur, Sloan at Guggenheim Fellowship holders, at daan-daang miyembro ng National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine at American Academy of Arts and Sciences mula sa kaguruan at alumni ng unibersidad.[14][15][16][17]
Ang NYU ang tagapagtatag na kasapi ng League of World Universities, isang internasyonal na organisasyon na binubuo ng mga rektor at pangulo mula sa mga unibersidad na urban sa anim na kontinente.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.