Amazonia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Amazonia, kilala rin bilang ang Amazon rainforest sa Ingles (literal na salin: maulang gubat ng Amasona), ay isang maulang gubat sa Timog Amerika na sumasakop sa kuwengka (basin)[1] ng Ilog Amasona. Ito ay ang pinakamalawak na maulang gubat sa buong mundo.[2][3][4] Siyam na mga bansa ang may teritoryo sa gubat: Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, French Guiana, Guyana, Peru, Suriname, at Venezuela; sa mga ito, ang Brazil ang may pinakamalaking bahagi ng gubat.[2][5] Mataas ang biyodibersidad sa Amazonia. Mahalaga rin ang Amazonia sa pagkontrol sa mga lebel ng carbon dioxide sa mundo, at karaniwang tinatawag ang gubat bilang "ang mga baga ng Daigdig".[6][7]

Kasama ang deporestasyon at mga sunog sa mga pangunahing panganib sa Amazonia.[6][8]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads