Anito

mga dewëta sa mga katutubong kosmolohiya ng Filipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Anito
Remove ads

Anito, o anitu, ay tumutukoy sa mga inukit na pigurang kahugis-tao na gawa sa kahoy, bato, o garing,[1] na kumakatawan sa mga kaluluwa ng mga ninuno[2] na sinasamba bilang mga diyos-diyosan ng tahanan na nagbibigay-sangga.[3][4] Tumutukoy rin ito sa mga kaluluwa ng ninuno, mga demonyo at masasamang kaluluwa.[5][6]

Thumb
Mga Igorot na bulul na naglalarawan ng mga espiritu ng ninuno (s. 1900)

Ang Anito, o Anitu sa mitolohiyang Pilipino, ay tumutukoy sa mga kaluluwa ng mga ninuno, kaluluwa ng mga yumao, masasamang kaluluwa,[5][7] at mga kahoy na idolo na kumakatawan o nagsisilbing tahanan ng mga ito. Sa kabilang banda, sa konteksto ng katutubong pananampalataya, ang Anito ay may mas malawak na kahulugan. Tumutukoy ito sa mga espiritu ng ninuno,[5] na sinasamba sa katutubong relihiyon ng mga Pilipino mula noong panahon bago dumating ang mga kolonyalista hanggang sa kasalukuyan. Ang partikular na interpretasyon ng kataga ay nagkakaiba-iba depende sa pangkat etniko.[1][8][9]

Anito ang tawag sa mga inukit at rebulto na mala-tao, ang tao-tao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga kaluluwang ito.[1][2].[10]

Tumutukoy ang pag-anito o pag-aanito sa pakikipag-usap sa mga kaluluwa, at sa mga kaluluwa ng yumao[1] na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Pag-diwata o paniniwata ang pagpupugay sa mga kaluluwa ng kalikasan, mga bathala, at mga diwata.[1][11][12]

Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar.[2] Ang paniniwala sa "anito" ay minsang tinatawag na Anitismo sa mga akdang pang-agham na literal na nangangahulugang paggalang sa mga espiritu ng mga yumao.[13][14][15] Ang salitang anitismo o pagsamba sa mga ninuno mula sa anyong Hispano-Filipino na anitismo,[16] bagama't hindi na ginagamit sa kasalukuyan, ay isang sistemang paniniwala ng mga Tagalog bago dumating ang mga kolonisador, isang patuloy na pag-anyaya at pagsamba sa mga anito, ang mga kaluluwa o espiritu ng kanilang mga ninuno. Mula sa orihinal na kahulugang "espiritu ng mga ninuno".[17]

Ang mga sinaunang Tagalog ay naniniwala sa Anito, mga espiritu o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Iginagalang at sinasamba nila ang mga ito sa araw-araw, lalo na ang mga espiritu ng mga magulang at mga lolo’t lola na pumanaw na. Ang mga espiritu ng ninuno ay kadalasang inilalarawan gamit ang maliliit na idolo na itinatago sa mga bahay, minsan ay yari sa ginto at hugis hayop tulad ng buwaya.[18][19]Ang mga anito ay hindi lamang mula sa bahay. Mayroon ding mga anito na pinaniniwalaang naninirahan sa mga bundok, kagubatan, at mga palayan. Karaniwan, ito ay mga kaluluwa ng mga sinaunang mandirigma o mga naunang naninirahan sa lupaing iyon. Naniniwala ang mga Tagalog na ang mga kaluluwang ito ay maaring magbigay sangga o magdulot ng kapahamakan, kaya’t iginagalang nila ito.[18][19][20][21]Hindi tulad ng ibang kalapit na kagawian na sumasamba sa maraming diyos at espiritu nang hindi gumagawa ng mga idolo, ang mga Tagalog ay gumawa lamang ng pisikal na representasyon para sa ilang mga anito, karaniwan ang mga kaugnay sa sambahayan. Iba’t ibang ibayo at pangkat ang may kani-kaniyang pangalan para sa mga kaluluwa. Habang tinatawag ng mga Tagalog itong anito, may ibang pangalan din tulad ng nitu, aitu, o hantu. Ipinapakita nito kung gaano kalaganap at kalalim ang paniniwala sa mga kaluluwa ng ninuno sa buong Timog-Silangang Asya.[18][22][23]

Remove ads

Mga bathala sa sinaunang katutubong paniniwala sa mga pangkat-etniko

Tagalog: Ang mga katutubong relihiyon sa Pilipinas ay ang mga sinaunang paniniwala at kaugalian ng iba’t ibang etnikong grupo sa bansa. Karamihan sa kanila ay naniniwala sa animismo, kung saan pinaniniwalaan na ang lahat ng bagay tao, hayop, halaman, at kalikasan ay may diwa, kaluluwa, o espiritu.[24] [25][26][11]

Sa mga relihiyong ito, may dalawang pangunahing uri ng espiritu:

Diwata – ito ang tawag sa mga bathala, diyos, at mga espiritu ng kalikasan.

Anito – ito naman ang mga kahoy na estatwa at espiritu o kaluluwa ng mga yumao, lalo na ng mga bayani at ninuno.

Karaniwan, ang mga kwento at aral ng mga katutubong relihiyon ay ipinapasa sa pamamagitan ng pasalita o mga kuwentong binibigkas at isinasaulo ng matatanda at ipinamamana sa kabataan. Subalit, may mga pangkat na nagsusulat din ng kanilang paniniwala sa mga dahon, kawayan, at iba pang materyales gamit ang lokal na sistema ng pagsulat gaya ng matatalim na bakal.[24] [25] [26] [11]


Remove ads

Mga kaluluwa

Thumb
Ang tapayang libingan ng Manunggul mula sa mga yungib ng Tabon sa Palawan ay nagpapakita ng isang kaluluwa at isang espiritung gabay na naglalakbay patungo sa daigdig ng mga espiritu gamit ang bangka (c. 890–710 BCE)
Thumb
mga kahoy na anito binenenta sa isla ng Siquijor

Ang mga sinaunang Pilipino ay animistiko. Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay may espiritu—mula sa mga bato at puno hanggang sa mga hayop, tao, at likas na mga pangyayari.[27] Ang mga espiritung ito ay sama-samang tinatawag na diwa at sa mga kaluluwa ng mga namatay na tinatawag na anito, na nagmula sa Proto-Malayo-Polynesian qanitu at Proto-Austronesian qaNiCu ("espiritu ng namatay"). Mayroon itong mga katumbas sa iba pang kultura ng mga Austronesian, tulad ng aniti sa Micronesia, hantu o antu sa Malaysia at Indonesia, nitu sa Nage, at atua at aitu sa Polynesia. Mayroon ding kaugnay na termino sa Tao (anito), Taivoan (alid), Seediq at Atayal (utux), Bunun (hanitu o hanidu), at Tsou (hicu) sa mga katutubong pangkat sa Taiwan.[28][29] Ang anito ay maaaring mahati sa dalawang pangunahing kategorya: ang mga espiritu ng mga ninuno (anito ninuno) at ang mga diyos at espiritu ng kalikasan (diwata).[5][30][31]

Anito – Mga kaluluwa ng ninuno

Thumb
Igorot hipagmga anitong ninuno, mga espirtu ng mandirigma (c.1900)
Thumb
Ifugao hogang sa Banaue Rice Terraces, Anitong tanod na gawa sa Tibanglan o tree fern ang pinatuyong balat nito nilalagay sa mga daan tanda ng prokesyon

Ang ninunò ("anito ninuno") ay maaaring espiritu ng tunay na mga ninuno, mga bayani ng kultura, o pangkalahatang mga espiritu ng tagapangalaga ng isang pamilya. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na kapag namatay ang isang tao, ang kanyang "malayang" kaluluwa (Bisaya: kalag; Tagalog: kaluluwa) ay naglalakbay patungo sa daigdig ng mga espiritu, kadalasang tinatawid ang isang karagatan gamit ang bangka (bangka o baloto).[5][32][33]

Ang Pag-anito o Pag-aanito ay kapag nakikipag-usap ang mga babaylan sa mga espiritu ng mga patay at mga espiritu ng ninuno,  at maging sa mga masasamang espiritu[5][34][35]

Naniniwala ang mga sinaunang Tagalog sa anito, ang mga espiritu o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Iginagalang at sinasamba nila ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay, lalo na ang mga espiritu ng mga magulang at mga lolo at lola na pumanaw na. Ang mga espiritu ng mga ninuno ay kadalasang nirepresenta ng maliliit na idolo na inilalagay sa mga tahanan, minsan gawa sa ginto at may anyo ng mga hayop, tulad ng mga buwaya.[18][36]Ang mga anito ay hindi lamang matatagpuan sa bahay. Ang ilan ay pinaniniwalaang naninirahan sa mga bundok, kagubatan, at mga palayan. Kadalasan, ang mga ito ay mga kaluluwa ng mga sinaunang mandirigma o mga naunang naninirahan sa lupaing iyon. Naniniwala ang mga Tagalog na ang mga espiritung ito ay maaaring magbigay proteksyon o magdulot ng pinsala, kaya't sila ay itinuturing na may respeto.[18][20][37][38] Hindi tulad ng ibang mga katabing kultura na sumasamba sa maraming diyos at espiritu nang hindi gumagawa ng mga idolo, ang mga Tagalog ay gumagawa lamang ng mga pisikal na representasyon para sa ilang mga anito na may kaugnayan sa sambahayan. Ang iba't ibang mga rehiyon at tribo ay may kani-kaniyang mga pangalan para sa mga espiritung ito. Habang tinatawag ng mga Tagalog silang anito, may mga ibang pangalan tulad ng nitu, aitu, o hantu. Ipinapakita nito kung gaano kalaganap at kalalim ang paniniwala sa mga espiritu ng mga ninuno sa buong Timog-Silangang Asya.[18][22][23]

Anito - Mga diyos-diyosan at masasamang kaluluwa

Sa paniniwalang Pilipino lalo sa makabagong panahon, may mga anito na itinuturing na huwad na diyos, o diyos-diyosan o masasamang espiritu. Kabilang sila sa mga kilalang aswang, yawa, o mangalo sa Tagalog at Visayas. Hindi tulad ng ibang diwata o ninuno na maaaring payapain ng alay, ang mga ito ay lubos na malupit at hindi maaaring kausapin o sambahin. Sa halip, sila ay itinataboy, pinalalayas, o pinupuksa.[39][1][2][39][40][41][42]

Anito at ang daigdig ng mga kaluluwa

Sa iba’t ibang pangkat-etniko, maraming iba’t ibang lokasyon sa daigdig ng mga espiritu. Ang patutunguhan ng isang kaluluwa ay maaaring nakabatay sa paraan ng pagkamatay, edad, o ugali noong nabubuhay pa. Bago dumating ang Kristiyanismo at Islam, walang konsepto ng langit o impiyerno. Sa halip, ang daigdig ng espiritu ay isang ibang dimensyon na kasabay na umiiral ng materyal na mundo. Ang mga kaluluwa ay muling nagsasama-sama sa kanilang mga yumaong kamag-anak at namumuhay na parang normal sa daigdig ng mga espiritu.[43]

Sa ilang paniniwala, ang masasamang kaluluwa ay kailangang dumaan muna sa paglilinis bago sila makapasok sa isang partikular na kaharian ng espiritu. Sa kalaunan, ang mga kaluluwa ay muling isinisilang matapos ang isang tiyak na panahon sa daigdig ng espiritu.[44][45] Sa ilang kultura, tulad ng sa mga Kalinga, ang pagkakaroon ng batok (tattoo) ay isang rekisito upang matanggap ng mga ninuno ang isang kaluluwa sa kanilang kaharian. Sa iba pang kultura, ang mga tattoo ay nagsisilbing liwanag at gabay sa kanilang paglalakbay patungo sa kabilang buhay.[46]

Ugnayan ng daigdig ng kaluluwa at materyal na daigdig

Ang mga espiritu ng ninuno ay may kakayahang makaapekto sa mundo ng mga buhay, at ang mundo ng mga buhay ay maaari ring makaapekto sa kanila.[47] Ang pag-anito ay isang ritwal upang tumawag sa mabubuting espiritu ng ninuno para sa proteksyon, paggabay (kalara o kalda), o payo. [48]Ang mga espiritu ng ninuno na nagsisilbing tagapamagitan sa mga diyos ay tinatawag na pintakasi o pitulon. Samantala, ang mga masamang espiritu ng mga namatay ay maaaring magpakita bilang mga multo (mantiw) na nagdadala ng kapahamakan sa mga buhay. Maaaring gamitin ang pag-anito upang payapain o palayasin sila.[5]Mahalaga rin ang mga espiritu ng ninuno sa panahon ng pagkakasakit o pagkamatay, dahil sila ang inaakalang tumatawag sa kaluluwa patungo sa kabilang buhay, gumagabay sa kaluluwa sa paglalakbay nito, o sumasalubong sa pagdating nito sa daigdig ng espiritu.[49]

Diwata - Mga Espiritu ng Kalikasan at mga bathala o diyos

Thumb
Tagno ng Diwata Agusan image (900–950 AD) nadiskubre noong 1917 sa pang pang ng ilog Wawa Esperanza, Agusan del Sur, Mindanao. Ginagalang ng mga tao bilang imahe ng Diwata, ngayon ito ay nasa the American Field Museum

Sa ilang pangkat-etniko, ang mga espiritung at bathala ay tinatawag na diwata. Ang mga espiritung ito ay maaaring:

  1. Mga simpleng espiritu na nagbabantay sa isang bagay, halaman, hayop, o lugar,[5][50]
  2. Mga diyos na kumakatawan sa mga abstract na konsepto o natural na phenomena,[5][51]
  3. Mga diyos na kabilang sa isang pangkat ng mga bathala o diyos (pantheon).[52][53]

Ang mga diwata ay tinatawag din sa iba’t ibang pangalan tulad ng dewatu, divata, duwata, ruwata, dewa, dwata, at diya sa iba't ibang wikang Pilipino. Ang salitang diwa sa Tagalog (ibig sabihin, "espiritu" o "diwa") ay nagmula sa Sanskrit na devata (देवता) o devá (देव), na nangangahulugang "diyos" o "taga-langit". Ang pangalan ng diwata ay dulot ng pagsasanib ng paniniwalang Hindu-Budista sa pamamagitan ng hindi direktang ugnayan ng Pilipinas sa Timog Asya sa pamamagitan ng Srivijaya at Majapahit.[5][54]

Gayunpaman, nagkakaiba-iba kung anong mga nilalang ang itinuturing na diwata depende sa pangkat-etniko. Sa ilang pangkat-etniko tulad ng B'laan, Cuyonon Visayan, at Tagalog, ang Diwata ay tumutukoy sa kataas-taasang diyos sa kanilang pantheon, kaya may iba’t ibang katawagan para sa mga espiritung hindi tao.[5][8][54]

Ang mga Diwata Sa mitolohiya ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga diwata, mga espiritu ng kalikasan, mga nilalang sa langit, at mga mitolohikal na bathala. Sa katutubong relihiyon, partikular itong tumutukoy sa mga celestial na nilalang at mga espiritu ng kalikasan na hindi kailanman naging tao. Ang mga espiritung ito ay maaaring mula sa mga tagapag-alaga ng mga bagay, halaman, o hayop hanggang sa mga diyos na kumakatawan sa mga natural na puwersa, abstract na konsepto, o kahit na mga diyos sa isang pantheon[55][56] Ang Pag-Diwata o Paniniwata ay isang ritwal na nagbibigay ng papuri, pagsamba at pagsamba sa mga diyos at espiritu ng kalikasan. [5]

Ang iba pang uri ng mga espiritu ay ang mga na espiritu na malayang gumalaw sa mundo ng mga tao at espiritu. Sila ay maaaring magpakita sa anyo ng hayop (karaniwan bilang mga ibon) o anyong tao, may kasarian, at may sariling pangalan. Sila ay kahawig ng mga diwata at mga engkantada sa alamat ng Europa.[57]Ito ang pinaka-karaniwang uri ng mga espiritung nagiging abyan (mga gabay na espiritu ng babaylan), dahil sila ang pinaka-"palakaibigan" at maaaring magkaroon ng interes sa mga gawain ng tao. Sa makabagong alamat ng Pilipinas, kadalasan silang tinatawag na engkantada o engkantado (mula sa Kastilang encanto).[58]

Remove ads

Anito - Mga Masamang Espiritu

Ang mga masasamang anito o mga diyos.dyosan ay klase ng masasamang espiritu o demonyo, pati na rin mga supernatural na nilalang, na karaniwang kilala bilang aswang, yawa, o mangalo (o mangalok, mangangalek, o magalo) sa mga Tagalog at Bisaya. Maraming uri ng aswang na may partikular na kakayahan, ugali, o hitsura. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sigbin, wakwak, tiyanak, at manananggal.May mga anitong naiiba sapagkat hindi sila maaaring lapitan gamit ang mga alay at sila ay walang awa. Karamihan sa mga gawain na kaugnay sa kanila ay upang itaboy sila, paalisin, o sirain sila. Hindi sila tinutukoy ni hindi rin sinasamba sa mga seremonyang relihiyoso.[1][2][39][40][41][42]

Mga banal na bagay at dambana

Mga anitong kahoy – mga inukit ma tao-tao

Thumb
15th century bulul may hawak na pamahan (mangkok pang seremonya) sa Louvre Museum
Thumb
Anitong kahoy o Bulol na mga imahe ng ninuno Bontoc, Mountain Province, Philippines

Sa pangkalahatang Anito ang tawag sa ano mang estatwang kahoy na kumakatawan sa mga yumao, ninuno at kaanak na mga namatay[5][59][60] Maeaming ibang katawagan sa mga estawang kahoy at ang mga espiritu ng ninuno na karaniwang kinakatawan ng mga inukit na estatwa. Ang mga ito ay kilala bilang taotao ("maliit na tao"; tinatawag ding taotaohan, latawo, tinatao, o tatao), bata-bata ("munting bata"), ladaw ("larawan" o "anyo"; tinatawag ding laraw, ladawang, lagdong, o larawan), at likha ("nilikha"; tinatawag ding likhak) sa karamihan ng Pilipinas.[5][61][62] Iba pang pangalan ng mga estatwang ito sa iba't ibang pangkat-etniko ay:

  • Anito Pangkalahatang tawag sa mga estawang kahoy na kumakatawan sa mga ninuno
  • Bulul (tinatawag ding bulol o bul-ul) sa mga Ifugao
  • Tinagtaggu (tinatawag ding tinattaggu) sa mga Kankanaey at Tuwali Ifugao
  • Lablabbon sa mga Itneg
  • Manaug sa mga Lumad
  • Tagno sa mga Bikolano

Sa mga Tagalog, ang taotao ay minsan ding tinatawag na lambana (katunog ng dambana o "altar" o "sagradong lugar"), na mula sa kung saan sila karaniwang inilalagay.[63] Ang Anito o taotao ay karaniwang payak at magaspang na inukit na estatwa na gawa sa kahoy, bato, o garing. May ilang Anito (taotao) na natagpuan ng mga Espanyol na yari sa mahahalagang metal o may palamuti ng ginto at alahas, ngunit ito ay napakabihira. [64]Halos lahat ng taotao ay inilalarawan sa posisyong nakaupo nang nakadekwatro ang mga kamay sa tuhod, na kahawig ng posisyong pang-sanggol, pang-araw-araw na paraan ng pakikipag-usap, at paraan ng pag-aayos ng katawan ng mga sinaunang Pilipino sa oras ng kamatayan. Gayunpaman, may ilang estatwa na nakatayo o ipinapakita na gumagawa ng pang-araw-araw na gawain tulad ng pagsayaw, pagbayo ng palay, o pagpapasuso ng sanggol.[65][66] Sa napakabihirang pagkakataon, ang mga diwata ay maaaring ipakita bilang lambana sa anyong tao, bilang mga lambana o maalamat na nilalang, o bilang mga hayop.[67][68] Kabilang dito ang isang natatanging uri ng estatwa na tinatawag na hipag sa mga Igorot, na kumakatawan sa mga diyos ng digmaan, pati na rin ang kinabigat (mga inukit na poste ng bahay) at hogang (mga inukit na poste mula sa tree fern na ginagamit bilang palatandaan ng hangganan at panangga laban sa kapahamakan).[68]

Mga Dambana, Altar, at Sagradong Lugar

Pinaniniwalaang naninirahan ang mga diwata sa 400-taong gulang na puno ng balete sa Lazi, Siquijor, na may natural na bukal sa pagitan ng mga ugat nito. [5]Ang mga sinaunang Pilipino, pati na rin ang mga Pilipinong patuloy na sumusunod sa katutubong relihiyon ng Pilipinas, ay karaniwang walang tinatawag na "templo" ng pagsamba sa paraang kilala sa ibang kultura. Gayunpaman, mayroon silang mga sagradong dambana, na tinatawag ding bahay ng espiritu.[69] Ang mga dambanang ito ay maaaring iba-iba ang laki—mula sa maliliit na platapormang may bubong, hanggang sa mga estrukturang kahawig ng isang maliit na bahay (ngunit walang dingding), at maging mga dambanang kahawig ng pagoda, lalo na sa timog, kung saan ang mga sinaunang moske ay ginaya rin sa ganitong disenyo.[70] Ang mga dambanang ito ay may iba't ibang tawag depende sa pangkat-etniko. Maaari rin silang magsilbing imbakan ng mga taotao at kabaong ng mga ninuno. Sa mga Bikolano, ang mga taotao ay iniingatan sa loob ng mga sagradong kuweba na tinatawag na moog.[71]

Remove ads

Paggamit sa ibang pangkat-etniko

diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [72] ) Tradisyunal na ginagamit ang katawagan para sa diyos at diyosa sa mga rehiyon ng Kabisayaan, Palawan, at Mindanao, samantalang anito ang ginagamit kapag sinasalarawan ang engkanto sa Luzon. Parehong katawagan ang ginagamit sa Bikol, Marinduque, Romblon, at Mindoro, na pinapahiwatig ang walang pinapanigang lugar para sa dalawang katawagan.



Remove ads

Anito sa Mitolohiyang Pilipino

Ang Anito sa Mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga Espiritu o kaluluwa Ng mga Ninuno o yumao at ang mga tao-taong kahoy. Ang Anito ay madalas na kinakatawan sa pamamagitan ng mga kahoy na ukit o hulmang tao na nagsisilbing pisikal na representasyon ng mga espiritu.[73][74]

Diwata sa Mitolohiyang Pilipino

Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [72] ay isang uri ng espiritu ang iba ay diyos at diyosa. Nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng "diwata" sa paglipas ng panahon, lalo na nang maisama ito sa mitolohiya ng mga sinaunang Pilipino. Sa mitolohiyang Filipino, ang diwata ay mga makapangyarihang espiritu o diyos na nauugnay sa kalikasan. Sila ay itinuturing na mga tagapangalaga ng likas na yaman tulad ng kagubatan, bundok, ilog, at mga halaman. Kilala sila sa kanilang kagandahan at kabutihan, ngunit maaari rin silang magparusa sa mga taong hindi rumerespeto o naninira sa kalikasan. Madalas silang inilalarawan bilang mga ubod-gandang babae o di kaya ay magandang lalaki na may kakayahang magbigay ng proteksyon at biyaya.[75]

Sa mga kwento at alamat ng rehiyon ng Luzon, kadalasang nauugnay ang diwata sa lambana. Ang pagsasama ng diwata at lambana sa mga kwentong-bayan ng Luzon ay nagmumula sa kanilang mga pinagsasaluhang katangian bilang mga espiritu ng kalikasan, mga adaptasyon sa kultura, mga impluwensya ng kasaysayan ng kolonyalismo, at ang kanilang mga papel sa mga kwentong may aral. Sama-sama, pinayayaman nila ang sining ng mitolohiyang Pilipino at nagsisilbing mahalagang paalala ng malalim na koneksyon sa pagitan ng mga tao at ng kanilang likas na kapaligiran.[76][77]

Remove ads

Lambana sa Mitolohiyang Pilipino

Sa mitolohiyang Pilipino, ang lambana ay isang uri ng kaluluwa ng kalikasan o munting diwata, madalas inilalarawan bilang maliit na nilalang na may pakpak, katulad ng mga engkanto sa Kanlurang mitolohiya. Karaniwang nauugnay ang mga lambana sa kalikasan at itinuturing na mga tagapangalaga ng mga kagubatan, ilog, halaman, at mga hayop. Pinaniniwalaan din silang nagtataglay ng mahika at kagandahan ng kalikasan at maaaring magbigay ng biyaya o parusa depende sa pagtrato ng mga tao sa kalikasan.[78]

Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at mas maselan, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.[78][79]

Remove ads

Makabago at kasalukuyang pananaw sa Diwata at Anito

Ang Diwata sa mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga diwata, lambana, kaluluwa ng kalikasan, nilalang sa kalangitan, at mga diyos sa mitolohiya. Sa katutubong pananampalataya, ang katagang ito ay partikular na naglalarawan ng mga nilalang sa kalangitan at kaluluwa ng kalikasan na hindi kailanman naging tao. Ang Diwata ay maaring sumaklaw sa mga kaluluwa ng mga bagay, halaman, o hayop, hanggang sa mga diyos na kumakatawan sa mga sagupa ng kalikasan o di-tuwirang kabatiran, at maging sa mga dyos at dyosa ng isang panteon.[80][81][82] Ang makabagong pagkaunawa ng mga Pilipino sa diwata ay sumasaklaw sa mga kahulugan tulad ng musa, engkantada, nimpa, pati narin dyos, o dyosa. [83][84] Ang salitang ito ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang Sanskrit na devata (dyos o dyosa). [85] Ang mga diwata sa mga alamat at mitolohiya ay madalas na iniuugnay at o isinasabay sa mga fairy na tinatawag na lambana. [86][87][88] Sa makabagong Tagalog, ang "diwata" ay nangangahulugang ada at musa. Tumutukoy ito partikular sa mga espiritu ng kalikasan na may pambihirang kagandahan, tulad ni Maria Makiling. [89][90] Ang katagang Anito na karaniwang nauunawaan ngayon bilang tumutukoy sa mga inukit na kahoy, [91] mga espiritu ng mga ninuno o espiritu ng mga patay ay maaring nagmula sa proto-Malayo-Polynesian na qanitu at proto-Austronesian na qanicu, na parehong nangangahulugang kaluluwa ng mga ninuno. [92] kaluluwa ng mga patay, masasamang espiritu at ang mga kahoy na idolo na kumakatawan sa kanila. [93][94][95]

Ang Anito, o Anitu sa mitolohiyang Pilipino, ay tumutukoy sa mga kaluluwa ng mga ninuno, kaluluwa ng mga yumao, masasamang kaluluwa,[5][96] at mga kahoy na idolo na kumakatawan o nagsisilbing tahanan ng mga ito. Sa kabilang banda, sa konteksto ng katutubong pananampalataya, ang Anito ay may mas malawak na kahulugan. Tumutukoy ito sa mga espiritu ng ninuno,[5] na sinasamba sa katutubong relihiyon ng mga Pilipino mula noong panahon bago dumating ang mga kolonyalista hanggang sa kasalukuyan. Ang partikular na interpretasyon ng kataga ay nagkakaiba-iba depende sa pangkat etniko.[1][8][97]

Remove ads

Sining

Pelikula at telebisyon

  • Amaya, isang makasaysayang serye sa telebisyon tungkol sa prekolonyal na Pilipinas. Ipinapakita rito ang mga diwata bilang mga diyosa.[98]
  • Sugo, ay isang Philippine television drama na serye ng aksyon at pantasya na nagpapakita ng mga anito bilang masasamang ninuno at kalahating diyos.[99]
  • Super Ma'am (pandaigdigang pamagat: My Teacher, My Hero) ay isang Philippine television drama aksiyon pantasya na serye na tampok ang isang diwata na dating diyosa na naging engkantada at tagapaggabay ng pangunahing tauhan.
  • Ang Juan dela Cruz (TV series) ay nagpapakita ng anito bilang masamang diyos at ang mga diwata bilang mabubuting engkantada.
  • Diwata (1987), isang pelikulang idinirek ni Tata Esteban at isinulat ni Rei Nicandro, ay nagpapakita ng mahiwagang buhay ng mga diyos. Gumanap si Olga Miranda bilang pangunahing tauhan, kasama sina Lala Montelibano, Dick Israel at George Estregan.[100]
  • Halimaw sa Banga (1986), isang pelikulang katatakutan batay sa seryeng komiks na may parehong pamagat, ay tampok ang isang babaylan na pinatay sa isang ritwal at isinilid sa banga na naging masamang anito na pumapatay ng tao. [101]
  • Encantadia at Mulawin, dalawang serye sa telebisyon (may mga adaptasyong pelikula) sa iisang uniberso na nagpapakita ng mga diwata bilang isang lahi ng mga engkantada at supernatural na nilalang na naninirahan sa Encantadia, isang dimensyong lampas sa mundo ng tao.[102]
  • Faraway (2014), isang independent film na tumatalakay sa isang babae at ang kaniyang paghahanap sa tribong Diwata.[103]
  • Indio, isang serye sa telebisyon kung saan ang pangunahing tauhan ay anak ng isang mortal na lalaki at isang babaeng diwata.[104]
  • Okay Ka, Fairy Ko!, isang pantasyang serye sa telebisyon na komedyang situwasyonal (may mga adaptasyong pelikula) tungkol sa isang mortal na lalaki na napangasawa ang prinsesa ng mga engkantada – isang diwata.[105]
  • One Day Isang Araw, isang pantasyang antolohiya sa telebisyon ay tampok ang isang episode na pinamagatang *Ang Huling Diwata*, tungkol sa isang diyosang naging engkantada at tagapangalaga ng isang lawa.[106]
  • Elemento, isang dokudramang antolohiya sa telebisyon na tumatalakay sa isang diwata ng ilog na isinumpa dahil sa pag-ibig sa isang mortal na lalaki.[107]
  • Wansapanataym, isang pantasyang antolohiya sa telebisyon, ay tampok sa isang episode na pinamagatang *Enchanted Trees* ang mga diwata bilang mga engkantada at tagapangalaga ng mga puno.[108]

Panitikan

  • Isa sa mga pangunahing tauhan sa dulang Speech & Debate na isinulat ni Stephen Karam ay isang babaeng may lahing Pilipino na nagngangalang Diwata.
  • Nagpakilala ang Marvel Comics ng mga "Diwatas" bilang isang panteon ng mga diyos na kahalintulad ng mga Asgardian at Olympian. Kabilang dito sina Aman Sinaya, Amihan, Anitun, Apo Laki, Aswang, Bathala, Mayari, at Tala.[109]

Musika

Iskultura

Thumb
Isa sa mga iskultura ng Anito ni Pambansang Alagad ng Sining Arturo Luz sa The Courtyard ng Philippine International Convention Center
  • Ang serye ng iskultura na Anito at mga pampublikong art installations ni Pambansang Alagad ng Sining Arturo Luz ay hango sa mga ukit na taotao ng mga anito.[111]

Pista

Thumb
Isang tagapalabas na gumaganap bilang babaylan sa 2015 Babaylan Festival ng Bago, Negros Occidental
  • Ang Babaylan Festival ng Bago, Negros O ay isang street dancing festival na ipinagdiriwang ang mga tradisyon ng Visayas tungkol sa mga anito at mga babaylan.[112]
  • Ang Kamarikutan Pagdiwata Arts Festival ng Puerto Princesa ay inspirasyon mula sa tradisyunal na ritwal na pagdiwata*


Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads