Bagyong Auring (2021)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Bagyong Auring (2021)
Remove ads

Si Bagyong Auring, kilala rin sa pangalang internasyonal nito na Dujuan, ay isang mahinang bagyong unang nabuo noong 16 Pebrero 2021. Ito ang unang bagyong nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas para sa panahon ng 2021.[1][2] Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar noong 22 Pebrero 2021 bilang isang mahinang depresyon, at tuluyang nalusaw makalipas ng ilang oras.

Agarang impormasyon Bagyo (JMA), Nabuo ...

Bagamat mahina, nagdulot ang bagyo ng pagbaha sa Kabisayaan at Mindanao, lalo na sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur. Ayon sa NDRRMC, di bababa sa 121,000 katao ang naapektuhan ng bagyo. Isa ang naiulat na namatay, habang dalawa naman ang nawawala.

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Ang tinahak ni Bagyong Auring.

Noong 8:00 n.g. ng 16 Pebrero 2021, iniulat ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang isang bagong depresyon malapit sa "Kapuluan ng Caroline".[3] Naglabas kalaunan ng babala ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC), dalawang oras pagkatapos.[4] Bandang 5:00 n.u. ng ika-17 ng Pebrero, idineklara ito ng PAGASA bilang isang depresyon.[5]

Gumalaw ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Pumasok ang sistema sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas noong 8:00 n.u., na nagbigay-hudyat sa PAGASA para ibigay ang pangalang "Auring" sa sistema.[6] Nagpatuloy gumalaw ang sistema pa-kanluran habang patuloy rin itong lumakas.[7] Naging isang ganap na bagyo ito noong ika-18 ng Pebrero, habang tinatahak nito ang hilagang-kanlurang direksyon nang mabagal sa Dagat Pilipinas.[8][9] Samantala, itinaas rin ng JMA ang antas nito kalaunan, at binigay ang pangalang "Dujuan" para sa sistema.

Bago magpalit ng araw, itinaas ng PAGASA ang Babala sa Bagyo Blg. 1 sa Davao Oriental at sa silangang bahagi ng Davao de Oro habang gumagalaw pakanluran nang mabagal si Auring.[10] Itinaas pa sa mas maraming lugar ang Babala sa Bagyo Blg. 1 habang nananatili sa puwesto nito si Auring sa Dagat Pilipinas.[11] Lumakas pa nang husto si Auring at naging isang malubhang bagyo,[12] ngunit agad din itong humina anim na oras pagkatapos habang nagsisimula itong gumalaw pakanluran.[13] Halos di na ito gumagalaw bago magpalit ang araw,[14] at bahagyang humina madaling araw kinabukasan.[15] Noong hapon ng ika-20 ng Pebrero, nagsimula itong gumalaw pahilagang-kanluran habang patuloy itong humihina.[16] Kinabukasan naman ng madaling araw, nagpalit ng direksyon ang bagyo at tinahak ang kanluran hilagang-kanlurang direksyon.[17] Bahagyang bumagal ito umaga ng araw na iyon,[18] at tinahak muli ang hilagang-kanlurang direksyon ilang oras pagkatapos.[19] Bumilis ang takbo nito kalaunan habang papalapit sa Silangang Visayas at Caraga.[20] Tuluyan itong naging isang depresyon bago matapos ang araw.[21] Habang papalapit ito sa lugar ng Kapuluang Dinagat at isla ng Homonhon nung madaling araw kinabukasan, lalo pa itong humina.[22] Nagpalit muli ito ng direksyon nung umagang iyon at tinahak ang hilaga hilagang-kanlurang direksyon patungo sa lalawigan ng Silangang Samar.[23] Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar ilang oras pagkatapos.[24] Humina pa lalo si Auring pagkatapos, at naging isang LPA bandang hapon habang binabaybay ang Albay.[25] Tuluyan itong nalusaw ilang oras pagkatapos.[26]

Remove ads

Responde

Paghahanda

Bilang paghahanda sa bagyo, itinaas ng PAGASA ang Babala sa Bagyo Blg. 1 sa ilang lugar sa silangang bahagi ng Mindanao noong ika-19 ng Pebrero.[11][27] Lumawak pa ang mga babala kalaunan, at nasama rin ang ilang bahagi ng Kabisayaan.[13] Samantala, nang lumakas panandalian noong ika-21 ng Pebrero si Auring, itinaas ang Babala sa Bagyo Blg. 2.[28] Ibinaba rin ito ilang oras pagkatapos, nang humina si Auring.[29] Sinuspinde naman ang pasok sa mga paaralan at opisina ng gobyerno sa Romblon, lungsod ng Tacloban, at Negros Oriental, gayundin sa ilang bahagi ng Cebu, Leyte, Davao de Oro, at Surigao del Sur.[30]

Pinsala

Nagpaulan ang bagyo sa Palau habang dumadaan ito sa naturang bansa.[31][32]

Ayon sa ulat ng NDRRMC, 121,970 katao ang naapektuhan ng bagyo sa Hilagang Mindanao, Caraga, at Davao. Sa bilang na iyon, 77,811 katao ang pansamantalang pinalikas sa 344 na mga evacuation center. Sa Surigao del Norte at Surigao del Sur, 180 kabahayan ang bahagyang napinsala, at 60 bahay naman ang tuluyang nasira ng bagyo. 42 panloob na lipad ng eroplano at biyahe ng barko ang kinansela dahil sa sama ng panahon, at di-bababa naman sa 2,971 pasahero ang naipit sa mga pantalan sa Gitna at Silangang Visayas.[30][33] Sa Caraga, isa ang napaulat na namatay habang may dalawang tao naman ang naiulat na nawawala.[2]

Remove ads

Tingnan rin

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads