Balanitis

From Wikipedia, the free encyclopedia

Balanitis
Remove ads

Ang balanitis[1] (mula sa Griyego: βάλανος balanos "acorn"). ay ang pamamaga o implamasyon ng glans penis o ulo ng titi (na kilala rin bilang burat o turat). Kapag apektado rin ang prepusyo ng titi, tinatawag na itong balanoposthitis.[1]

Thumb
Implamasyon ng ulo ng titi

Pangkaraniwang sanhi ng balanitis ang kakulangan ng kalinisan. Mas nagkakaroon ng ganitong uri ng pamamaga ang isang lalaki, partikular na sa mga bata, kapag mahaba ang prepusyo o suklob ng ulo ng titi. Napapanatili ang kalinisan ng bahaging ito ng kasariang panlalaki kapag hinihila ang prepusyo para mapalitaw ang nasusukluban o natatakpang bahagi at malimit na huhugasan ng tubig. Kapag nahihirapan sa pagsasagawa nito, kinakailangang isakatuparan na ang pagsusunat o pagtutuli.[1]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads