Pagtutuli

pagtatapyas ng burat na bumabalot sa ulo ng titi From Wikipedia, the free encyclopedia

Pagtutuli
Remove ads

Ang pagtutuli o pagsusunat o tuli ay isang paraan ng pagtatapyas ng ilan o lahat ng mga harapang balat ng titi.[1] Sa pinakapayak na paglalarawan, ito ang pagtatapyas ng balat sa may dulo ng isang titi, partikular na ang balat na sumasaklob sa burat (glans penis) ng titi.[2][3] Ang pagtutuli ay hindi karaniwan sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ito ay karaniwan lámang sa mga bansang may populasyong maraming relihoyoso gaya ng mga tagasunod ng mga relihiyong Islam, Kristiyanismo at Hudaismo. Gayunpaman, sa maraming mga bansang Katoliko o Orthodox gaya ng sa Timog Amerika at Silangang Europa, ang pagtutuli ay hindi karaniwan.

Agarang impormasyon ICD-10-PCS, ICD-9-CM ...

Ang ilan sa mga dahilan ng pagpapatuli ay kagawian o relihiyoso, hitsura, o paggamot sa mga karamdamang gaya ng balanitis xerotica obliterans, paraphimosis, balanitis, posthitis, balanoposthitis at mga pagsakop sa lagusan ng ihi. Bukod dito, may malakas na patunay rin na nakapagbabawas ng panganib ng pagkahawa ng HIV sa mga heteroseksuwal na laláki sa mga populasyong mataas ang panganib. Ang patunay sa mga heteroseksuwal na laláki sa sub-Saharan Aprika ay nagpapakitang bumawas ng panganib sa pagitan ng 38 at 66 bahagdan sa loob ng dalawang taon at ang mga pag-aaral ay nagpakitang ito ay mabisa sa gastos sa populasyong ito. Gayunpaman, kung ito ay makatutulong sa mga kakabaihan na nakipagtalik sa tuling lalaki ay pinagtatalunan pa at gayundin ang kung ito ay makatutulong sa mga maunlad na bansa at sa mga laláking nakikipagtalik sa kapwa laláki. Sa kasalukuyan, ay iminumungkahi ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang pagtutuli bílang bahagi ng komprehensibong programa sa pag-iwas ng paghawa ng HIV sa mga lugar na may mataas na bílang ng endemikong HIV. Ang mga etikal na pagkabahala ay nanatili tungkol sa pagsasagawa ng mga kampanyang nagtataguyod ng pagpapatuli.

Ayon sa Royal Dutch Medical Association (2010) sa Netherlands, walang dalubhasang asosiyasyon ng mga manggagamot ang kasalukuyang nagmumungkahi ng pamantayang pagtutuli sa mga tipon nito. Ang ilang mga katawang medikal ay tumalakay sa kung anong mga sirkunstansiya ang pagtutuli ng bagong panganak na sanggol ay etikal.

Sa kasalukuyan ay may pagtatalo sa pagpapatuli ng mga laláki. Ang mga argumentong itinaas sa pagtutol sa pagtutuli ay kinabibilangan ng: nakasasamang mga epekto sa tungkulin ng titi at nagbabawas ng kaligayahang seksuwal, na ito ay pinangangatwiran lámang ng mga mitong (myths) medikal, at ito ay paglabag sa karapatang pantao. Ang mga argumento na pabor sa pagtutuli ay kinabibilangan ng benepisyong pangkalusugan na mas matimbang sa mga panganib, walang malaking mga damay sa tungkulin ng titi at mababang komplikasyon kung isinagawa ng isang may karanasang doktor at mas maiging isagawa sa bagong panganak na sanggol.

Remove ads

Relihiyon

Ang pagtutuli ay isang gawi sa Hudaismo na bahagi ng sinasabing tipan kay Abraham at ng mga Israelita kaya ito ay isinasagawa rin ng mga kasalukuyang mga sekta ng Hudaismo, Islam at ilang mga sektang Kristiyano.

Hudaismo

Thumb
Paglalarawan ng pagsusunat kay Isaac, mula sa Tora, ca. 1300.
Thumb
Pagtuli sa sanggol na Hudyo

Sa mga sekta ng Hudaismo, ang pagtutuli ay isang seremonyang pampananampalataya at tinatawag itong brit mila (Ebreo: ברית מילה), na ang ibig sabihin ay "tipan ng pagtuli" sa Ebreo. Sa kasalukuyang mga sekta ng Hudaismo, ang pagtutuli ay dapat maganap mga walong araw pagkatapos ng kapanganakan ng isang sanggol kahit pa ito ay bumagsak sa araw ng Shabbat at ito ay isinasagawa ng isang mohel. Ang sanggol ay dapat medikal na maaring tuliin at ang batas ng Hudyo ay nagbabawal sa mga magulang na ipatuli ang kanilang anak na laláki kung sinabi ng mga doktor na manganganib ang kalusugan ng sanggol kung isasagawa ito, halimbawa sa tagpo ng hemophilia. Sa dahilanang ang kahinaan o sakit ng sanggol ay nagpaliban ng pagpapatuli, ang pagtutuli ay hindi dapat mangyari sa shabbat. Katungkulan ng isang ama na ipatuli ang kaniyang sanggol at kung siya'y mabigo, ang beth din ng siyudad na kaniyang tinitirhan ay titiyaking maisasagawa ang gawi na ito. Sa kawalan ng matandang dalubhasang Hudyong magsasagawa ng pagtutuli, ang mga babae, bata o alipin na may kinakailangang kasanayan sa pagtutuli ay binibigyan rin ng kapangyarihang magsagawa ng pagtutuli sa kalagayang ang mga ito ay Hudyo rin. Kahit pa ang pagtutuli ay mahalaga, ito ay hindi isang sakramento sa mga Hudyo hindi tulad ng bautismo sa Kristiyanismo. Ang pagtutuli ay hindi dumadamay sa katayuang pagka-Hudyo ng isang indibidwal. Ang isang Hudyong ipinanganak na Hudyo ay buong Hudyo kahit hindi pa ito tuli.

Kristiyanismo

Ayon sa mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan sa Bibliya, ang pagtutuli sa Hudaismo ay binuwag o pinawalang bisa na (1 Cor 7:18-19). Bagaman pinuri ni Pablo ang pagtutuli (Roma 3:1-2), kanyang ikinatwiran na ang pagtutuli ay hindi na nangangahulugang pisikal kundi espiritwal (Rom 2:25–29).

Ang pagtutuli ay kontrobersiyal sa yugto ng sinaunang Kristiyanismo bago ang 325 CE. Ang unang Konseho sa Herusalem ayon sa Bibliya ay naghayag na ang pagtutuli ay hindi kinakailangan sa mga akay na hentil (Gawa 15). Gayunpaman, ang pagtutuli ay kinagawian sa mga iglesiang Kristiyanong Coptic, Ethiopian, at Eritrean Orthodox gayundin ang ilang mga iglesiang Aprikano. Ang ilan sa mga iglesia sa Timog Aprika ay tumutol sa pagtutuli dahil sa nakita nitong isa itong paganong ritwal samantalang sa ibang mga sektang Kristiyano kabilang ang Nomiya church sa Kenya ay nag-aatas sa mga kasapi nitong magpatuli. Bagamang isinumpa ng Simbahang Katoliko ang gawain ng pagtutuli bilang isang mortal na sala,[4]

Ang pagtutuli ay hindi pangkalahatan sa mga katoliko, halimbawa, bagaman itong karaniwan o isang kultural sa bansang Pilipinas, ito ay hindi karaniwan sa iba pang mga Katolikong bansa gaya ng Espanya, Italya, Timog Amerika at iba pa.

Islam

Ang pandaigdigang pagtatantiya ng World Health Organization (WHO) ay nagmumungkahing ang 30 porsiyento ng mga laláki ay tuli na halos 70 porsiyento nito ay Muslim.

Remove ads

Pagiging laganap sa buong mundo

Thumb
Mapa ng pagiging laganap ng pagtutuli sa buong mundo.

Ang pagtatantiya ng mga proporsiyon ng laláking tuli sa buong mundo ay iba iba mula 1/6[5] hanggang 1/3.[6] Tinantiya ng World Health Organization na ang 664,500,000 laláking may edad na 15 pataas ay tuli o 30% ng pagiging laganap sa mundo. Ang halos 70% nito ay mga Muslim.[7] Ang pagtutuli ay laganap sa mga bansang Muslim, sa ilang bahagi ng Timog Silangang Asya kabílang ang Pilipinas, Aprika, Estados Unidos, Israel, Timog Korea. Ito ay bihira sa Europa, Timog Amerika, mga bahagi ng Timog Aprika, karamihan ng Asya at Oceania. Ang pagiging laganap ay halos lahat sa Gitnang Silangan at Sentral na Asya.[7] Ang WHO ay nagpakita ng mapa ng pagtatantiya ng kalaganapan ng pagtutuli na ang level ay pangkalahatang mababa (< 20%) sa buong Europa.[8] Sa Timog Amerika, ang pagiging laganap ng pagtutuli ay pangkalahatang mababa.[9] Ang mga pagtatantiya sa mga indibdwal na bansa ay kinabibilangan ng Espanya,[10] Colombia[10] at Denmark na[11] mababa sa 2%, Finland 0.006%[12] at 7%,[13] Brazil[10] 7%, Taiwan[14] 9%, Thailand[10] 13% at Australia[15] 58.7%.

Ang pagtatantiya ng WHO sa pagiging laganap ng pagtutuli sa Estados Unidos at Canada ay respektibong 75% at 30%[7] Ang pagiging laganap sa Aprika ay nag-iiba-iba mula sa bababa sa 20% sa ilang katimugang bansa hanggang sa halos pangkalahatan sa Hilaga at Kanluraning mga bansa.[9]

Pilipinas

Sa Pilipinas ang isang laláki ay karaniwang nagpatuli sa mga edad na 8 hanggang 15. Ang mga laláking nakapagpatuli na ay tinatawag na "tulî" at ang mga hindi pa ay tinatawag na "supót". Ito ay tinuturing na gawi ng pagtuloy sa pagbibinata ng isang laláki at itinuturing na may malaking stigmang kaugnay sa mga laláking supot. Ang karaniwang paraan ng pagtutuli sa mga laláki sa Pilipinas ay tinatawag na dorsal slit (hiwa sa dorsal) o pukpok na paghihiwa lamang sa kahabaan ng ibabaw ng harapang balat (foreskin) ng titi at walang tinatanggal na anumang balat. Ito ang paraan na karaniwang ginagawa sa mga libreng pagtutuli na ginagawa sa mga klinika o sentrong pangkalusugan tuwing panahon ng tag-init. Ito ay karaniwan ring matatagpuan sa mga Tagaislang Pasipiko bukod sa Pilipinas. Gayunpaman, ang ilang mga laláking nasa Pilipinas ay sumasailalim sa buong pagtatanggal ng balat. Sa mga Kanluraning Bansa, ang dorsal slit ay maaring isagawa bílang alternatibo sa buong pagtutuli o pagtatanggal ng balat upang maginhawaan ang mga kalagayang gaya ng phimosis at paraphimosis. Isa sa mga maling pananiniwala sa pagtutuli ang paniniwalang ang pagpapatuli ay nagpapatangkad sa isang batang laláki. Ang paglaking ("growth spurt") ito ay dulot ng pampalagong hormone na inilalabas sa paglago ng mga laláki at hindi ng pagpapatuli.

Canada

Thumb
Ang bawat rehiyon sa Canada na nagpapakita ng tala ng mga tinuli.

Natuklasan ng isang pasisiyasat ng mga pagsasanay ng mga ina sa Canada na ginawa noong 2006/2007 at nilathala noong 2009 ng pambansang pampublikong kalusugan ang rate o grado ng nagpapatuling bagong panganak ay nasa 31.9% Iba't iba ang mga grado sa buong bansa, mula pinakamalapit sa sero sa Newfoundland at Labrador hanggang 44.3% sa Alberta. Noong 2015, ginamit ng Canadian Paediatric Society ang mga estadistikang iyon upang matukoy ang pambansang grado ng pagtutuli na kasalukuyang sinisipi.[16][17]

Karagdagang impormasyon Lalawigan/Teritoryo, Bahagdan ...

Estados Unidos

Thumb
Ang bawat rehiyon sa Estados Unidos ng Amerika na nagpapakita ng tala ng mga tinuli.

Noong 2014, tinatayang nasa 80.5% ang tuling lalaking Amerikano, at tinuturing ang paglaganap ng pamamaraan na halos pangkalahatan sa bansa.[18][19]

Remove ads

Pagtutuli sa mga babae

Sa ibang mga kagawian partikular sa Aprika, isinasagawa rin ang pagtutuli sa mga kababaihan. Ang mga ito ay inuuri sa apat na uri ng World Health Organization (WHO) na ang pangunahing tatlo ay: Uring I na pagtanggal ng takip ng tinggil (Ingles: clitoris) na halos sinasamahan ng pagtanggal ng mismong tinggil (clitoridectomy); Uring II na pagtangal ng tinggil at panloob na labial; Uring III na pagtangal ng lahat o bahagi ng panloob at panlabas na labia (infibulation) at karaniwan ang tinggil at pagsasanib at pagsasara ng sugat na nag-iiwan ng maliit na butas para daanan ng ihi o regla-ang sinarang sugat ay binubuksan sa pakikipagtalik o panganganak. Ang mga 85 porsiyento ng babaeng sumailalim sa pagtutuli ay dumanas ng mga uring I at II at 15 porsiyento ng Uring III bagaman ito ang pinakaraniwang paraan sa mga bansang kinabibilangan ng Sudan, Somalia, and Djibouti. Ang ilan sa ibat ibang paraan ay inuri na pang-apat (Uring IV) na kinabibilangan ng simbolikong pagtusok o pagsunog ng tinggil, paghiwa sa puke upang palakihin ito at pagpapakila ng mga nakasusunog na bagay upang pasikipin ito.

Isyung medikal

Thumb
Bago (kaliwa) at pagkatapos (kanan) ng isang pagtutuli ng isang adulto na isinagawa upang gamutin ang phimosis. Pagkatapos ng operasyon, nakalantad ang glans kahit na malambot o flaccid ang titi.

Harapang balat ng titi

Isinaad ng World Health Organization na mayroong "pagtatalo tungkol sa tungkulin ng harapang balat (foreskin) na ang mga sakaling tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapanatili sa ulo ng titi (glans penis) na basa, pagsasangga sa titi sa utero o pagpapalakas ng kaligayahang (pleasure) seksuwal dahil sa pagkakaroon ng mga reseptor ng nerbo (nerve)."[20]

Pang-sikolohiya

Ang British Medical Association (BMA) ay nagsaad na "malawak na tinatanggap ngayon kabílang ng BMA na ang pamamarang siruhikal na ito ay may mga panganib na medikal at sikolohikal.[21] Ipinangatwiran nina Milos at Macris (1992) na ang pagtutuli ay nagkokodigo sa perinatal (ipanganganak) na utak ng karahasan at negatibong dumadamay sa pagbibigkis (bonding) na sanggol-ina at pagtitiwala.[22] Tinalakay din ni Goldman ang sakaling trauma sa pagtutuli sa bata at mga magulang nito, pagkabalisa sa katayuang tuli, at kagawiang maulit ang trauma at nagmungkahi ng pangangailangan sa bahagi ng mga doktor na maghanap ng medikal na pangangatwiran para sa pamamaraang ito.[23] Sa karagdagan, iniulat[a] ni Schultheiss (1998) ang mga laláking nagtatangkang baliktad na damay ng pagtutuli sa pamamagitan ng restorasyon ng harapang balat.[24] Ayon naman kina Moses et al. (1998), ang patunay siyentipiko ay kulang pa para sa panganib emosyonal at sikolohikal na nagbanggit ng isang longhitudinal na pag-aaral na hindi nakahanap ng pagkakaiba kaugnay sa bilang ng mga pag-unlad at pag-aasal na indeks.[25] Ang isang repasong panitikan nina Gerharz at Haarmann (2000) ay umabot sa parehong konklusyon.[26] Isinaad nina Boyle et al. (2002) na ang pagtutuli ay maaring maghinatnan ng sikolohikal na panganib kabilang ang pagkatapos na traumatikong stress na diperensiya(post-traumatic stress disorder o PTSD) na nagbanggit ng isang pag-aaral na nag-uulat ng mataas na gaalin ng PTSD sa mga batang Plipino pagkatapos ng gawi o medikal na pagtutuli.[27] Isinaad nina Hirji et al. (2005) na ang mga ulat ng sikolohikal na trauma ay hindi nagmula sa mga pag-aaral ngunit nananatiling ebidensiyang anekdotal na sanhi ng pagkabahala.[28]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga pananda

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads